CHAPTER FIFTEEN

9.2K 171 0
                                    

AN: Hay nakapag update din. Sorry readers. Oh eto na.. Thank you..

✂️✂️✂️✂️✂️

Nandito pa din kami ngayon sa company nina Ken and it's already 5pm in the afternoon. Iwan ko ba kung anong pumasok sa kokote ng lalaking 'to.

"Let's go na Ken. " sabi ko sakanya.

"Wait, tatapusin ko muna 'to" he said.

"Edi sa bahay nalang!" inis na sabi ko. Nakakainis naman talaga kasi ang lalaking 'to.

"Okay fine ,let's go"he said at niligpit ang mga gamit niya.

Mabuti naman,anong plano niya? Magkandadunganga ako dito para hintayin siya? Aba, abuso na'tong lalaking 'to ah.

Lumabas na kami ng office niya, meron pa namang tao dito pero konti na lang, unlike kanina .

Pagdating namin sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse niya, e ang mokong kasi may kausap na babae. Eto yung babae na nakabangga ko sa mall. Kainis. Ang lalandi.

After a couple of hours, yes guys. Umabot sila ng oras sa pakikipag usap. Nakakabwesit nga eh!

"Mabuti naman at naisipan niyo pang tumigil sa pag uusap. " sabi ko sabay irap.

"Nagkakamustahan lang kasi kami. " he said.

"Ah, kaya pala umabot kayo ng oras" walang ganang sabi ko.

Humarap naman siya saakin at ngumisi.

"Ang cute mong magselos Love" he said. Anodaw?! Nagseselos?!

Nagseselos ba ako?! Pero,  pag nakakita ako ng mga babaeng lumalapit kay Ken ay naiinis ako hindi naman siguro selos yun.

"Selos mo mukha mo!" inis na sabi ko pero tumawa lang siya. Nakakainis, nakuha niya pa talagang tumawa.

"Hoy! Diba malapit na birthday mo? Plano mo?" i asked.

Tumingin naman siya saakin at ngumisi.

"Gumawa ng baby kasama ka. " he said teasingly. Aba, walang'hiya to ah!

"Baby mo mukha mo! Ano nga?!" naiinis na talaga ako sa lalaking 'to. Anong akala niya saakin? Buntis na nga ako susundan niya pa ng gawa? Aba, siya kaya ang manganak?!

"A simple celebration with you and our family" he said seriously.

Totoo ba talagang mahal ako ni Ken? Mahal niya nga ba talaga ako?!

"Okay fine" i said.

Tahimik lang ang byahe hanggang makarating kami sa bahay. Nauna akong bumaba sakanya dahil nasusuka na naman ako.

Dumiretso ako sa cr at ni lock ito. At dun na naman ako nagsusuka, hay ewan.

Paglabas ko, nakita ko si Ken na nakaupo sa sala.

"Gawa mo dyan?" i asked.

"Hinihintay ka. " he said. Tumango naman ako at dumiretso sa kwarto. Sumunod din saakin si Ken.

Dumiretso ako sa walk in closet at naghanap ng damit tsaka nagbihis
I'm just wearing a loose tshirt and a short short.

"Sir Ken naghahanap po sainyo si Ma'am Lia sa baba" Automatic naman na napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng yaya.

"Ah sige sandali lang" he said tumango nalang ang yaya at umalis na.

"Mukhang may advance pag uusap pa pala ang magaganap dito ah? Hindi pa kayo tapos magkamustahan?" i said. Nakakainis naman kasi eh.

"Love, don't be jealous. " he said and smiled. Bwesit.

"Hindi nga ako nagseselos, dun muna ako sa kwarto ni Ate Khezy" i said. Tumango lang naman siya.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Ate Khezy.

"Oh, Sam napapunta ka dito?" she asked. Tamad naman akong humiga sa kama niya.

"Nandito ang Ex ni Ken" i said with a lazy tone.

"Omg,yung slut na yun? Ang kapal naman ng mukha niyang magpunta dito. " Ate said.

"Tara baba tayo, dun tayo sa may swimming pool. Mahangin dun " ate khezy suggested kaya tumango nalang ako.

Si ate khezy ang naunang bumaba. Hindi pa nga kami nakababa ay may narinig na kaming tawanan.

Napalingon naman sila saamin ng makita kami. Ang laki pa ng ngiti nung gaga!

"Hi Ate Khezy!" bati nung ex ni Ken na si Lia kay ate Khezy.

Tinaasan naman siya ng kilay ni ate khezy.

"Who are you?" tanong ni ate khezy. Kita ko naman ang disappointment sa mata ni Lia. Good. *evil smile*

"Ako to ate, si Lia Trown. Hindi mo ba ako kilala?" malungkot na tanong ni Lia.

Umiling naman si Ate Khezy.

"Hindi, tsaka ano ka ba Ken nagpapasok ka ng stranger dito sa bahay. " sabi naman ni Ate Khezy habang nakatingin kay Ken.

"Ate that's enough " i said. "Let's go" dagdag ko. Ngumiti naman si Ate Khezy saakin at tumango kaya naglakad na kami papunta sa pool.

Umupo kami sa gilid nito.

"Ate, pwede bang magtanong? Bakit nga pala naghiwalay sina Ken and Lia?" i asked.

Tumingin naman saakin si Ate Khezy at may nakikita akong galit sa mukha niya.

"Okay lang ate kung ayaw mo" i said.

"No Sam, it's okay I'll tell you everything. " she said.

Tumango nalang ako at nakinig.

"Masaya yang sina Ken and Lia, support pa nga ako sa relasyon nila eh. Sabi nga ng ilan, napaka perfect couple na nila pero they're all wrong, Ken Love's Lia so much. Pero yung babaeng yun, isa siyang malandi. Nung nasa bar ako to see my boyfriend, nakita ko siya at may kahalikan. Hindi pa lasing si Lia nun. Kaya sinabi ko kay Ken, and then. Nagalit si Lia, iba ang sinabi niya kay Ken. Pinalabas niya na nagsisinungaling ako, na may binayaran akong tao para epa rape si Lia. Pero hindi ko yan ginawa, binaliktad niya ako at first, hindi naniwala si Ken saakin. Nag away pa nga kami nun pero at the end, naniwala na din siya dahil siya na mismo ang nakakita, at yun kaya silq naghiwalay. " mahabang sabi ni Ate Khezy.

Hindi naman kasi nakakapagtaka yun. Halata naman kasi sa itsura ng babaeng yun.

"Ah okay, thank you ate" i said.

"You're welcome, kaya Sam. Bantayan mo yang maigi ang kapatid ko baka maagaw siya ni Lia sayo. " ate said.

"Don't worry Ate Khezy, ingungudngud ko muna yang mukha niya bago niya maagaw ang pag aari ko " i said na ikinanganga ni Ate kHezy.

"Umamin ka nga Sam, mahal mo na ba si Ken?" ate khezy asked and she smiled at me.

"Siguro?" yan na lang ang nasabi ko. 

Hindi ko din kasi alam, yung lumalakas ang tibok ng dibdib mo everytime na lumalapit siya? And nagagalit ka kapag may umaaligid sakanya na babae? Kinikilig ka sa mga sinasabi niya?

Kung yan ang pagmamahal, oo mahal ko na 'ata siya.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️
AN: hello to all! Ayan, sorry super tagal na ng update. Ganito nalang, pag maraming votes mag uupdate ako ulit. Dito muna.. See you..  Votes na kayo! Hihihi..

Don't forget to vote and comment. Thank you for the support!

Marrying Mr. CassanovaWhere stories live. Discover now