Part 34

11.4K 315 0
                                    

"SHIT!" pagmumura ni Ezekielnang makarating sila ng ospital at makita na may mga reporter doon na tila nagka-camping sa labas ng hospital.

"B-bakit maraming reporter?" tanong ni Patrice dito.

"Nakalimutan ko na narito nga pala sa ospital na ito si Senator Dizon. He suffered a heart attack at ang sabi sa balita ay malala ang kondisyon nito. Nakalimutan ko na marami nga palang media rito."

Hindi na siya nagkomento pero naunawaan na niya ang dilemma nito. Marahil ay ayaw nito na makita ng mga reporter na kasama siya nito at malamang na pagsimulan iyon ng rumor. Tumahimik na lang siya. Bahala na itong magdesisyon kung paano nito masosolusyunan ang problema nito. Pero sa pagkamangha niya ay lumiwanag ang mukha nito at gumuhit ang isang ngiti sa mga labi.

"Well, come to think of it, mas pabor pa nga siguro sa akin na makita tayo ng media," wika nito na animo may naisip itong magandang taktika para ipanalo ang laban nito.

"What are you thinking, Zeke?"

"Wala naman, pero sa lahat ng mga balitang ginawa nila tungkol sa akin, dito ako nae-excite. Kapag nakita nila tayo, siguradong gagawa sila ng balita. Magiging 'item' tayo, Patrice. Lagi nang madidikit ang pangalan mo sa akin. That way, hindi ka na makakaiwas. Mababale-wala na rin ang bali-balita tungkol sa inyo ni Xander."

Sasagot pa sana siya nang mapansin niya na may nakatingin nang ilang mediamen sa direksiyon ng sasakyan ng binata. Marahil ay nakilala ng mga ito ang sasakyan. Bukod doon ay hindi rin gaanong tinted ang sasakyan kaya mula sa labas ay makikita ang sakay niyon.

"Z-Zeke, please, ibalik mo na lang ako sa bahay," aniya rito. Bigla siyang natakot sa mga camera lalo na at nagkikislapan na ang mga iyon kahit hindi pa tuluyang nakakalapit ang mga ito.

"Pero ang paa mo," anitong nasa mukha ang pag-aalinlangan kung susundin ang nais niya o hindi.

"Wala ito. Please, just take me home."

"All right. Magpapapunta nalang ako ng doktor sa bahay," anito bago ibinuwelta ang sasakyan paatras. "Are you sure kaya mo pa ang sakit?" anitong nasa mukha at tinig ang pag-aalala.

Aminin man ni Patrice o hindi, pero tila humaplos sa puso niya ang sinabi ng binata. She already admitted that she still loved him pero nasa puso pa rin niya ang galit para dito. Hindi pa niya kayang tuluyang kalimutan ang nakaraan kaya hindi niya napigilang magpasaring. "Anong sakit ang gusto mong malaman kung kaya ko pa?" sarkastikong sagot niya rito.

Ezekielsighed. Hindi na ito sumagot, sa halip ay ibinuwelta na lang nito paatras angsasakyan. Bahagya siyang kinabahan nang bumilis ang takbo ng sasakyan habangang mga mata ng binata ay nakapako sa harap ng daan.    Pero nagulat na lang siya nang sa halip na sa town house siya nito dalhin ay pa-Maynila ang tinatahak nitong daan. Hanggang sa mamalayan na lang niya na pumapasok na ang sasakyan nito sa Forbes Park. Bumusina ang binata pagkatapos niyon ay bumukas ang steel gate. Pumasok ang sasakyan doon.

"Bakit dito mo ako dinala, Zeke? Oh, I'm sorry. It was Señorito Ezekiel, right?" Hindi na niya kailangang hulaan kung nasaan siya dahil sigurado siyang iniuwi siya ni Ezekiel sa bahay nito.

"Don't start with me,Patrice. Mula ngayon ay dito ka na titira at hindi sa town house ni Xander. This is where you should belong. With me," anito sa determinadong tinig.

She greeted her teeth in frustration."Zeke, wala akong natatandaan na binigyan kita ng karapatan para magdesisyon sa buhay ko. How conceited can you get!"

"We kissed—"

"Ano ngayon?" nakataas ang kilay na putol niya sa sinasabi nito. "We kissed, all right, pero walang ibig sabihin iyon. I responded, who wouldn't? You're a great kisser.Huwag mong gawing issue iyon! Para sabihin ko sa 'yo, hindi lang ikaw ang humalik sa akin."

Tumiimang mga bagang nito. 

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Where stories live. Discover now