Chapter 29

85 3 0
                                    

Chapter 29

              GRIM REAPER POV
Umaalingaw-ngaw ang sigaw niya sa loob ng silid na ito, pati si Briohny napasigaw narin. Nasa likod niya lang ako, handang saluhin kung hihimatayin man siya.

Nasaksihan ko ang unting-unting paglabas ng isang maitim na usok na may pulang mata. Nahimatay si Dwight at biglang natumba si Briohny, siguro nanghihina ang tuhod niya.

Dali-dali ko siyang inilapag at kinuha ko ang isang kahon na dala ni pinuno, tatakas pa sana siya ngunit huli na ang lahat dahil hinigop na siya nito. Dali-dali ko itong sinarado at nilock.  Kinuha ito ni Pinuno at lumapit kay Briohny.

"Ipatak mo ang iyong dugo, ang dugo mo ang magsisilbing kandado sa kahon na ito na kung nasaan siya" sabi ni pinuno at piniga ni Briohny ang kamay niya na may sugat. Tumulo ang dugo doon at umilaw ang kahon.

Inalalayan ko siyang  makatayo at sumenyas na lumapit kay Dwight.

"Dwight! Gising" sabi niya sabay tapik sa mukha nito.

"Bri-Briohny? " sabi niya at hinaplos ang mukha nito. Bumangon si Dwight at nakaupo na sila pareho sa sahig, ako naman nakatayo lang.

"Kailangan mo na siyang ihatid,  mag aalas-dose na sa dimensyon ng mga tao"utos ni Pinuno sa akin at biglang umiyak si Briohny.

"Dwight. Huhuhu. Iiwan mo na naman ako? " tanong niya. Hindi ko masisi si Briohny, importante nilalang ang nasa harap niya ngayon, isang nilalang na naging sandalan niya sa lahat, nagtatanggol sa kanya noon, itinuring siyang prinsesa,  at higit sa lahat gusto niya ito noon.

"Shhh. Dont cry my princess. I need to go,  di na ako pwedeng magtagal pa rito. Please always remember that im always here for you cause im your best bestfriend and--i-i love you" sabi ni Dwight sabay pahid sa mga tumutulong luha ni Briohny.

"Dwight!  Im sorry. Sorry talaga. Nang dahil sa akin namatay ka, ng dahil sa akin nahihirapan ka ngayon, ng dahil sa akin iiwan mo na ako. " iyak niyang sabi.

"Briohny. Wala kang kasalanan. Diba i promise na ipagtatanggol kita kahit buhay ko pa kapalit. Masaya ako kasi nailigtas kita. Wala akong pagsisi kahit kaunti. Huwag mong sisihin ang sarili mo" sabi niya at bigla yumakap sa kanya si Briohny.

"Huhuhu.. Ma-mamimiss kita." Sabi niya.

"Malay mo magkikita muli tayo at ipagtatanggol na naman kita. Magkikita pa tayo, sa bagong katauhan" sabi niya at ngumiti. Hinalikan niya ito sa noo. Yumakap lang si Briohny sa kanya.

"Tara na. Umalis na tayo rito. " sabi ko at naglakad na kami.

-----
Pagkalabas namin sa lagusan ng DS ay nagteleport na kami papunta sa mga tao. Madilim ang gabi, tanging ang buwan ang nagsisilbing liwanag sa gabing madilim. Mapayapa at tahimik at gabing ito,  nagpapahiwatig lang na wala ng kasamaan sa ngayon, di natin alam kung hanggang kailan tatahimik ang gabi, dahil sa mundong ito ay imposibleng walang masasama. Hindi sila nauubos. At kung mamamatay man sila ay panibagong  dark soul na naman.

"Briohny, nasa inyo na tayo. Ihahatid ko na siya" sabi ko nito at ngumiti lang siya. Lumapit si Dwight sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"So pano, alis na ako. Iingatan mo ang sarili mo ha. " sabi niya at pilit na ngumiti si Briohny kahit umiiyak.

"Ikaw rin. Hahaha. "Sabi nito at kumaway na sila sa isat-isa.

"Pumasok ka na. " utos ko at naglaho na kami.

                BRIOHNY POV
Pinagmasdan ko muna sila bago pumasok ng bahay. Pinihit ko ang doorknob ngunit naka-lock ito. Tinawag ko si mama at biglang bumukas ang ilaw.

'Naku! Ano naman ang idadahilan ko? Bahala na nga sasabihin ko nalang ang totoo'

"Ma"sabi ko pagkabukas niya ng pinto. Bigla akong niyakap ni mama at maya maya hinila niya tenga ko papasok ng bahay. Binitawan niya rin ito ng nakapasok na kami.

"A-a-Aray! "Reklamo ko

"Ate! " sigaw ni Keyle at binatukan ako.

"Ate? Huhuhu isang linggo ka nawala. Sinakto mo pa na mag-October.! "Siya

"Ikaw na bata ka! Akala namin may nangyari sayo. Bigla ka nalang nawala na parang bula"iyak na sabi ni mama.

"Actually ma, meron po. Ki-kinuha po ako ng masamang kaluluwa" sabi ko at muntik pang himatayin si mama at nasalo ko ito at tinayo ulit, si Keyle naman namutla.. Matatakutin talaga.

"Pinagloloko mo ba akong bata ka" sabi ni mama.

"Ma diba sabi niyo yung tungkol kay lola noon na nakakakita ako ng multo, tagasundo at mga masasamang multo rin. Kinuha niya ako para gumanti dahil kay lola. Pero wag kang mag-alala ma, may tumulong sa akin at nakabalik ako rito na ligtas at tsaka po ma nakita ko si Dwight, iniligtas niya ako hanggang sa huli. " sabi ko at umiyak na naman. Niyakap lang ako ni mama.

"Ssshh. Tahan na okay?."sabi ni mama at yumakap rin si Keyle sa akin.

"Halika gamutin natin yang sugat mo sa kamay" sabi ni mama.

Maya-maya lang tapos na si mama sa pag-gagamot.

Alas dos na ng umaga, naisipan ko na huwag nalang matulog dahil hindi naman ako makakatulog dahil sa mga nangyari. Nakaupo lang ako sa upuan na nasa tabi ng kama ko malapit sa bintana at nakita ko siya na nakaupo sa kama ko.

"Hinatid mo na siya? " tanong ko at tumango lang siya.

"Yang sugat mo sa katawan, gamutin natin" sabi ko.

"Huwag na. Naghilom na yung iba. Magpahinga ka na. Babantayan kita. " sabi niya na ikinainit ng pisngi ko.

"Aah-eh yung si-sinabi ko kanina--"putol kong sabi dahil ng salita siya.

"That you love me too? Hmm.. I love you more than you could imagine. I love you so much Briohny" sabi niya sa akin. Grabe parang may insekto sa tiyan ko. Bilis din ng tibok ng puso ko.

Nginitian ko siya bago nagsalita.

"I love you too my Grim reaper"sabi ko

"I love you so much my soulmate" sabi niya at ngumiti.

"Waaahhh ang gwapo mo sobra pagnakangiti. Ngingiti ka lang pala eh, pinagdamot mo pa sa akin. Hahahaha" sabi ko sabay tawa

"Tss! " sabi niya.

"Just go to sleep. " sabi niya at humiga na ako sa kama. Kinumutan  niya ako at hinalikan sa noo.

"Good night"sabi niya at tuluyan na akong natulog.

-----

              GRIM REAPER POV
Nakaupo ako sa tabi ng kama niya at pinagmamasdan siya.

                FLASHBACK
"Ingatan mo siya"sabi ni Dwight

"Iingatan ko siya dahil mahal ko siya ngunit natatakot ako"sabi ko

"Natatakot saan? "Siya

"Dahil katulad mo maiiwan ko rin siya. "Sabi ko

"Anong ibig mong sabihin? "Siya

"Si Briohny ang soulmate ko, siya ang magpapakawala sa akin bilang isang Taga sundo. Isa akong kaluluwa noon at nais kong maging kaluluwa ulit, para mareincarnate at maging tao"sabi ko na ikinagulat niya.

"Paano na siya. Alam kong mahal ka ni Briohny. Kung iiwan mo siya mas lalo niyang di kakayanin" sabi niya.

"Ka-kaya nga. Soulmate ko siya, at kung mareincarnate man ako at kung mawala siya sa mundo sa bagong katauhan magkikita kami at sisimulan ang istorya namin, ang naputol naming pagmamahalan" sabi ko at nagbuntong-hininga lang siya.

        END OF FLASHBACK

"Briohny? Mahal na mahal kita. Kung maiiwan kita at mauuna ako sayo, sana kayanin mo" sabi ko habang hinihimas ang ulo niya at maya maya lang dinalaw na ako ng antok at nakatulog na ako.

Yan na ang update. Naku naku. Paano nayan. Aalis din siya. Hahaha

Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos At grammar
Kindly vote and comment
-AUTHOR

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now