002

332 24 23
                                    

-----------

"Baby, akin ka lang ah"

------------

Uwian ko na ngayon. Siguro naghihintay na si Jeonghan sa labas ng school. Inayos ko na ang gamit ko at naglakad na papunta sa gate.

Hindi nalang ako sasabay sakanila mag-dinner. Minsan lang naman eh. Lagi ko din naman sila kasama. Tsaka tinext ko na rin si Mama.

"Jihoon!" nagulat ako ng biglang may sumigaw sa gilid ko.

"Ay bakla ka!" Bakit ba siya sumisigaw? Magkalapit lang naman kami.

"Oh hyung? Tinext ko na si Mama. Sabi ko di ako sasabay sa dinner natin ngayon" sabi ko kay Seungcheol hyung. "Tsaka, nakita mo ba si Jeonghan?" pagtanong ko.

"Pinauwi ko na. Kasi uuwi na tayo. Sakin ka sasama. Sakin ka sasabay" mabilis at medyo madiin na pagkakasabi ni Seungcheol hyung sakin.

Bakit parang galit siya?

"Ano bayan!!! Bat mo naman pinauwi! Minsan na nga lang magyaya si Jeonghan hyung eh!"

"Walang akong pake. Wag matigas ang ulo, Jihoon ah!" halos pasigaw niyang sabi.

"Nakakainis naman kasi eh!" sabi ko sabay nag-walk out. Naramdaman ko naman na sinundan niya ako.

Hindi ko siya pinapansin hanggang sa makarating na kami sa Bus stop. Naiinis talaga ako! Mabait naman siya pero pag nagiging close ako sa iba naming ka-tropa, lagi niya nalang pinapalayo sakin!

"Jihoon, hindi mo ba talaga ako papansinin?"

Hindi ko talaga siya pinapansin. Wala akong planong pansinin siya. Dahil naiinis talaga ako! Una si Soonyoung! Nung niligawan ako, pinalayo niya si Soonyoung sakin. Akal niya ba diko yon malalaman? Nalaman ko yon dahil sa pinsan kong si Seokmin. At nakakainis talaga yon sobra!

Tapos ngayon si Jeonghan hyung?

"Jihoon, parating na yung Bus. Pansinin mo naman ako! Mukha akong gagong stalker dito oh"

"....."

Dumating na yung bus at sumakay ba ako. Umupo ako sa bandang dulo at ganon din si Hyung. Kinuha ko ang earphones ko para hindi ko na marinig kakulitan niya.

---------------

Seungcheol's

Nakakainis naman! Bakit ba hindi niya ako pinapansin?! Gusto niya ba si Jeonghan? Masasapak ko yon eh.

Akin nga lang si Jihoon ko.

"Jihoon--" ay puta naka-earphones

"Ji, bakit ka ba ganyan? Hindi pa ba sapat yung pagpapa-pansin ko sayo?" hindi niya naman ako naririnig eh. "Alam mo ba na sobra na akong nasasaktan? Bata palang tayo, ji. Alam ko na sa sarili ko na bali ako at ikaw may kasalanan non. Kasalanan mo ang lahat, Jihoon. Bakit kasi kailangan pa kitang maging kapatid? Alam mo ba na ang hirap hirap sakin non? Lahat ng lumalapit sa'yo, pinalalayo ko. Mapa-babae pa yan o lalake. Kasi naman! Napaka-seloso ng hyung mo eh. Haha~ Pero jihoon, sana balangaraw. Ako naman magustuhan mo. Alam kong mali, Jihoon. Pero wala akong magagawa eh. Ang hirap kaya kalabanin ng puso. Mahal na mahal kita, Jihoon. Sobra" dere-deretso kong sabi kahit di niya naman ako naririnig.

Tinanggal niya ang earphone na nakakabit sa tenga niya. "May sinasabi ka ba hyung?" tanong ni Jihoon.

"W-wala. Nagr-rap talaga ako. Yeah" sabi ko at umarteng nagr-rap pa.

"Okay" sabi niya at binalik na ang earphone sa tenga niya.

Hanggang sa makarating na kami sa bababaan namin, hindi talaga kami naguusap. Hindi niya kasi ako pinapansin.

Hyung • JiCheolWhere stories live. Discover now