Stop

1K 15 0
                                    


Nadine Pov.
Malapit na ang graduation day nag hahanda na ang lahat ng dalawang linggo na lang nakakamis ang mga nangyari sa nag daang taon ngayon palang excited na ako kamusta na kaya si James di na kami nag kakausap minsan na lang din kami mag chat dahil mukhang busy sya,nag papadala sya ata-araw sa bahay ng flowers walang palya natutuwa nga si Mama botong boto sya kay James.

"Sure ba yan?". Natigil ako sa pag lalakad dahil may dalwang babae na busy sa pag chichikahan,babalik na dapat ako sa room ng may marinig ako galing sa kanila.

"Baka,di na daw umuwi kasi pag kagraduate   ikasal na daw sa anak ng mayamang kasosoyo nila sa kumpanya". Nag lilipstik pa yung babae,maganda naman silang dalawa,parehas maputi.

"Paano na kami ni James gusto ko talaga sya para sa akin". Teka si James?anung meron sa kanya.

"Wala tayong laban kalat na sa social media ang tungkol sa kanila ni Thara". Kalat?kasal at anung si Thara nagsisinungaling ba sa akin si James o baka masyado syang natagalan sa panliligaw sa akin pero bakit nag papadala parin sya ng bulaklak,chocolates at mga sulat na miss na nya ako na mahal nya ako na gusto na nyang makita ako,bakit kasi di pa sya nauwi dahil ba kay Thara may iba na sya ganun ba?takbo lang ako ng takbo wala akong tigil madami na ang nakatingin sa akin nag tataka ang iba at nagbubulungan ang ilan nakalabas na ako ng gate pinigilan ako ng guard pero di ko sya pinansin nakasalubong ko pa si Yats na naguguluhan sa kilos ko.

"Stop". Rinig ko napahiga ako at nanlalabo ang aking mata.

"Nads,tulong,help please!". Rinig kong nanginginig na sigaw ni Yats,nawawalan na ako ng lakas at nagdidilim na din ang paligid.

"Diko alam nakita ko lang sya na tumatakbo". Nakapikit lang ako pero na ririnig ko ang mga taong nag uusap malapit sa pwesto kung asan ako.

"Paano? At teka bakit may kinalaman ba si James dito?". Bosese yun ng lalaki.

"Hindi ko alam baka?siguro?o hindi". Sabi nung babae nagtatalo ata sila diko na pinakinggan ang mga susunod pang sinabi nila antok na antok ako feeling ko pagod na pagod ako madami ba akong ginawa nitong mga nakaraang araw?

"Kamusta ka? may masakit ba sayo? Naguhutom ka ba?". Ang ingay naman ni kuya parang babae.

"Nadine". Isang lalaki ang pumunta sa pwesto ko umupo sya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko,tinitigan ko sya ang mata nya ilong labi buong mukha ang nagunot ang aking nuo.

"Sino ka naman?". Takang tanung ko,natawa lang  sya.

"Ok kana nga nakakapag biro kana".sabi nya at niyakap ako,inalis ko ang pagkakayapa nya at nangunot naman ang nuo nya sino ba kasi sya.

"Kaibigan ka ba ni kuya?". Tanung ko napatingin ako kay kuya at kay Yats wala ba si Mama asan kaya sya,napabaling ulit ako kay Yats na mukhang naguguluhan.

"Nads, naman umayos ka ngang babae ka boyfriend mo kaya si James". Sabi nya at lumapit nadin sa akin.

"Boyfriend?wag mo nga akong lokohin kuya wala akong boyfriend ha". Natatawang sabi ko baka magalit si kuya sa akin baliw talaga nitong babae na ito.

"Nadine please wag kang magbiro ano ba kasing nangyari,umuwi agad ako ng mabalitaan na naaksidente ka daw". Nagsusumamong sabi nung Jame.

"Teka lang,hindi talaga kita kilala at isa pa malalagot ako kay kuya pag nalaman nya na may boyfriend ako wala.pa nga sa isip ko yan". Umupo na ako at tumingin kay Yats na katabi lang si kuya.

"Yats,ito ba yung pinalit mo kay Max?". Napabuntong hininga lang si Yats at may binulong kay James si kuya tahimik lang.

"Kakausapin ko lang ang doctor". Nag paalam na si kuya na lalabas lang at kakausapin ang doctor.

"Yats,bukas na tayo mag usap gusto ko na pating mag pahinga,at isa pa wag nga kayong mag date dito dun kayo sa mall". Sabi ko at humiga na nagkatinginan lang sila at bumaling sa akin yung James mukhang pinagsakluban at problemado.

"Siguro nga kelangan mo munang mag pahinga,tatawagin ko si Tita para sabihing sya muna ang mag bantay mukha namang makalabas kana bukas". Malungkot na sabi ni Yats,bakit ba parang nalugi ang mga mukha nila ang naalala ko lang naman ay tumatakbo ako tapos ay may biglang dumaan na kotse at naging malabo na ang paningin ko nagising na lang ako nandito na ako sa ospital,ang dami ngang bulak-lak dito chocolate parang ang sasarap nila.

"Aaaah".daing ko na nanakit ang ulo ko wala parin si kuya dito pinilit ko na lang na tumulog.

Loving James (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon