Post-it 3. Hate Guy

41 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa tuwing nakikita ko ang lalaking yun, kumukulo ang dugo ko into 100°C. Nawawala ang mood ko. Naiinis ako. Naiirita. Nakabusangot na mukha ko. Ewan ko nga ba! Arrggh! That Hate Guy!

(Hate Guy's POV)

Mag P-POV na ako! Yahoo! :"D

Pabalik na ako ng CAS building nang may makita akong gumagalaw na bagay sa may park. Medyo madilim na nun kasi mag-aalasais na ng gabi. Kung hindi lang dahil sa project ko na iniwan ng butihin kong guro sa labas ng office nila eh hindi na talaga ako babalik.

"Ano yun?" Bulong ko. Ano ba yan! Nababading na ata ako eh. Haaysst.

Papalapit na ng papalapit ang nilalang na yun sa'kin.

"Anong gagawin ko?"

a. Titigil sa paglalakad

b. Diretso lang sa paglalakad at pag nagkasalubong na kami eh babatiin ko ang nilalang na yun?

c. Tatakbo na lang ako pabalik sa dinaanan ko?

d. Piliin na ang letter C?!

Dahil di ko alam ang pipiliin ko nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko, unti-unti ay nagiging malinaw na ang itsura ng nilalang na yun.

Mahaba ang buhok.

Puti ang suot.

At nka eyeglasses.

Naka eyeglasses??

Tinitigan ko ang nilalang na yun habang papalapit sya ng papalapit sa'kin. Bigla akong napangiti ng makilala ko sya pero hindi ko sya kilala talaga. HAHAHA. Magulo ba? Parang yung author? :"D Kilala ko sya sa itsura nya dahil nakikita ko naman sya around the building. Ngingitian ko na sana sya ng napansin kong nakasimangot sya. Dire-diretso lang sya sa paglalakad nya na parang wala lang syang makakasalubong. Ang sunget naman! Baka meron yun ngaun? Hehehe. Peace! (=__=)V

Every Day HAPPY.

(Inna's POV)


Ang walang kamatayang "The motto of my life".. :')
Maganda ang gising ko kaya sasakalin ko ang sisira ng umaga ko. Bwahahaha. *evil laugh*. >:D


"Aba! Nandito na pala si Ms. Smiley eh!" Asar naman sa'kin ni Darvy pagka pasok ng pagka pasok ko ng classroom. Sabi ko diba sasakalin ko ang sisira ng umaga ko kaya sinakal ko nga si Darvy at ipinatapon sa ilog. Mwahahaha! Pero joke lang yun. Maraming sasakal sa'kin pag ginawa ko yan. Gwapo eh! :"D Nginitian ko lang sya. Kaya naman nilapitan nya ako sabay akbay,

"Uy! Ganda ng mood natin ngayon ah! Birthday mo ba Inn? Manglilibre ka ba?"

HAHAHA. Panira talaga ng umaga tong lalaking 'to. Naku! Kung hindi ka lang gwapo eh kanina pa kita nasipa eh. Kikiligin na sana ako sa ginawa nyang pang aakbay sa'kin. Tss!

"Tumahimik ka Darvy! Maganda ang umaga ko kaya wag mong sirain." Sagot ko naman sa pang-aasar nya habang nakangiti parin sabay tanggal ng kamay nya sa balikat ko. Pero sa halip na tanggalin nya yung mga kamay nya eh hinigpitan nya pa sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko na parang alam nyo na. Yung ganun. Yung alam nyo na! hehehe. Ramdam ko ang mga mata ng bawat kaklase ko na matamang nakatitig sa'min sa oras na yun lalong lalo na si Zyrah.

Post-it StrangerWhere stories live. Discover now