Chapter 29

3K 84 2
                                    

Chapter 29: Cinderella feels
     
     
     
      
     
Inabot ko ang kamay ko sakanya ng walang pag-aalinlangan. Hawak hawak niya ang kamay ko ng mahigpit habang tinatahak namin ang venue papalabas. Bigla akong napatigil ng may humatak sa kabilang kamay ko. It was Logan.
       
      
"Who the hell are you to take away my girlfriend?" galit niyang saad na nagpaagaw sa atensyon ng marami. Kita ko rin ang mga paparazzi na ngayon ay samin na nakaharap kasama ng kanilang mga camera.
       
      
"Girlfriend? Ha!" ngumisi si Blaise sabay hila sakin papunta sa likod niya. Kinakabahan ako sakanilang dalawa, pakiramdam ko iba ang mangyayari.
      
       
"Oh, I remember. Ikaw ang sinasabi nilang si Mr. Santos..wow! So you're here to be the Night and Shining Armor of Claire, huh?" natatawang saad ni Logan.
       
      
"Yes I am." madiing sagot ni Blaise. Kita ko ang masamang titig nila sa isa't isa. Halos naririnig ko na ang mga bulung-bulungan ng mga tao.
       
      
"Well, unfortunately, you can't save her. She's my property now." kukunin na sana ako ni Logan ng harangin ni Blaise ang sarili niya. Sobrang dinadaga na ang puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
      
     
"Claire is not your property. Hindi siya bagay na pagmamay-ari mo. You don't own her, because in the first place, SHE'S MINE." nabigla ako sa sinabi ni Blaise. Nagawa niya pang ngumiti sakin sabay hawak sa kanang kamay ko. Para bang pinapakita niyang totoo ang sinasabi niya. Hindi ako pumalag.
       
       
"Let's see.. Tell me Claire, kanino ka sasama?" napalunok ako sa tanong ni Logan. Mas naramdaman ko ang tensyon at kaba. Napatingin ako kay Blaise, parang sinasabi niyang sakanya ako sumama. Si Logan naman ay nakangisi, alam nyang may pinanghahawakan siya sakin kaya ganito sya kung umasta.
      
     
Napailing ako kay Blaise. Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Halatang nadismaya siya sa ginawa ko. Ramdam ko rin ang pagkirot ng puso ko. Pumunta ako sa harapan ni Blaise para tapatin si Logan. Kita ko ang lalong paglaki ng ngisi sa mga labi ni Logan.
        
       
"Logan... I'm not coming with you." determinado kong sagot dahilan para magbago ang ekspresyon ng mukha niya. Madiin na naman nya akong hinawakan sa braso, tinitigan niya ako ng masama sa mga mata. Hindi ako nagpatinag.
     
       
"Baka nakakalimutan mo kung anong pwede kong isiwalat sa lahat ng mga tao tungkol sa trabaho mo." nanggagalaiti niyang bulong. Sasagot na sana ako ng hatakin na naman ako papaatras ni Blaise at makita ang malakas na pagtulak niya kay Logan. Oh sht! Napatumba siya sa sahig!
        
       
"Stay there, Claire." hindi ko natuloy ang pagpigil sakanilang dalawa.
         
     
Sinugod pa ni Blaise si Logan at kinwelyuhan niya pa ito para mapatayo. Galit na galit ang mukha ni Blaise habang tinititigan si Logan. Hindi naman nagpapatinag si Logan. Pakiramdam niya siguro ay nagwagi na siya. Patuloy na dumami ang mga nanonood, parang naging entertainment show ito at wala man lang nangahas na pumigil sa dalawa.
       
        
"Keep your fucking hands to yourself, Logan Chan." kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Logan. Kahit ako ay nagulat rin sa sinabi ni Blaise, alam niya ang apelido ni Logan? How?
       
      
"Subukan mo lang sirain si Claire, Logan. Kaya kong pabagsakin ang negosyo niyo.. at mas kaya kitang sirain sa lahat ng mga tao." kita ko ang pagngisi ni Blaise bago niya bitawan si Logan. May inabot pa siyang isang picture na mas ikinagulat ni Logan. Pinakatingnan niya pa ito. Ano ba yung nasa picture? Bakit parang nakakita siya ng multo?
     
       
"A-Anak ka ni Mr. Henry Santos?!" halatang hindi siya makapaniwala. I've been there before, nagulat rin ako sa pamilya nina Blaise.
      
      
"Yes. Your parent's BOSS." Parent's boss??! Ibig sabihin.... mas angat nga ang kumag kay Logan! Ibang klase! Kaya pala ang lakas ng loob niya kung bantaan si Logan kanina.
       
        
Muli akong binalikan ni Blaise at hinawakan sa kamay.
        
      
"Don't you dare use my girl again in your own selfish ways, jerk." tuluyan na akong hinila ni Blaise papalabas ng venue. Nakuha pang maalis ng isang heels ko. Cinderella feels. Kaya lang, ang prince charming ko ay hindi ko nagawang iwan sa loob, dahil siya mismo ang naghila sakin papalabas para iligtas ako.  
         
       
        
----

Cold HeartedWhere stories live. Discover now