Part 2

16.3K 379 5
                                    


"O PATRICE, bakit napakatahimik mo yata?" puna ng nanay niya sa kanya habang naghihiwa ng mga gulay na iuulam nila mamaya. Nakauwi na siya noon mula sa paggo-grocery.

Bumuntong-hininga siya. "'Nay, hindi ba ilang kilometro mula rito ay lupain na ng mga Moreno? Iyong gubat na madalas kong pinupuntahan kapag gusto kong manguha ng mga prutas, katabi ang lupain ng mga Moreno, 'di po ba?"

Ang kanyang ama ang talagang tubong-Cotabato. Isa itong dating manlalaro sa PBA na marahil ay hindi na matatandaan ng mga tao ang pangalan dahil hindi ito sumikat. Nang magka-injury ito at hindi na puwede pang maglaro ng basketball, iniuwi sila nito ng nanay niya sa Cotabato kung saan may maliit na lupain ito na pamana ng namayapa nitong mga magulang. Sampung taong gulang na siya noon. Sa kasalukuyan ay magpipitong taon na silang naninirahan sa Cotabato. Ilang buwan na lang din at magdidisisiyete na siya.

"Oo. Bakit bigla-bigla mong naitanong iyan?" tanong ng nanay niya.

"K-kasi po kanina, may binugbog na lalaki si Señor Moreno sa Kidapawan. Ang sabi ng napagtanungan ko, gusto raw bilhin ni Señor ang lupang sinasaka ng lalaki pero tumanggi kaya binugbog. Nakakaawa 'yong lalaki, napakaraming nakakakita pero walang gustong tumulong." Naalala uli ni Patrice ang kaawa-awang hitsura ng lalaki.

Bumuntong-hininga ang kanyang ina. "Kahit gustuhin natin o ng mga taong nakasaksi na tumulong, hindi natin magagawa. Masyadong makapangyarihan dito ang señor. Bulag at bingi ang mga opisyal ng bayan dito pagdating sa kasamaang pinaggagawa niya."

"Kaya nga po natakot ako sa naisip ko.'Nay, paano kung pag-interesan din niya ang maliit na lupa natin? Hindi malabong mangyari iyon lalo pa at malapit dito ang lupain ng mga Moreno."

Natigilan ito. Mayamaya ay tumingin ito sa kanya. "Patrice, anak, yamang nabanggit mo na rin lang ang lupain ng mga Moreno,may ipapakiusap sana ako sa iyo. Huwag ka na uli sanang papasok pa uli sa gubat para manguha ng prutas. Oo nga at walang guwardiya o private army na gumagala roon pero paano kung matiyempuhan ka nila?"

"Inay, nag-iingat naman po ako at saka paminsan-minsan lang akong pumasok doon."

"Hay, anak, huwag mo na sana akong pag-alalahanin pa. Disisais ka pa lang pero malaking bulas ka. Dalagang-dalaga na ang katawan mo. Idagdag pang matangkad ka. Walang mag-aakala na disisais ka pa lang. Baka kung sinong walanghiya ang makakita sa iyo roon at kung ano ang gawin sa iyo."

Kinilabutan siya."Sige po, 'Nay."



"I CAN almost see it, that dream I'm dreaming, but there's a voice inside my head says you'll never reach it. Every step I'm taking, every move I make feels lost with no direction..."bigay- todongpagkanta ni Patrice habang nasa itaas siya ng puno ng santol at nangunguha ng mga bunga niyon. Nawala na sa isip niya na dapat siyang mag-ingat.

Nangako siya sa nanay niya na hindi na siya pupunta ng gubatpara mamitas ng prutas pero kanina ay sobrang natatakam siya sa santol.Hindi siya matahimik hangga't hindi siya nakakakain niyon. Nasa Kidapawan angnanay niya at nagtitinda ng mga ani nilang gulay. Bakasyon na sa eskuwela. Dapat sana ay sasama siya rito pero hindi na siya nito pinasama, tutal naman daw ay kakaunti lang ang ititinda nito. Nang mangibabaw ang kagustuhan niyang kumain ng bagong pitas na santol, nagpasya siyang pumunta ng gubat. Mag-iingat na lang siya at magiging alisto kapag may narinig siyang taong palapit. Hindi rin siya magtatagal doon.

Pero kanina nang maglakad-lakad siya ay nakakita siya ng isang puno ng santol na hitik sa malalaking bunga. Sabik na inakyat niya iyon. Nakalimutan na niya ang bilin ng nanay niya habang sarap na sarap siya sa pagkain ng santol.

Lumipat siya ng sanga pero nagkamali siya ng tantiya sa sanga dahil medyo bumuway iyon.Isang maling kilos lang ay siguradong babagsak siya sa lupa. Tumingin siya sa ibaba.Napasinghap siya nang mapagtantong mataas na pala ang naaakyat niya,kaya pala maliliit na ang mga sanga. Siguradong mababalian siya ng buto sa sandaling malaglag siya. Huminga siya nang malalim at pilit pinatatag ang sarili.

Kaya mo 'yan,Patrice.

"Ano'ng ginagawa mo riyan?"

"Ay, kalabaw!" gulat na bulalas niya dahil sa baritonong tinig na bigla na lang nagsalita. Dahil doon ay nawalan siya ng balanse.Napapikit na lang siya at nanalangin na sana ay hindi masyadong malala ang pinsala na matatamo niya.

ore;Z[uT

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant