22

13 1 0
                                    

"Sorry po talaga." Paghingi ko muli ng patawad matapos kong sabihin ang dahilan ng pagpapanggap namin dati ni Caleb.

Tumingin ako kay Tita, Calvin at Clarisse at hindi ko inaasahang makita ang reaksyon nila. Lahat sila nakangiti.

"Hay nako sister-in-law! Mukhang nabiktima ka ni kuya." Sabi sa akin ni Calvin.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.

"Hinding hindi magpapakilala si kuya ng isang babae na hindi niya seseryosohin. Gimick lang siguro niya nung sinabi sayo na magpapanggap kayo. Haha. Ang galing talaga ng kuya ko. Lodi!"

"Anak ng! Lagot sa akin yung lalaki na yun."

"At hija, wag kang magalala hindi ako galit sayo dahil matagal ko naring alam. Minsan ko na kasing nakita ang picture mo sa kwarto niya. Never naman akong nagtanong sa kanya pero matagal ko nang alam na may babae siyang matagal na niyang nagugustuhan." Paliwanag naman ng mama ni Caleb.

"Pero pasensya parin po. Hindi ko alam kung para saan pero sa isip ko parin nagsinungaling ako sa inyo." Napangiti si tita pero lumapit rin naman para yakapin ako.

"Thanks for making Caleb happy." Paluha na sana ako pero sina Clarisse at Calvin yumakap din sa akin. Para tuloy kaming sandwich.Haha.

"So ano ito? Bakit nyo yakap ang girlfriend ko?" Nang marinig namin ang boses ni Caleb ay lumayo narin sila sa akin. Hindi ko naman nakalimutan ang ginawa ng lalaking nasa harap ko ngayon kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What's wrong love? Bakit parang may laser ang mata mo?"

"Lagot ka kuya!" Natatawang sabi ni Clarisse.

"Alam naman pala nilang hindi ka nagpapanggap! Ikaw ang nagpapanggap sa akin." Sagot ko sa kanya.

Napangisi siya sa sinabi ko at agad din naman lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa buhok ko bago magsalita."Well look where it brought me? Your now beside me...for real." Kinindatan pa ako ng loko.

"Ewan ko sayo." Pero sa totoo lang ay kinilig ako sa sinabi niya.

"So I guess everything's out now. Why don't I prepare a dinner on the garden. Let's celebrate Caleb and Kyle dating for real." Halata ang excitement kay Tita.

"Yeah! Great idea mom!" Dagdag naman ni Clarisse.

"Kuya turuan mo nga pala ako ng moves mo ha."

"Sure bro." Nagawa pa talagang mag-high five nung dalawa. Napailing nalang ako sa kanila at natawa.


Dahil marami-rami ata ang ihahanda ni Tita ay nag-stay na muna kami ni Caleb sa room niya. Tuwing narito ako ay para rin akong nasa Condo niya. Dahil ba naman ang design at furnitures ay kaparehong-kapareho ng room niya sa Condo. Nakakatawa talaga.

"Love, gusto mo ba manuod ng movie?"

"Nope. Pero kung gusto mo sige manuod ka lang. Busy ako sa Instagram. Haha."

"Okey."

Binalik ko na ang atensyon ko sa IG feed ko. Lumipas na ang ilang minuto ay wala parin akong naririnig na movie. Inangat ko ang tingin ko kay Caleb at nagulat ng makitang nakatingin lang siya sa akin.

"Anong prob-" Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil nalapat na niya ang labi niya sa akin. It was a sweet yet hot kiss.

"I still cant believe na andito kana. Imagine how long I've waited for this day." Hawak parin niya ang pisngi ko.

"Haha. Kahapon pa kaya tayo naging official. Hindi ka parin ba makapaniwala?"

"I'm trying love.I'm trying." Hinalikan niya muli ako sa labi na agad ko rin namang tinugon.

Sa isang iglap ay natanggal na namin ang mga damit namin at tanging comforter nalang ang nakatakip sa katawan. Hinding hindi ata ako magsasawa na maramdaman ang katawan niya sa katawan ko.

"I love you..." Rinig kong sabi ni Caleb bago namin marating ang climax.

"I..I love you too love." And once again, Caleb and Kyle became one.


The dinner was amazing. Lahat ng inihanda ni Tita ay masarap na akala mo ay galing pa sa restaurant. Walang awkward moment dahil sa lokohan ng magkakapatid. I'm really lucky knowing Caleb and his family.

Nang matapos kami ay nagyaya si Caleb na puntahan si Jacob sa event niya sa Makati. Sumama narin si Calvin dahil wala naman siyang klase bukas. Nang makarating kami sa club ay punong-puno ito ng tao. Iba talaga magpa-event itong so Jacob, palaging full packed.

"Yow Cal, Kyle, and Vin!" Bati sa amin ni Jacob na mukhang marami ng nainom dahil namumula na ang pisngi.

"Hi Kuya Jacob!"

"Hi Jacob."

"Yow bro!" Sabay-sabay naming sabi tatlo.

"Everything's on me so kumuha lang kayo ng gusto nyo."

"Iba ka talaga kuya Jacob." Biglang nawala sa tabi namin si Calvin at pumunta sa bar.

"Uh oh. Here comes trouble." Narinig kong sabi ni Jacob kay Caleb. Nang tingnan ko ang direksyon kung nasaan ang atensyon nila ay naparolyo nalang ako ng mata.

"Ofcourse...darating ang kontrabida sa eksenang masaya na dapat ang bida." Bulong ko sa sarili ko.

Dahil masyadong matagal maglakad si Celestine dahil nirarampa pa niya ang suot niya ay nauna na akong umalis kay Caleb. Mas gugustuhin ko pang samahan si Calvin instead na makipag-plastikan sa kanya. Sinabahin ko naman si Caleb na ayos lang na mag-stay siya para batiin ang friend niya.

"Hey Ate Kyle! Wazzup?"

"Not good." Sagot ko bago senyasan ang bartender ng isang beer.

"Bakit kaya?" Lumingon siya sa likod namin at napangisi sa nakita niya."Owww. She's here. Para siyang kabuti noh? Sulpot nalang ng sulpot."

"Ewan ko nga ba." Napailing nalang ako.

"Wala parin siyang laban sayo ate. Ikaw ang may hawak ng bagay na matagal na niyang gusto kay kuya. Nasa iyo ang puso ng bro ko." Natuwa ako sa sinabi ni Calvin kaya naman niyakap ko siya.

"Kyle?" Rinig kong sabi ng kung sino sa likod ko.

"Spencer? Nice seeing you here."

"Oo nga eh. Hm...hindi ko inaasahang makita ka dito. Sinong kasama mo nga pala?"

"Ito si Calvin, kapatid ng boyfriend ko. At Calvin, si Spencer nga pala, officemate ko." Nagbatian naman ang dalawa at sinamahan pa ng high five ni Calvin.

"Okey lang ba na samahan ko kayo dito? Nawala kasi yung kasama ko. Naghanap ata ng chicks."

"Sure man. Take a sit." Matapos sabihin ni Calvin yun ay mayroong dalawang lalaki na bigla siyang hinila sa dance floor. Sa pagkakatanda ko ay mga kaibigan niya sa University yun.

"Ang kulit nun ah. Hehe." Nasabi ni Spencer.

"Oo nga eh. Makulit din naman kasi yang si Calvin."

"Ah andito din ba ang boyfriend mo?"

"Ah eh oo...may kausap lang siya. Sinong kasama mo nga pala?"

"Si Dexter lang. Kilala mo naman yun mahilig sa party party. Hehe."

"Buti nga napasama ka niya eh. Alam ko naman na ayaw mo ng mga late night gimicks."

Natawa siya sa sinabi ko at doon na nagsimula ang kwentuhan namin about sa past namin. Hindi ko na nga namalayan na hindi parin pala ako pinupuntahan ni Caleb. Nang lumingon ako sa huling pwesto nila ni Jacob ay naroon parin pala sila kasama na ang ilan pa nilang mga kaibigan. Kinakausap ni Celestine si Caleb pero ang atensyon naman ng boyfriend ko ay wala sa kanya...ito ay nasa akin. Nakakunot ang noo niya habang seryosong nakatingin sa akin. Selos much? Nginisian ko siya at bumalik na ulit sa pakikipag-usap kay Spencer.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

meeting HIMWhere stories live. Discover now