Part 16

14.2K 469 18
                                    

PARANG nais pagsisihan ni Erica na pumasok pa siya ng araw na iyon. Wala pa naman ang tita Sally niya kaya nag-iisa siyang pumasok. Pagdating niya sa Timeless ay napansin na niya agad ang kakaibang tinging ipinupukol sa kanya ng lahat. Isang tingin pa lang ay siguradong na ichismis na siya ng ilang nakakita sa kanila ni Alex kahapon. Pilit niyang inignora ang mga ito at kumilos ayon sa nakasanayan niya.

Hindi pa siya tumatagal sa pagkakaupo ay nilapitan na siya ng sekretarya ni Sir Nicolo. "Erica, gusto ka daw makausap ni Sir Nicolo."

"Bakit po?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko alam e."

Nagtaka siya nang makitang tila nakikisimpatya ang tingin nito sa kanya. Bigla siyang kinabahan. "A-aalisin na ba niya ko sa trabaho?" nag-aalalang tanong niya.

"Ha? Bakit mo naman naisip yan?" tanong nito.

"Kasi.. kung makatingin ka parang naaawa ka sakin."

Muling bumalik ang nakikisimpatyang ekspresyon nito pagkuwa'y bumuntong hininga. "Basta, pumunta ka na doon. Pagkatapos niyong mag-usap saka tayo mag-uusap okay?"

Kinakabahan man ay tumayo na siya. Lumapit sa kanya ang bading na handler na bwena mano niya noong unang araw niya sa trabaho .Nalaman niyang Andi pala ang pangalan nito. "Basta, hindi ka namin pababayaan. Bunso ka namin e. Isa pa magwawala si Sally kapag hindi ka naming inalalayan."

Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. At lalo siyang kinakabahan sa tinging ipinupukol ng mga empleyado sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa opisina ng boss nila.

Naabutan niya si Sir Nicolo na nakaupo sa likod ng lamesa nito at tila malalim ang iniisip. Lumapit siya rito.

"Sir? Tawag niyo daw po ako?"

Nag-angat ito ng tingin. "Erica." Naiiyak na siya sa kaba. Ano ba talagang gusto nitong sabihin. "I heard, you're extra close with Zander."

Hindi niya alam kung anong isasagot. Sesesantehin ba siya dahil don? "Hindi ko naman po masasabing close kami. Siguro, ahm, friends?"

He sighed. "You don't have to make excuses Erica. We all know it. Halata naman sa kilos niyong dalawa. However, there are circumstances na wala akong control. And since I know you're special for each other kaya naisip kong dapat kong sabihin ito sa iyo ng personal since wala si Sally ngayon para sabihin ito sayo." tuloy-tuloy na sabi nito.

"A-ano po ba talaga iyon sir?"

Tiningnan siya nito. "Actually, Zander decided not to finish his contract. Aalis na sila ng bansa within this week. Willing si Lorraine na bayaran ang kahit na anong kailangang bayaran for breach of contract."

Natigilan siya. Oo nakakagulat iyon. But somehow she expects it to happen. Napabilis lang. Tama, ineexpect na niya iyon. Pero bakit parang nanghina ang mga tuhod niya? Bakit parang gusto niyang umiyak. "A, okay." tanging nasabi niya.

"I'm sorry to break this news to you." nakikisimpatyang sabi nito.

Nginitian niya ang mabait niyang Boss. "Okay lang po. I know this will happen. Thank you po sa concern." nagpaalam na siya at lumabas ng silid.

Nang makalabas siya ay naabutan niya ang mga empleyadong tila hinihintay siya sa labas ng opisina ni Nicolo.Hinihintay niyang i-bully siya at tawanan ng mga ito. But instead, isa-isang lumapit ang mga ito sa kanya. Ang iba ay tinapik siya sa balikat ang iba ay niyakap siya at binigyan siya ng mga consoling words. Lahat halos pare-pareho ng sinasabi.

"Sa tagal ko dito sa Timeless, lately ko lang nakitang madalas pumupunta dito si Zander. Nagyon ko lang din siya nakitang nakikipag-usap ng matagal at tumatawa. Dahil iyon sa iyo. Kaso nga, aalis pa rin siya."

MY DREAM STARWhere stories live. Discover now