Chapter 4 [Part 3] - Courage

221K 1.4K 74
                                    

Luigi's POV

 

Iniangat nito ang mukha nya at hinalikan ako sa labi. Di ako nakasagot ng halik. Nabigla ako.

 

Binigla nya ako. I was not expecting it.

  

Hinawakan ko ang mukha nya at marahan na nilayo sa mukha ko. Pero split second lang at nilapit nya ulit ang mukha nya sa akin at hinalikan uli ako sa labi. Naramdaman kong pinulupot nya ang mga kamay nya sa batok ko. Pinipigilan ko ang sarili ko. Pinipigilan ko nung una pero -- she's tempting. Irresistible.

Di ko na alam, sumabay na din ako sa paghalik sa kanya. I kissed her. It felt so good. Her lips are so soft. And I was starting to lose my mind.

Tumunog ang cellphone sa bulsa ko. May nagtext sa akin, 'yon ang tunog ng iphone ko pag may nagtetext sa akin. Then suddenly, seemed like I was pulled to reality back again.

What the hell? Ano 'tong ginagawa ko?

Humawak ako sa balikat nya. Di pwede 'to.

"Laureen, wait-this-is-not-right", putol-putol kong sabi, in between our kisses.

Nakainom ako. Lasing sya. Lalake ako. Babae sya. Masamang kumbinasyon. Baka ano pa ang magawa ko sa kanya pag 'di ko 'to tinigil kaagad. Pag hindi ko napigil ang sarili ko.

  

Bumitaw sya, "Why? Dahil ba manang ako? Am I not pretty?", nagsimulang mag-crack ang boses nya.

Hinawakan ko ang mukha nito. "Hey, hey, look at me. You're beautiful. Wag ka ngang nagiisip ng ganyan".

Hindi sya umimik. Laureen, Laureen, Laureen, kung sino man ang taong nagtext sa akin, magpasalamat ka sa kanya.

  

"Come on, magshower ka, tapos magpahinga ka na", tinulungan ko syang makatayo at inakay papunta sa shower. Wala pa din itong imik.

"Are you gonna be fine here?", tanong ko sa kanya.

  

Tumango ito ng mabagal.

"Ok, nasa labas lang ako, tawagin mo ko kung kelangan mo ng tulong", sabi ko sa kanya.

Tumango lang ulit ito sa akin.

Lumabas na ako at narinig kong pumapatak na ang tubig sa shower.

Umupo muna ako sa kama. Napamuni ng saglit.

Ano ba yung nangyaring yun? Whew!

  

Napapatingin ako sa pinto ng shower. Binuksan ko ang air-con sa room. Ang init ng pakiramdam ko. Halu-halo na, mainit na suit, nainom na alak at pati na siguro dahil sa nangyari sa loob ng cr.

  

Hinubad ko ang suit ko at tinanggal  ang tie na suot-suot ko. Tinanggal ko din sa pagkakabutones ang unang 3 buttons ng long sleeves ko.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now