CHAPTER 37

676 6 0
                                    

Tina’s POV

Toot.

1 Message received...

From: Jazz Ferrer.

“TINA, KAMI NA NI LAWRENCE!!!!”

Gulat ako sa text niya. Pa’no ba naman kasi, parang dati FRIENDS lang sila, ngayon LOVERS na. AYIEEE. Bagay sila! I’m happy for them. Friends ko na sila both ;) Ano nga palang nangyari kahapon sa’min ni Luis? Ayun. Pagkasoli ko nung red gown, umalis na siya. Dahil dun, umalis na rin ako. It seems like wala na talagang pag-asang maibalik ‘yung DATI :(

SA SCHOOL…

Nag-usap kami ni Lawrence. Late nanaman kasi ‘yung teacher!

“Tina, aattend ka ba ng Grad Ball?”

“G—grad ball? Meron?”

“YUP. Walang prom pero merong Grad Ball ;) Date ko nga si Jazz eh.”

“Nice. Kelan?”

March 26.”

“March 26? Birthday ko ‘yun ah! 18th birthday. ‘Di na lang ako sasama.”

“Kung ‘di ka sasama, hindi ako sasama. Kung hindi ako sasama, hindi sasama si Jazz. Kung hindi sasama si Jazz…”

“HEP HEP! Tigil na. I get it. Gusto mo ‘kong sumama? AYOKO TALAGA EH. Sorry.”

“Malay mo ba, ‘yun na ‘yung last time na makikita mo si Luis…”

LAST TIME… Imposibleng maging last time ‘yun. Same school kami sa college eh. Well, my decision is final. Hindi ako sasama. Ha-ha! Wala rin naman kasi akong damit (again and again). Binalik ko na kay Luis.

Dahil natapos na ‘yung first class namin, break kami ngayon. Break as in recess. Dahil nga dun sa usapan namin ni Lawrence, sasabay ako sa kanila-- L-group, Jazz, Lawrence, LUIS. Pababa na kami nun ng bigla kong naramdaman na naiihi ako. “Pst. CR lang ako” Sabi ko kay Lawrence. “Okay, hintayin kita sa labas ng CR”. Hintayin sa labas ng CR? Nice.

Habang umiihi ako, may narinig akong mga babaeng nag-uusap.

“GUYS, RED GOWN! MAGANDA BA? BIGAY SA’KIN NI LUIS!”

RED GOWN??! ‘Di ba ‘yun ‘yung binigay sa’kin ni Luis na sinoli ko kahapon??

Lumabas na ‘ko ng cubicle. Chineck ko kung ‘yun nga ba ‘yung gown na binigay sa’kin dati ni Luis… Well, ‘yun nga. Basta-basta na lang niyang binigay… at kay Sandra pa! </3

“OH-EM! Is that true!?? Bigay ‘yan ni Luis sa’yo?? You mean… the FAMOUS Luis right?”

“YEP. KAMI NA KASI. SECRET LANG ‘YUN AH.”

ANO!?

SILA NA?!

</3

T_T

Nasaktan ako sa narinig ko. Bakit ganun siya? Bakit ganun si Luis sa’kin? Sinasaktan niya ‘ko ng sobra. Pinagpalit niya ako… at kay Sandra pa. Biglang tumulo ‘yung luha ko, kaya pumasok ulit ako dun sa cubicle. Ayoko kasing makita nilang umiiyak ako. Baka kasi sabihin nila na ‘yung loser na si Tina, umiiyak dahil umaasa pa rin. Umaasa pa rin dun sa sikat na ‘yun.

Masakit dahil totoo naman. Totoong umaasa pa rin ako sa kanya. Hindi naman kase ako makapaniwala. Parang dati gusto daw niya ‘ko, ngayon biglang meron na siyang iba. Ang sakit lang talaga.

Habang umiiyak ako sa loob ng cubicle, may biglang nagsalita.

“TINA, ANG TAGAL MO YATA.”

Si Lawrence pala ‘yun. Nakalimutan ko na siya bigla. Naghihintay nga pala siya sa’kin, pero hindi ko inalala.

“Sige. Lalabas na.”

Pinunasan ko na ang mga luha ko. Sana hindi niya mahalatang umiyak ako.

“Tina, ok ka lang?” Tanong sa’kin ni Lawrence.

Gusto ko sanang sabihin na… HINDI. Hindi ako okay. Pero ang sinabi ko na lang…

“Oo. Okay lang ako. SOBRANG OKAY.” Ngumiti ako sa kanya. Pekeng ngiti. Pinigilan ko ang mga luha ko. Para kasing papatak na.

“Okay ka lang talaga? Ba’t ang tagal mo? 5 mins ka yata dun.” 5 minutes? Hindi ko napansin ang oras. Hindi ko napansin kase simula nung nalaman kong sila Luis at Sandra na, parang biglang tumigil ‘yung oras. Tumigil mundo ko.

“ALIS NA TAYO. TARA NA! GUTOM NA ‘KO.” ‘Yun lang ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko na kasi alam kung ano pang pwedeng sabihin.

Nagsalita ulit si Lawrence. “Tina, alam mo ba na lu---”  Hindi ko na siya pinatapos. “HOY, LIBRO MO ‘KO!” Sabi ko na lang sa kanya. Ngumiti ulit ako, tapos tumawa. Tama. Ganyan na lang. Magpapanggap akong masaya.

Nagsalita ulit si Lawrence. Hindi ko daw kasi siya pinatapos magsalita. “Tina, alam mo ba na lumabas na ‘yung results sa UPCAT!” Biglang sigaw sa’kin ni Lawrence. UPCAT?! Bigla kong nakalimutan ‘yung lungkot ko. Importante kasi sa’kin ang maipasa ang UPCAT, dahil naniniwala ako, kung maipapasa ko ‘to, baka may pag-asa pa ako kay Luis. Dream school niya kase ‘to sa college, kaya naging dream school ko na rin. Kung pareho kaming pumasa, edi… baka… malay natin… hindi pa pala katapusan ng love story namin.   

“U—UPCAT!??”

“YEP. Hindi nga ako pasado eh.”

“Aww. Si Jazz…?”

“Hindi rin.”

“Si… Luis?”

“Pasado.”

“Ako?”

“Ewan.”

EWAAAN!?? Kinakabahan na ‘ko ngayon. ‘Pag ‘di ko ‘to napasa, hindi ko na magiging schoolmate si Luis sa college! At ‘pag nangyari ‘yun… parang… parang sinabi ko na rin na hanggang sa pagtatapos ng storya namin, talagang hindi ko na siya maabot pang muli. I mean, siguro… sabihin na natin… kung maipapasa ko ‘to, atleast man lang madadagdagan pag-asa ko sa kanya. Pero kung hindi, 0% chance na ako. I’m sure.

Tumakbo ako papunta dun sa computer room. Search. Search. Search. Pasado ba si Tina Fernandez… o HINDI??

Pagka-open ko sa link…

Nakita ko na…

PASADO NGA AKO!! 

OMG! I’m so happy! (^____^)

Atleast ngayon, siguro… baka… meron na akong… 5% chance kay Luis. Ah basta! Masaya ako kasi nagbunga rin ang paghihirap ko!

Pagka-uwi ko ng bahay, nagsisisigaw ako. “PASADO AKO! PASADO AKO!” Tuwang-tuwa sila mommy at daddy. Kumain kami sa labas. As in sa labas ng bahay namin. Bigla akong may nakita nung gabing ‘yon. Sa likod ng mga ulap, katabi ng mga bituin, nakakita ako ng isang SHOOTING STAR. Nag-wish ako.

“Sana bumalik na ‘yung dating Luis, pati na rin ‘yung dating samahan namin.”

The Famous Meets the LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon