001

438 23 23
                                    

Bcos jicheol is life kaya here I am again. Panibagong story. Huehue. Madami ako nasa isip na story, actually. Pero siguro tapusin ko muna yung fuccboi bago magdagdag ulit. Nyeac nyeac.

----------------

"Jihoon anak. He is your hyung. Seungcheol Hyung" sabi ng isang babae na hindi naman katandaan. Nanay ni Jihoon.

"Ne~ Eomma! Hi Seungcheol hyung!" sabi ng 7 years old na Jihoon at kumakaway pa kay Cheol. "Pero eomma! Pano ko po siya naging hyung? Ibig sabihin po ba non. Kapatid ko po siya? Gusto ko rin po siya maging classmate!" dagdag pa niya.

"Anak, hindi mo pwede maging classmate si Seungcheol hyung mo"

"Eomma! Wae?! I want Seungcheol hyung to be my classmate! Pwede ko siya maging kapatid pero hindi ko siya pwede maging classmate? Bakit po ganon?" maiyak iyak na sabi ng batang Jihoon.

"Anak, mahabang paliwanagan pa eh. Basta ang tandaan mo. Kapatid mo na si Seungcheol at daddy mo ang papa ni Seungcheol. At titira na rin kayo sa iisang bahay. Si Seungcheol naman. Mommy na ako." Masayang pag paliwanag ng Ina ni Jihoon.

"Osya, Seungcheol anak. Kilala mo naman na si Jihoon diba? Oh ayan. Kapatid mo na siya" sabi ng papa ni Cheol

"Ayoko" simpleng sabi ng 8 years old na Seungcheol.

"Bakit ayaw mo sakin?" Pagpapa-cute na sabi ni Jihoon

"Wala ka na don" sabi ni Seungcheol at tumakbo palabas ng bahay nila Jihoon

"Seungcheol! Bumalik ka dito! Wag kang bastos!" Sigaw ni Mr. Choi. "Pag-pasensyahan niyo na si Seungcheol ah. Hindi ko alam bakit biglang naging ganyan yan. Pero mabait na bata yan" pag dagdag pa nito.

"Ayaw po ba sakin ni Seungcheol hyung?" tumulo na ang luha ni Jihoon.

Noon pa man, idol na talaga ni Jihoon si Seungcheol. Bata palang ito pero marami na itong awards na nakukuha. Matalino, Gwapo, Athletic, Madiskarte, Masipag, at Matulungin na bata si Seungcheol. Kaya para kay Jihoon, isang malaking karangalan na maging kapatid si Seungcheol.

Pero kabaliktaran naman ito ng nararamdaman ni Seungcheol. Ayaw niyang maging kapatid si Jihoon. Hindi niya alam kung bakit, basta ayaw niya lang! Hindi dahil sa ayaw niya kay Jihoon. The truth is, he really adore Jihoon. Kasi bata palang ito napaka-galing na ne'tong kumanta. Matalino pa sa klase. Mas matalino nga lang si Cheol. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya matanggap si Jihoon bilang kapatid.

"Jihoon, anak. Intindihin nalang natin si Seungcheol hyung mo ah. Baka wala lang sa mood" sabi ng mama ni Jihoon habang pinupunasan ang mga luha nito.

"Opo, eomma!"

---------------

That's what happened 13 years ago. Seungcheol is now 22 and Jihoon is 21. They're both in College now. Simula ng maging mag-kapatid ang dalawa bihira nalang sila magpansinan. Hindi iyon maintindihan ni Jihoon pero si Seungcheol alam ang dahilan. Alam na alam.


"Jihoonie~ Gala tayo!" Sabi niya habang naka-yakap kay Jihoon.

"Date ba yan? Mga 6:30 uwain ko. Okay lang ba sayo maghintay?" Sagot ni Jihoon, sakanya.

"Kung yan ang gusto mong isipin, Jihoonie. Tsaka okay lang sakin maghintay" Sabi niya sabay halik sa noo ni Jihoon.

"Oy! Respeto naman sa mga single dito! Lalandi ng dalawang 'to!" sigaw ni Soonyoung sa mag-nobyo.

"Inggit ka lang. Palibhasa binusted ka ni Jihoon" Sigaw naman niya pabalik.

"Hindi niya kaya ako binusted. Pinabantaan lang ako ni-- aray!" sabi ni Soonyoung at nag-iyak iyakan.

Natahimik sandali ang buong barkada. Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Seungkwan.

"Seungcheol hyung! Bakit ang sama ata ng titig mo sa dalawa?" Nabaling ang atensyon ng lahat kay Seungcheol.

Nasa iisang Circle of friends lang si Jihoon at Seungcheol.

"Wala. Aalis na ako" sabi ni Seungcheol at inayos na ang gamit niya. Nasa Canteen kasi sila ngayon. "Uh. Jihoon, umuwi ka daw pala ng maaga sabi ni Mama" pahabol na sabi ni Seungcheol bago umalis.

"P-pero. Hyung! May Date kami ni Jeonghan." sigaw ni Jihoon kay Seungcheol.

"Si Mama ang nagsabi. Kailangan daw sabay tayong umuwi!" sigaw ni Seungcheol pabalik at tuluyan ng umalis. Hindi na hinintay na magsalita pa ulit si Jihoon.

----------

Intindihin niyo nalang ah. Tinatamad ako mag-edit eh. Baka may mali o hindi kayo maintindihan eh. Hahahaha!

Hyung • JiCheolWhere stories live. Discover now