Chapter 57: Freedom/Never changed at all

41 9 0
                                    

Ollie’s Pov

Hala?

May POV ulit ako? Wahaha! Buti naman at naalala pa ako ni ottor.  Akala ko pa naman porket may Nina na ako kakalimutan na nya na parte parin ako ng storyang to.  Pero well, ayos lang naman sa akin kahit wala na akong pov eh. I have my BABE na. And for me she’s more than my pov : )

Hindi kayo naniniwala? Ayos lang, alam kong gulat parin kayo sa biglaang tambalan namin ni Nina. Sino ba naman ang makakapagsasabing mahuhulog din pala ako sa kanya? Like, who in the earth could tell na ang taong kinaiinisan mo ay syang taong makakapagpapalungkot pala sayo pag nakita mong may kasama syang iba. Okay, TAE! Ako na ang cheesy! Sorry naman. Kabaliktaran lang naman kasi ako ng totoong Ollie sa totoong buhay. Malamang kung cheesy ako, yun torpe.

Oops. Hindi sya nagnbabasa nito. Wag nyo na lang sabihin readers ha, magagalit yun sa akin at baka ipalamun pa tayong lahat sa buwaya. Anyways balik sa kwento ko.

Kahit ako rin naman hindi ko pa masyadong alam ang dahilan kung bakit ganun ko nalang sya kabilis nagustuhan. Ako pa naman yung tipong napipikon sa presensya nya, GALIT pag andyan siya. NANDIDIRI kapag niyayakap nya kaya tinatali ko siya kung saan saan wag lang syang makalapit sa akin kahit na one meter apart. Oo, ganun ako ka pikon at asar sa kanya. Pero ewan ko kung bakit bigla bigla nalang mahal ko na sya. Siguro dahil dun sa nakita kong may bumabastos sa kanya sa bar,kung naaalala nyo pa.

(ottor: ayoko ng mag flashback! Alalahanin nyo na lang tamad po ako)

Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko ng pakiramdam na yun,  yung naramdaman kong may kasayaw sya na iba maliban sa akin. Baliw na nga siguro ako pero ayaw ko ng iniisip ko na baka isang araw nalang tumigil na sya sa pangungulit at pang aasar sa akin. Oo na, oo na! aaminin ko na. Nakakamis din yung taong hindi nawawala sa tabi mo para asarin ka. Nasanay na ako na halos araw araw saan ako magpunta andun sya para kulitin ako, kaya siguro ngayon natatakot ako kasi ayaw kong maramdaman kung paano kaya kung ayaw na nya akong kulitin.

After that day sa bar naisip ko mahirap pala siguro pag wala sya. Naging kami,ang lang  bilis noh? Ganun talaga. Eh sa gwapo ako magagawa nyo?

Hindi ko sya nagawang ligawan. Basta nalang naging kami pagkatapos nung nangyari sa bar. Andaming nabago. Akala ko ako lang itong weird. Eh kami atang lahat eh. Si Z nililigawan na si Lyra, and wait! Sinagot na nga  pala sya. Eh papaano na naman kaya si Emcy nun? Nag break na ba talaga sila ni boss Z? Alam kaya ni Lyra ang tungkol sa ex ni Z na si Emcy? Bahala sya, hindi ko na yan problema.

Si Rj naman nawawala. Strange masyado kasi ilang araw na syang hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang sa grupo. Wala syang sinabi sa amin bago sya umalis at nawala. Kawawa nga yung chix nya na Eanna ata ang pangalan? Basta! Sino man yun! Naaawa ako sa kanya. Unang kita ko palang sa reaksyon nilang dalawa nung nagtagpo sila at kung paano makitungo ang Eanna na yun kay Rj pakiramdam ko may pinagsamahan na sila. Kung saan saan ko nalang nakikita ang magandang babae nay un, malamang hinahanap siguro si Rj. Sigurado akong babalik din yun after this month ends. May one month kasi kami na limitation, at kapag hindi kami nag pakita before that month ends. We will be no longer considered as one of the BFG (Black fighter gang)Hindi lang yan, pati si Khryss hindi rin nagpahuli sa uso.

I knew Khryss as a great and forever loyal in being a cassanova. Kasama ko na sya sa grupo dati pa at alam kong wala syang sinasantong babae. Lahat tini-take out nya, buti nga at hindi nagka AIDS yung gago. Napaka chickboy nya. Pero ngayon dumating yang Marv-ah-este Suncel na yan bigla na lang siyang nagbago at naging gudboy. Gulo nya din eh no?

Si Miyumi naman kay Charles ayos lang naman siguro steady lang. Grabe, I thought our gang would only focusing on the stuffs na may kinalaman sa pakikipag away at pakikipagbasagan ng bungo sa daan. Yun kasi kami eh. Pero hindi. Everything was changed since these girls came.

Ako si Z (Republished)Where stories live. Discover now