Epilogue

137 5 0
                                    

Epilogue:Last Chapter

Ang araw na ito ay ang pag-alis niya. Pinipigilan kong huwag umiyak at panghinaan ng loob. Dapat kong kayanin para sa aming dalawa.

Nandito kami sa park ngayon kasama ang 2 Grim Reaper at si Pinuno. Inilabas ko na ang mga pagkain sa basket at inihanda na ito.
Habang kumakain ako sila naman ay hindi kumain maliban nalang kung e-offer mo sa kanila. Gusto namin na ang huling araw niya rito ay dapat masaya. Nagkwekwentuhan kami at nagtatawanan.
----

Umalis na ang tatlo at naiwan kaming dalawa, pareho kaming tahimik. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga. Kaya napalingon ako sa kanya at tumingin naman siya sa akin sabay titig sa aking mga mata.

"O? May problema ka? " tanong ko ngunit hinawakan niya lang ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata. Para akong natutunaw sa mga titig niya, kita ko rin ang halo-halong emosyon sa mga mata niya.

"Nothing. I will just miss you" sabi niya

"Lage mo nalang ako pinapaiyak. Sinusubukan ko ngang wag isipin. " sabi ko sabay pout at ngumiti lang siya.

"Di mo naman kailangang umiyak. Ayaw ko nakikita kang umiiyak dahil mas nasasaktan ako. Ayaw ko na makikita kita na sinasaktan ng iba. Briohny, promise me na dont let anyone hurt you or bully you. Napakabait mong babae, ikaw yung tipo na ayaw mong makasakit ng iba but you need to learn how to defend yourself" sabi niya at tumatango-tango lang ako.

We spend the rest of the day together at kami lang talaga. For the last moment ay pinadama namin sa isat-isa kung gaano namin kamahal ang isat-isa. Iniisip ko na mas lalo akong mahihirapan dahil nasasanay na ako sa presensya niya at mangungulila talaga ako sa kanya ng matagal.

Pero kailangan kong kayanin,, para sa amin. Maghihintay ako at di kailanman susuko. At kung makakalimutan man niya ako ay gagawin ko ang lahat, ang lahat-lahat.

Nasa bahay na kami at malapit na mag-gabi, ibig sabihin malapit na siyang umalis, minsan nga pinipigilan ko na huwag lumabas sa bibig ko na di siya paalisin.

"Anak napapansin ko na palagi kang matamlay at namamaga ang mga mata mo. Di ka ba natutulog? " tanong ni mama at siya naman na sa sofa lang nakaupo, tinawanan pa ako

"Natutulog ako ma no" sabi ko

'Si mama talaga panira. Baka malaman niya na tuwing natutulog kami ay gumigising ako para pagmasdan siya at binabantayan na di siya umalis. Gusto ko kasi na pag-aalis siya ay dapat makita ko siya at makapag-paalam.

"Baka magkasakit ka niyan alagaan mo ang sarili mo" sabi ni mama at pumunta na sa kusina. Siya naman ay tinignan lang ako na nakakunot ang noo.

"You heard your mom right? " tanong niya.

'Aba bastos to ginawa ba naman akong bingi'

"Oo naman" sagot ko

"Tss! Take care of yourself. Akala mo siguro di ko alam. " sabi niya

'Naku!! Alam niya na pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Nakakahiya talaga'

"Anong alam mo? " tanong ko at tumayo lang ito.

"Saan ka pupunta? " tanong ko

"Magpapahangin lang ako sa labas. Kumain ka muna ng hapunan mo" sagot niya at naglaho na ito.

         GRIM REAPER POV
Ang bawat pagtakbo ng oras ay nais kong pigilan lalo pat kaunting oras nalang ang natitira sa amin. Makikita pa naman kami ngunit natatakot ako na baka di ko siya makikilala at ikasasama ng loob niya. Siguro naman hindi. Pipilitin ko ang sarili ko.

Nagpapahangin ako sa labas habang nakatingala sa langit na dumidilim na.

Kaunting oras nalang at maiiwan ko na siya, natatakot ako na baka maging mapaglaro ang tadhana at di kami ipagtagpo.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now