CHAPTER TWENTY-FIVE

8.8K 181 1
                                    

AN: Happy 300+ views! Masaya na ako! Thank you.

Fb account : Lynn Wp

✂️✂️✂️✂️✂️

SAMANTHA'S POV

Nandito kami ngayon sa mall at magkatabi kami ni Ken, hawak ko naman si Kean habang hawak ni Ken si Mia.

“May kailangan kang ipaliwanag saakin mamaya, mag usap tayo ng masinsinan. ” bulong ni Ken saakin na nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok.

“May kasalanan ka din. ” inis kong bulong. Hindi ko talaga mapigilan ang hindi mainis pag pinag uusapan ang bagay na yun dahil hanggang ngayon hindi pa din ako maka get over na niloko niya lang ako. Yun na ata ang hindi ko makakalimutan buong buhay ko.

“Hindi mo ako pinag explain, kasalanan mo. ” bulong din nito pabalik. Kung wala lang talaga ang mga bata ay hinampas ko na ang lalaki'ng to. Nakakainis.

“Let's not talk about it now,  nandito ang mga bata. Umayos ka kong ayaw mong ingudngud kita. ” i whispered. Pero tumawa lang siya ng bahagya.

“Mommy daddy! Dun tayo!” turo ni Mia sa isang shop kong saan puro doll's ang nasa loob. Tiningnan ko naman si Kean na nakasimangot.

“Baby, you'll come with daddy okay? Dyan lang kami ni Kean sa isang shop katapat niyan. ” i said habang tinuro ang isang shop na all boys ang laman. Tumango naman si Mia kaya pumasok na kami ni Kean sa isang shop.

KEN'S POV

Hindi pa din ako makapaniwala na ito na ang mga anak ko.  To be honest, hindi galit ang naramdaman ko ng umalis si Sam, sinabi kasi saakin ni Ate Khezy at alam ko na din na magkapatid sila ni Sam. Ipinaliwanag niya saakin lahat. Pero i admit, na may naramdaman pa din akong tampo sakanya dahil hindi ko man lang nakita ang mga anak ko nung baby pa sila. And now, lumaki silang magaganda at gwapo, manang mana saakin.

“Daddy, gusto ko nyan. ” sabi saakin ni Mia habang tinuturo ang isang doll. Kahit nakakabading pakinggan pero hindi ko maiwasan ang sobrang saya tuwing tinatawag nila ako na 'Daddy' at nagpapasalamat din ako kay Sam dahil hindi man lang niya nilayo saakin ng matagal ang mga anak ko, Five years, matagal din yun pero hindi siya katulad ng ibang ina na hindi na pinapakilala sa anak nila kong sino ang ama nito.

Samantha has a soft heart too. I knew it.

“Okay baby, pumili ka lang kong anong gusto mo bibilhin natin. ” nakangiti kong sabi dito. Gusto kong bumawi sa kanila sa matagal na panahon na wala ako sa tabi nila. Ngumiti naman ito ng malapad. Nakuha niya ang ngiti ko habang kay Kean naman ay nakuha ang ngiti ni Sam.

“Talaga daddy? Baka magalit si mommy pag marami ng toys sa condo niya. ” nakapout na sabi ni Mia. Ang cute. Sinabi din kasi ni Ate Khezy saakin na may condo unit daw na binili si Sam dito.

“Hindi yun baby, si daddy ang bahala kaya bumili ka ng gusto mo. ” sabi ko dito sabay ngiti.

Matapos makapili si Mia ay lumabas na kami ng shop matapos ko itong bayaran. Marami rami din ang nabili ni Mia at timing naman na lumabas na din sina Sam kasama si Kean, nang makita ni Sam ang mga pinamili ni Mia ay agad kumunot ang noo nito. Habang papalapit sina Sam saamin ay parang nag slow motion ang lahat, i know it sounds gay, but i can't deny that I'm still madly inlove with this woman.

SAMANTHA'S POV

Paglabas namin ng shop ay nakita din namin sina Ken kasama siya Mia at agad kumunot ang noo ko ng makita ang mga pinamili nila. Napaka dami kasi nito.

“Sabi ko, wag mong i spoiled yan. ” sabi ko dito.

“Hindi ko naman siya inis spoiled, bumabawi lang ako sa mga taon na hindi ko sila kasama and i think there's nothing wrong with that. ” sabi naman nito. Agad naman akong nakaramdam ng guilt.

“Mommy nag aaway po ba kayo ni Daddy dahil sa mga toys ko? Sorry na mommy ibalik nalang natin to. ” malungkot na sabi ni Mia na mukhang iiyak na. Nilapitan naman agad namin siya ni Ken at pinatahan.

“No baby, ofcourse not. Okay, okay lang naman kay mommy na marami kang toys kaya wag ka nang umiyak. Ice cream na lang tayo okay?” patahan ko dito. Agad naman itong tumahan at tumango

Tumayo na kami pero wala si Kean sa tabi namin. Nasaan na naman ang batang yun? Hay nako.

“Mommy, nandun si Kuya!” sabi naman ni Mia at tinuro si Kean na nakikipag usap sa isang batang babae. Lumapit naman kami sa kanila at tinawag ang makulit kong anak.

“Miss? Anong pangalan mo? Pwede ko bang mahingi ang number mo?” rinig kong tanong ni Kean. Tiningnan ko naman si Ken na hindi makapaniwala ang mukha dahil sa inasta ng anak, see? Nagmana talaga sa ama.

“Bata pa ako!” sabi naman ng babae.

“Baby, let's go. ” tawag ko kay Kean. Ngumiti naman siya saakin at tumingin ulit sa babae.

“Bye miss, take care. Wanna have a date?” tanong ulit nito. Napasapo nalang ako sa noo ko. Tumakbo naman ang bata papunta sa yaya niya.

Agad na kami'ng nagpatuloy sa paglalakad.

“Nagmana talaga sayo. ” bulong ko kay Ken.

“Oo nga eh, pati kagwapuhan ko namana. ” nakangiti pa nitong sabi. Tss.

Siya na ata ang pinakamayabang na lalaki na nakilala ko. Sana Kean anak, wag kang gumaya sa ama mong mayabang please lang.

✂️✂️✂️✂️✂️
AN: Hello ! Ayan, nag update ulit ako. Thank you 300+ views! I'm so thankful. Lablab. Don't forget to vote and comment. Mwa!

Fb account : Lynn Wp

Marrying Mr. CassanovaWhere stories live. Discover now