New Student - Part One

14K 453 185
                                    

--- a scenario where the QED club members were just normal students and Loki is a transferee.

Lorelei's POV

"We have a new student in our class. I know that all of you studied here for a year or so that's why I'm hoping that you'll be able to tour him around the school." Saad ni Sir Morayta.

Agad akong nakaramdam ng siko sa aking kaliwang braso. Inasahan ko na to.

"Oh my gosh, girl. Him  daw! Gwapo kaya?" Sabi ni Jamie.

"Hay nako, andami mo nang manliligaw, maghahanap ka pa ng bago?" Tanong ko kay Jamie. Ganyan siya palagi, naghahanap ng mga gwapong lalaki, papahulugin sa kanya head over heels at iiwanan sa ere. It was like her hobby or some stuff.

"You know me." Sabi ni Jamie at nagsmirk. Umiling nalang ako.

"So, you may now enter, mister Mendez." Sabi ni Sir Morayta.

Pumasok ang isang lalaki na, uhm, okay, gwapo? At matangkad. Oo na, gwapo siya, pero mukhang may galit sa mundo. Wala manlang kabuhay buhay ang mukha.

"Bes, ang gwapo!" Kinikilig na bulong sakin ni Jamie. Hindi ko siya pinansin at tinignan nalang ang Mendez na yan.

"Loki Mendez." Yan lang ang sinabi niya at agad na naglakad para maghanap ng mauupuan.

Okay. Ayoko siya for both me and Jamie. Ang rude niya! Dapat inayos niya pagpapakilala niya at dapat hinintay niya ang instructions ng teacher!

Dalawa nalang ang bakanteng seats, pareho pang nasa tabi ko!

Panay ang mahinang paghampas sakin ni Jamie na para bang nagha-hyperventilate na dahil sa Loki na to. Umupo siya dun sa isang seat. So para bang may space sa gitna namin. Ay, introvert ata si koya.

"Bes, panget ng ugali." Bulong ko kay Jamie.

"So? Gwapo parin. Swerte mo ang lapit mo sa kanya." Sabi niya at pinaglaruan ang dulo braid niya.

"Edi umupo ka sa tabi ko." Suggest ko kay Jamie.

"Pag kinausap mo yan tas nagsalita siya, mga 10 sentences, bibilhin ko yung gusto mong libro sa national bookstore, lahat ng limang yon." Dare sakin ni Jamie.

"Legit?" Tanong ko. Well, duh. Ayan na ang grasya, tanggihan ko pa ba?

"Oo, promise." Sabi ni Jamie.

"Sure! Kelan deadline?" Tanong ko.

"Ngayon sana pero sige since I'm merciful, bukas nalang." Sagot ni Jamie.

"Okay. Pustahan, I can do that today." Mayabang na sabi ko.

"Pustahan, he won't even look at you."

"Ha." I sarcastically laughed. I glanced at Loki who's busy writing notes, at the first freaking day of school. I secretly glanced at his notebook. He's writing the characteristics of our adviser. Then he switched to another page and drew circles. Mukhang kanina niya pa ginuhit yung mga bilog na yan. At nang matapos na siya, nagsulat siya sa isang bilog sa bandang dulo

Me.

Oh, I see. Dinrawing niya yung seat plan.

He's making efforts on getting to know the people around him considering that he's an 'introvert'. Interesting.

---Recess time

"Tara canteen." Aya ni Jamie.

"No, ngayon ko na siya kakausapin. Nacurious din ako sakanya eh." Sabi ko.

LoreKi One Shots (Project Loki)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon