lovenat

1.2K 13 0
                                    

Nads and Yats  picture.

Nadine Pov.

" totoo  pa lang dinadapuan ka ng sakit". anung akala nya sa sakin alien.

"Yats,bakit kaba andito?". Tanung ko sa kanya,mukhang di sya pumasok.

"Gusto ko makita si Nicolas". Sabi nya na papikit-pikit pa.

"Baliw,si Kuya andyan lang sa labas naglilinis ng motor nya".

"Talaga ba?,tara sa labas". Anung trip nitong babae na ito.

"May gusto ka ba kay kuya?". Deretsong tanung ko.

"Bata palang Nads alam mo na yan,kung di lang dumating si Max sa buhay ko malamang kami na nag kuya mo". Ang kapal din netong babae to.

"Sa tingin mo may gusto sayo si kuya?mangarap ka na lang". Pang-iinis ko sa kanya.

"Kainis ka naman eh,diba gusto mo na mag move on ako". Nakakaloka naman.

"Bakit kay kuya?". Tanung ko.

"Sya lang ang gusto ko ". Sinungaling.

""Talaga lang ha?paano si Max?". Nilaro nya ang unan ko ipaghahampas ba naman sa akin.

"Syempre iba yung kay Max,ewan buset na lalaki". Pagkatapos ng sinabi nya tiningnan nya ako ng deretso sa aking magagandang mata.

"Bakit mukha ka daw naligo pag-uwi mo?at yung lakad natin may ginawa nga pala ako kaya di ako nakapunta". Palusot 101.

"Yun na nga eh,kasi pumunta kami dun sa area na pinagswimingan nyo".  Nag kwento lang ako ng nag kwento ng mapasigaw sya.

"Talaga? Si James?". Sabi na nga ba at magrireak sya.

"Oo,di ako sure kasi ang alam ko kami lang ni Drake ang andun kaya baka gunu-guni ko lang". Pag amin ko

"Baka nga guni-guni mo lang kasi nakasalubong ko sina Max at sabi nya may importante daw silang gagawin magkakasama silang lima nung time na yun".pag lilinaw nya.

"Pero si James talaga ang nakita ko tinanung pa nya ako tapos iniwan din".inis na sabi ko.

"Bakit di mo itanong sa kanya?". Suhestyon nya.

"Mukha bang natatanong ng matino ang lalaki na yun?". Napaisip naman sya sa sinabi ko.

"Oo nga naman". See sabi na nga ba.

"Pero kahit na niligtas ka parin nya". Ako naman ang napa-isip sa sinabi nya.

"Bukas na lang siguro ".tamad na sabi ko.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya na naka-short lang tiningnan ko si Yats mukha syang bulate na nilagyan ng asin.

"Andito ka pala Yasy". Nakangiting sabi ni kuya,lumingon ako kay Yats na di malaman ang gagawin kung yayakap sa unan ko o mag aayos ng sarili.

"Ah,Oo binibisita ko lang si Nads". Pabebe tsk.

"Baka binibwisita". Sabi ko na nakapag pabusangot ng mukha nya.

"Pfttt...kayo talagang dalwa, bumaba na kayo nagluto ako". Si kuya talaga ang pinakagwapo sa paningin ko galing pang mag-luto  BSHRM kasi kinuha nya graduate na sya nag tatarbaho sya sa sikat na hotel bilang chef.

"Yown,matitikman na din kita este yung iyong niluto".pasimpleng damoves ni Yats.

"Ang cute mo talaga". Ginulo pa ni kuya ang bihok ni Yats, Seryoso dito pa ba sila maglalandian?

"Bumaba na nga tayo nagutom ako". Tumayo na ako at naunang lumabas sumunod naman sila at umupo na kami sa mesa mag katabi kami ni Yats at sa harap namin si kuya.

"Kamusta na pakiramdam mo?". Tanung sa akin ni kuya di sya pumasok sa work dahil binabantayan nya ako.

"Ok na ako,nanibago lang siguro pag-uwi". Palusot ko di naman kasi nya alam na basa ako nung umuwi, lagi kaya sya sa kwarto o kaya sa kusina ganun.

"Lovenat lang yan".pang aasar ni Yats sa akin.

"Wag ka munang magboboyfriend sinasabi ko sayo". Biglang natahimik pati si Yats nakafocus lang sa pagkain nya ako naman napasimangot na lang.

"Wala pa akong plano tungkol dyan at isa pa wala namang nanliligaw". Sabi ko kay kuya,kainis bakit sya pwede ako bawal unfair.

"Siguraduhin mo.Yats bantayan mo si Nads i-update mo ako pag may umaaligid dyan". Napaubo naman si Yats kasalanan mo kasi eh.

"Oo ako bahala,tiwala lang". Sabay tawa ng loka baliw.

"Mabuti naman,nga pala bukas baka ikaw lang dito sa bahay may trabaho si Mama baka sa hotel na ako mag overnight". Deretsong sabi nya habang nakain.

"Bakit?anung meron?". Tanung ko.

"May event,don't worry dadalhan kita ng pagkain pag uwi ko". Dahil sa sinabi nya natuwa ako pagkain lang talaga ang kaligayahan ko.

"Okie dokie". Masayang sabi ko,matapos nun ay umingay na ulit si Yats kung anu-anong tinanong nya kay kuya love life,habits mga ganun hanggang sa medyo inantok na ako at nagpaalam na sa kanila na magpapahinga na ako,habang papasok ng kwarto rinig ko ang mga tawa nila kung wala lang girlfriend si kuya si Yats ang gusto ko para sa kanya.





Loving James (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon