6| Under the Stars

5K 182 39
                                    


I can't help but adore her.

Tricia Mirielle Amante looks like a real princess in her pearl while ballgown. She's dazzling.

Para s'yang kumikinang na diwata habang maingat na bumaba sa karwaheng sinakyan n'ya. Beside her is my favorite man. My knight, my prince, my duke... lahat na na may kinalaman sa escort ng prinsesa. Pero ngayong gabi, hindi na muna ako ang prinsesa n'ya.

Trey looks so handsome in his prince's outfit. God, he's too princely.

Tonight's Ate Tricia's debut. And we're clapping our hands as we watched her enter her glass castle. Mas naging magical pa ang paligid dahil sa malamyos na musika at mga ilaw na nakapaligid sa kabuuan ng lugar.

Sana kapag nag-debut ako, ganito ding kaganda. At sana, si Trey din ang escort ko.

I closed my eyes and imagined everything. In our mansion, I'll descend the stairs, and holding me is my Trey. Everybody will praise me, and tell me how beautiful I am.

Ang sarap isipin, na for once, isang magandang dalaga naman ang tingin nila sakin, at hindi isang tibong babae na walang ibang worth maliban sa pagiging Vergara.

Ang lahat ng iniisip ko ay naistorbo dahil sa paghaharutan ng mga katabi ko.

"Kipp, laway mo tumutulo na," nakangising pang-aasar ni Tito Nex kay Kuya na kung makatitig sa celebrant ay parang gusto na n'yang tunawin. Or knowing kuya, hinuhubaran na n'ya yata si Ate Tricia sa isip n'ya.

Ni hindi man lang natinag si Kuya sa pagkakamangha n'ya.

Nang tumapat sila sa harap namin ay tumigil si Trey. Bigla akong na-conscious dahil sa klase ng tingin n'ya. Bahagyang napaawang pa ang bibig n'ya habang bumababa sa suot ko ang tingin n'ya, at nang bumalik s'ya sa mukha ko ay napa 'wow' ang labi n'ya. Alam ko na namumula na ang mukha ko dahil ramdam ko na ang pag-iinit nito. Pakiramdam ko ay sobrang ganda ko dahil sa ginagawang paninitig ni Trey sa akin. At kita ko sa mga tsokolateng mata n'ya ang paghanga at pagmamahal. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinakamagandang babae dito ngayong gabi.

Kahit sa paningin lang 'yon ni Trey, ay sobrang ligaya ko na. Dahil ang opinyon n'ya naman ang mahalaga. Dahil s'ya lang ang mahalaga. Dahil mahal ko s'ya.

Sa pagtigil ni Trey ay napatigil din si Ate Tricia na naka-abistre sa kanya. Napalingon ang magandang mukha n'ya sa gawi namin.

Naputol ang pagtititigan namin ni Trey dahil napaatras si Kuya at bahagyang natapakan n'ya ang laylayan ng gown ko. Sisinghalan ko sana s'ya pero nagulat ako sa ekspresyon ng mukha n'ya.

He's blushing! Skipper Clint Vergara, the now trending notorious playboy, the six years consecutive basketball MVP, the bully... was blushing while staring at his first love! Kulang na lang ay mag-drool s'ya!

After eight years or more, he finally saw her again.

Napatingin ako kay Kuya Nexus at nangunot ang noo nang may mga sinesenyas s'ya.

Patinginin ko si Trey sa kanya?

Hindi ako sigurado kung iyon nga pero tinignan ko si Trey na nakatitig pa din sa akin at gamit ang mga mata ko ay itinuro ko si Kuya Nexus.

Tumikhim si Trey at kumilos para makaharap sila ni Ate Tricia sa amin. Mula sa sa pagkaka-abistre sa kanang braso n'ya, inangat n'ya ang kaliwang kamay ni Ate Tricia gamit ang kaliwang kamay n'ya, at inilahad ito sa harap ni Kuya.

Nakita ko ang bahagyang pagtulak ni Tito Nex kay Kuya. Mukhang tuwang-tuwa silang mag-asawa. Nakita ko na bahagyang nanginginig pa si Kuya nang iangat n'ya ang kamay n'ya para kuhain ang kamay ni Ate Tricia.

Trey Gregory: If Only They KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon