Part 16

11.2K 353 3
                                    


"You're so naïve,Patrice. Hindi mo pa rin ba naiintindihan?Nakuha ko na ang gusto ko sa 'yo and it's time to get rid of you.Didn't you remember what I said? Hihiwalayan na kita kapag ayoko na sa 'yo," ani Zeke.

Tila bombang sumabog sa pandinig ni Patrice ang mga sinabi nito.Pakiramdam niya ay may malaking kamay na lumalamukos sa puso niya kaya naninikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga. The pain was so blinding.Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Durog na durog ang puso niya.

"'S-sabi mo, m-mahal mo ako?"Halos hindi nanulas sa bibig niya ang mga salitang iyon. But she needed to know. Somehow, gusto niyang humanap ng kahit katiting na pag-asa para isalba ang kung ano mang mayroon sila.

Ngumisi ito. "Hindi mahirap pakawalan ang mga salitang iyon,Patrice, lalo na kung may nais kang makuha.But thanks to you, I had a fun summer vacation."

Para siyang nakatikim ng mag-asawang sampal sa narinig na insulto. Isa lang pala siyang libangan para dito? Umiling-iling si Patrice. Nagsisinungaling ito. Ramdam niya ang pagmamahal nito tuwing magkasama sila. "Hindi ako naniniwala sa 'yo, Zeke. Naramdaman ko! Ipinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na iyon! Zeke, please, huwag mong gawin sa akin ito. Kung may nagawa akong mali sa iyo, I'm sorry. Nakikiusap ako, huwag mo naman gawin sa akin ito..." desperadong wika niya.

"Oh, that? Naging miyembro ako ng theatre club kaya marunong akong umarte, Patrice."

"Hindi totoo iyan!"

Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nanghuhusga ang mga mata nito habang nakaukit sa mga labi nito ang isang nang-iinsultong ngisi. "Do you really think na seseryosohin ko ang isang tulad mo? Maganda ka, all right, sexy, that's given. Pero maraming mas magaganda kaysa sa 'yo hindi lang sa Manila kundi maging sa ibang bansa. In fact, kabi-kabila ang naging girlfriends ko sa England. Pinagtiyagaan lang kita, Patrice. You're so young and gullible. Madali kang bolahin."

Sobrang sakit ng mga salitang ibinato nito sa kanya. Hindi na yata mauubos ang mga luha niya. Kung sana ay kayang pawiin ng mga luhang iyon ang sakit na nararamdaman niya. Kung sana pagkatapos niyang umiyak ay mawawala rin ang sakit sa puso niya."Z-Zeke..." impit na hagulhol niya.

"Señorito Ezekiel," pagtatama nito.

"Nakuha mo na ang gusto mo, kaya ngayon ay parang basahan mo na akong iiwan sa isang tabi?"

"Thank God, nakuha mo rin ang punto ko. But you're a good lay, I must admit."

"Ang kapal ng mukha mo! Nagsisisi ako na minahal kita!" mariing sabi niya, sabay taas ng isang kamay niya para sampalin ito. For a moment, she thought she saw he offered his face to her.Sa huling sandali ay hindi niya itinuloy ang pagsampal dito.

"Hindi ko dudungisan ang palad ko ng isang basurang tulad mo! Humanda ka, Ezekiel Moreno, dahil mapaglaro ang tadhana! Isang araw, ikaw naman ang paglalaruan!" galit na sabi niya rito bago nagtatakbo palayo. Hindi pa siya nakakalayo ay tumigil siya sa pagtakbo at bumalik siyasa harap nito nang may maalala.Hinubad niya ang singsing na ibinigay nito, kinuha ang isang kamay nito at isinaksak iyon doon. "Hindi ko nakilala ang mommy mo pero naaawa ako sa kanya dahil may anak siya na katulad mo. At kung saan man siya naroroon ngayon, malamang na itinatakwil ka na niya bilang anak! Oo nga pala, anak ka ni Artemio Moreno!Bagay lang na naging mag-ama kayo. Pareho kayong walang puso!"Iyon lang at tuluyan na siyang umalis.


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Where stories live. Discover now