5

6 0 0
                                    

Papunta na sana ako ng C.R ng bigla akong harangan ni Bev. Hindi lang basta harang dahil yung mga kamay niya nakadipa na akala mo ay naglalaro kami ng patintero. Nakakatawa talaga tong bestfriend ko.

"Naglalaro pala tayo hindi mo man lang sinabi."

"Harharhar! Very funny Kyle. Spill it."

"Hindi mo ako titigilan noh hanggang malaman mo ang sagot?"

"Alam mo na dapat ang sagot dyan." Napabuntong hininga nalang ako at hinila siya pabalik sa station ko.

"Nakilala ko si Caleb sa LIT. Alam mo naman siguro na dun lang ako nakatambay kapag Friday diba?" At tumango naman siya. "Bigla niya akong kinausap kasi curious siya bakit naka-hoodie at cap ako tapos nag-usap kami hanggang sa nasabi ko na babae din ang type ko. Ito namang si lalaki kumagat at akala nga ata eh Tomboy talaga ako. Kaya ayan magkumpare na kami."

"Seriously? You believe that..." Tumigil siya na para bang nag-isip muna kung itutuloy ba ang sasabihin sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at sinabing " Tanga ka noh?"

"Huh! Paano naman ako naging tanga? Dahil ba sinabi kong tomboy ako?" Umiling siya at ngumiti.

"Hindi friend. Tara na nga sa C.R."

"Yun lang? Hindi kana magtatanong at mangungulit pa sa kanya?"

"Hindi na friend. Tsaka na kita kukulitin kapag hindi kana tanga. Haha!" Tumawa siya na parang bang si Evil Queen sa Snow White.

"Ewan ko sayo." Haaist! Bakit ba napapaligiran ako ng mga baliw na tao?




Monday palang pero parang pumasok na ako ng limang araw dahil sa dami ng gawain. Nauna nang umuwi si Bev pero ako nasa office pa dahil mayroon pa akong isang file na dapat tapusin. Type. Type. Type. Inom ng Kape. Type. Type. Inom ng Kape. Type. Type. Save!

"Sa wakas tapos narin ako." Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Nang makalabas na ako sa building ay naabutan ko si Spencer na kausap si Charmaine. Ang balita sa opisina ay mayroong something sa kanila. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa akong itext ni Spencer nung Saturday. Lalagpasan ko na sana sila ng marinig kong batiin ako ni Charmaine. Bwisit! Gusto niya talagang ipamukha sa akin na magkasama sila. Sa totoo lang ay hindi kami in good terms nitong babaeng ito. Dahil una, masama ugali niya. Pangalawa, papansin siya. Oo nga maganda siya at may mapagmamalaki sa harapan pero wala na akong makitang iba pang special sa kanya.

"Hi Charmaine." Siya lang talaga ang binati ko dahil siya lang naman ang bumati sa akin.

"Pauwi kana? Gusto mo bang sumabay na sa amin?" What a B*tch!

"Hindi na kailangan. Sige una na ako."

"Sumabay kana. Malungkot kayang maglakad mag-isa." Seryoso ba tong babae na ito? Gusto ba nitong masabunutan ko?

Sasagot na sana ako ng biglang may umakbay sa akin. Magrereklamo na sana ako pero nung nakita ko yung nagmamay-ari ng kamay ay nalaglag... nalaglag nanaman ang panyo ko.

"Hi Kyle. Let's go. Kanina pa kita hinihintay eh." Sasagot na sana ako pero tinangay na niya ako palayo sa dalawang b*tch*s ng buhay ko.

Nang makalapit na kami sa kotse ay inalis narin ni Caleb ang kamay niya. Bakit parang biglang lumamig? Humarap ako sa kanya para tanungin kung anong ginagawa niya dito pero naunahan niya akong magsalita.

"Mag-midnight snack tayo." At tinunaw ang kung ano mang internal organs ko ng ngit niya.

"May magagawa pa ba ako? Andito kana."

"Syempre wala na. Haha!"




Nakatanaw ako ngayon sa magandang view ng City habang kinakain ang niluto kong pansit canton at mainit na pandesal. Ngayon ko lang napagtanto na ang ibig sabihin pala ng MIDNIGHT SNACK para sa amin ay TAMBAY SA CONDO NI CALEB. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko rin pumunta dito kaya naman ako na ang nag-alok ng makakain namin. Nakakahiya naman kung siya lagi ang maghahanda. Ang masama nga lang hindi ko pala dala ang ATM ko at 150 lang ang pera ko. Kaya ito, sa canton at pandesal kami bumagsak na hindi naman daw problema kay Caleb.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?"

"Hindi naman. Pasensya kana ito lang afford ko today, next time babawi ako."

"Yan ba ang iniisip mo? Diba nga sabi ko sayo wala namang problema kahit anong kainin natin. Hindi naman sa pagkain yun eh, sa kasama dapat." At kinindatan ako. Anak ng! Ano ba tong panyo ko laging nalalaglag.

"Tigil-tigilan mo ako sa pagkindat mo. Nakakadiri. Bading kaba?"

"Hahaha! Depende.Ang gwapo mo kasi ehh, hindi ko mapigilan." Binato ko siya ng pandesal kasi gumagalaw siya na parang bakla. Nakakatawa talaga ito.

"Nga pala. Diba may pasok ka bukas? Dapat sa ibang araw mo nalang ako niyaya."

"Ano naman? Feeling ko kasi kakailanganin mo ako today at buti nalang sinunod ko ang feelings ko, este gut feeling ko."

"Ikaw kakailanganin ko? Wow! Nagbibiro kaba? At saang paraan naman kita kinailangan?"

"You need my company. What else?" Babatuhin ko sana siya ng tinapay pero naisip ko na tama siya. Buti nalang talaga dumating siya sa mismong sandali bago ko masambunutan si Charmaine.

"Salamat." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Wala siyang sinabi, wala siyang tinanong at ngumiti lang sa akin. Isang ngiti na nagpangiti din sa akin.

 Isang ngiti na nagpangiti din sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kuha lang ako ng isa pang beer." At tumango ako sa kanya.








Bigla nalang niyang hinawakan ang aking mukha. Nakakatunaw. Nakakapanghina. Yan ang naramdaman ko habang nakatingin sa mata niya.Ano ba itong ginagawa niya? Ano ba itong nararamdaman ko?

"Wag kang matakot. Wag mong pigilan Kyle. Sasaluhin kita." Bulong niya sa akin.

Tama siya. Natatakot ako. Pinipigilan ko. Ayaw kong maulit-ulit ang nangyari noon. Paano kung pareho lang sila? Paano kung mahulog nga ako pero diretso semento naman ang bagsak ko? For sure, sobrang sakit nun.

"Mahulog ka lang Kyle. Mahulog ka lang. Andito ako."

Hahawakan ko na sana ang mukha niya para mapalapit sa akin ng..




"Aray!" Minulat ko ang mga mata ko at nasa sahig na ako. Nalaglag nga ako pero mula naman sa kama. 

Ano ba namang klaseng panaginip yun? Nope! I will never risk a new found friendship para sa kung anong kalokohan.

Never!

Never!

Never!




At doon ako nagkamali.

meeting HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon