Dalawa

701 9 3
                                    

Nagkakagulo sa Mansion ng magising ako. As usual, napagalitan na naman ako ni Tiya dahil tinanghali ako ng gising. Sa kakamadali ay hilamos at pagtoothbrush lang ang nagawa ko. Nagmamadali akong pumunta ng kusina.

"Naku bata ka! Bakit ngayon ka lang nagising? O siya dalhin mo na ito!"
Inabot ko mula sa kanya ang pitsel na may lamang juice.

Nagtungo ako dining table. Kung saan may bisita daw.

Nakita ko na may dalawang matanda na sa tingin ko ay mag-asawa. Kung titignan ay parang nakakatakot silang lapitan. Nakita ko rin dun si Miss Abby na parang galit at ang bwisit na Manyakis na prenteng nakaupo rin. Nagtataka ako kung bakit hindi ito pinapagalitan o sinusuway man lang.

Lumapit na ako sa kanila at isa-isang sinalinan ang baso nila.

"Hanggang kailan ka magmamatigas samin?" Ani ng matandang lalaki.

Hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan nila.

"Tito,pwedeng hayaan niyo nalang siyang magdesisyon ng kanya." Mayuming sabi ni Miss Abby

"You spoiling him hija... kaya lalong tumitigas ang ulo ng batang yan." Entra naman ng matandang babae.

Nang masalin ko na ang inumin ay agad naman na akong tumungo sa kusina.

Nacurious naman ako kung sino ang pinaguusapan nila at kung bakit ok lang sa kanila na nandun yung lalaking yung habang seryoso silang naguusap. Hindi kaya..... Hindi, imposible talaga eh.
Tsaka butler nga pala siya ni Miss Abby kung san man ito magpunta ay nandun naman ang manyakis na yun kaya posible na ito ang tinutukoy nila.

--
Ako ngayon ang naatasan maglinis ng 7 kwarto sa mansyon. Sobrang dami talaga. Kailangan kong matapos agad iyon ng maaga bago pa dumating ang mga amo namin. Halos magiisang linggo nang wala sila dahil nagbakasyon sila sa ibang bansa. Kaya puro kasambahay o trabahador lang ang nandito sa mansyon. Kaya kahit araw araw lagi kaming naglilinis para sa pagdating nila.

Natapos ko na linisin ang kwarto ni Señorito at Señorita Hidalgo pati narin ang kwarto ng kanilang anak na si Miss Abby. Madali ko naman nalinis rin ang tatlong guestroom maliban lang sa isa.

Nang magtungo ako sa pinakahuling lilinisin kong kwarto ay halos mapanganga ako sa nakita ko. Panu ba naman, sobrang daming kalat.

Nakakalat ang iba't ibang plastik ng pagkain pati narin ang pinaghubaran na damit. Ang akala ko matatapos ko agad ang gawain ko ay hindi pa pala. Napabuga ako ng hanging na tumama sa bangs ko na lalong gumulo.

Nakakapagtakang sobrang gulo ng kwartong ito. Siguro' y totoo nga sinabi nila na may iba pa kaming amo bukod sa kanila ni Miss Abby at ng magulang nito. Hindi kasi ako naniniwala sa sabi sabi ng mga kasambahay tulad ko na meron kaming among lalaki. Nadala na ako nung pagchismisan nila si Miss Abby dun sa affair kuno niyang butler.

Bukod dito, rinig ko mula sa kanila na halos hating gabi na ito umuuwi kaya hindi namin ito nakikita. Malamang tulog na kami sa mga oras na yun. Pero ang kalat niya ah, hindi ba siya tinuruan ng manners. Lol, dami Kong reklamo.

Inuna ko muna damputin ang kalat niyang mga plastik ng chichirya, ang pizza box na may laman pang panis na pizza. Eww ang gross niya talaga.

Umupo ako sa lapag at yumuko upang silipin ang ilalim ng higaan kung may mga basura  pa. Mas malala pa pala ang makikita ko sa ilalim. Isa isa kong dinampot ang basura. Nahirapan pa akong kuhain at kailangan ko pang isuksok ang kamay ko. Geh, push ko lang   kahit hindi kahabaan ang braso ko.

Hindi ko na masilip pa yung ilalim dahil abot hanggang balikat ko na yung nakasuksok. Kinapa kapa ko nalang siya. Andami pa kasi sa bandang dulo eh. May nadampot akong isang bagay na malagkit.Yuck! Anu yun?

My Perverted MasterWhere stories live. Discover now