Isa

944 3 0
                                    

"Tingin mo ba may relasyon sila?"

"Halata naman sa mga galawang hokage niya eh."

" Eh bakit naman papatol siya sa isang Butler?"

"Aba'y malay ko! Siguro pineparahan niya lang yung amo natin."

"Nakow! Porket mala fafa lang ang kagwapuhan ng Butler na yan ay kaya na niyang iseduce si Miss Abby."

Yan ang samu't saring chismis lang naman ang naririnig ko mula sa trabahador ng mansion. Nakapwesto kami ng tayo habang pababa ang aming amo mula sa ikalawang palapag ng malaking bahay kasunod ang kanina pa nilang pinagchichismisan na  Butler.

"Andyan na sila." Bulong ng isang kasamahan ko. Agad na sinenyahan kami ng mayordoma na yumuko na sinunod agad namin.
Halos wala kang maririnig na ingay kundi ang bawat pagtapak lang na mataas na takong mula sa maladyosa naming amo.

Sa pagyuko namin ay hindi ko naman maiwasan hilain pababa ang uniform kong sobrang iksi.. Isa ako sa mga baguhan na trabahador nitong mansyon kaya hindi pa ako sanay lalo na sa suot ko. Kung bakit ba naman kasi ganito na halos kita na ang kaluluwa ko sa suot naming pang maid. Hindi naman sobrang iksi sa iba kong kasamahan, nagkataon lang talaga na napunta sakin itong damit na galing sa dating trabahador.

"Are you alright? Mukha kang natatae." Naiangat ko ang aking mukha at isang gwapong nilalang ang aking nasilayan.

Shet! Feeling ko namumula na ang pisngi ko.

Ngumisi siya na ikinalaglag naman ng puso ko. Jusko! Koya pwedeng akin ka nalang? Landi!

"You're big."

"Huh?" You're big? Malaki ako? Anung ibig sabihin niya?

Bago ko pa mahulaan ang sinabi niya ay di ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. Kahit ang mga kasama ko ay nanlaki ang mga mata sa nakikita nila.

"I like your boobs." Halos hindi na kumilos ang katawan ko sa ginagawa niyang pagpisil sa dibdib ko.

Ang walangya! Nilamukos pa na akala mo walang nakakakita sa kanya. At dahil dun ay kusang kumilos ang palad ko sa pisngi niya.

Isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"Bastos!" Itinulak ko siya ng malakas. Kung kanina gwapong gwapo ako sa kanya pwes ngayon hindi na. Ang kapal ng mukha niya para hawakan ang dede ko.

Naiiyak akong isipin na siya ang unang nakahawak sakin. Feeling ko pati ang puri ko nawala eh. OA na kung OA.

"D-did you slap me?!" Nagiigting ang mga panga niya habang masama ang tingin sakin. Aba't! Siya pa ang galit ha!

Kinuwelyuhan ko siya. Na agad ikinalaki ng mata niya.

" Tanga ka kung di mo alam na sinampal kita! At napakabobo mo kung hindi mo pa alam kung bakit ko ginawa yun sayo!"  Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya. Wala na akong pakialam kung mapaalis ako sa trabaho ko, teka? Bakit ako mapapaalis? Eh etong lalaki sa harapan ko ang naguna!

Halos sabay kami napalingon Kay Miss Abby na akala mo wala nang bukas kung tumawa.

"Mukhang nakahanap ka ng katapat mo, Sin." Sabi ni Miss Abby pagkatapos niyang tumawa ng pagkalakas lakas.

Naiiling na tumalikod na siya upang magtungo sa mamahalin niyang kotse.

Agad na tinagal ng kaharap ko ang kamay ko mula sa kanyang kwelyo at sumunod sa kanyang amo. May pahabol pa siyang nakakamatay na tingin bago sumunod sa kanyang amo.

Inirapan ko ang likod niya.

Kita ko ang paghawak niya sa kamay Kay Miss Abby upang umalalay sa papasok niyo ng kotse. Tsk! Pa-'gentle man' pa kunwari, manyakis naman.
---

My Perverted MasterUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum