Chapter 32

88 3 0
                                    

Chapter 32
       
                   BRIOHNY POV
Naglalakad ako kasama si Zayne palabas ng gate ng nahagip ng mata ko si Grim Reaper na nakatitig sa amin ng masama.

'Tss! Napakaseloso talaga. Hindi ko naman siya ipagpalit at iiwan. Baka siya. Feel ko kasi parang iiwan niya ako o ano. '

"Sige Zayne mauna na ako" sabi ko

"Ihatid na kita" sabi niya

"No!  Amf i mean.. Wag na. Okay lang. Sige na umuwi ka na" sabi ko

"Okay ingat ka" sabi niya sabay ngiti sa akin habang kinakaway ang kamay.

Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako lumapit sa kanya.

"Hi" bati ko

"Tss! " yun lang ang narinig ko sa kanya at naunang naglakad sa akin. Nakayuko lang ako na nakasunod sa kanya.

'Ano naman problema niya?! Wala naman akong ginawa. Naku! Nainis na ako sa mga babae kanina huwag siyang dumagdag. " sabi ko sa sarili ng bigla ako nabangga sa likod niya, akala ko nga pader eh

Humarap ito sa akin

"Bakit? " tanong ko

"Nothing" sabi niya

"Umayos ka nga. May sasabihin ka noh! Haays. Nagseselos ka na naman?! " sabi ko na may kunting inis at nag pout lang ito.

'Jusmiyo!! Ang cute cute ng lips niya. Ehehe'

"Hahaha ewan ko sayo. Mukha kang pato. May pupuntahan tayo" sabi ko at hinila ko siya papunta sa sakayan ng jeep.

Para nga siyang abno eh. Parang di pa nakaranas ng ganito. Sabagay Grim Reaper nga pala to. Tuwang-tuwa nga ang mokong.

Nakababa na kami sa jeep at tinanong niya ako

"Saan tayo pupunta? " sayang tanong niya

"Halatang ngayon ka lang talaga nakasakay non haha" tawang sabi ko

"What do you expect from a Grim Reaper like me, sumasakay ng ganon? Ang buhay namin ay nakatuon lang sa trabaho namin" sagot niya at tumango-tango lang ako

"Pupunta tayo sa perya. Maaga pa naman" sayang sabi ko sabay taas baba ng kilay ko samantalang siya ay nakakunot lang ang noo.

Maaga pa naman ngayon kaya gusto ko na magsaya kasama siya, habang buhay.

Maya-maya lang ay nasa perya na kami. Maraming tao rito, na naglalaro, namamasyal at mga bata ring may dalang mga balloon. Nakita ko na nasisiyahan naman siya.

Sinubukan namin lahat ng rides at yung operator nagtataka kung bakit ayaw ko magpapaupo sa tabi ko, e siya ang nasa tabi ko eh. Pagkababa namin sa Alibaba ay nakita kong namutla siya paano pa kaya kung roller coaster yun.

"Hahaha ang epic ng mukha mo! " tawang sabi ko sabay turo sa mukha niya ngunit kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito sa likod. Kinilig naman ako.

"Whatever my love. Uwi na tayo"sabi niya at magkahawak kamay kaming lumabas ng perya

"Takot ka lang eh" pang-aasar ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya

---

Bago kami umuwi ng bahay ay huminto muna kami sa park at nagpahangin. Medyo gumagabi narin.

Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat habang ang kamay naman niya ay nasa likod ko at nakapatong sa balikat ko. Nakaupo kami habang pinagmamasdan ang lawa.

"Briohny? " tawag niya

"Hmm? "Ako

"Thank you for this day. I will not forget this memory. I will bring this no matter where i go. Ang alaala natin sa isat-isa ay itatago ko sa kailaliman ng puso ko para di mabubura" sabi niya. Parang may meaning behind yung sinasabi niya.

"You are always welcome my love. Hindi ko rin malilimutan ang alaala natin sa isat-isa. " ngiti kong sabi at ngumiti rin siya. Tinignan niya ako ng seryoso sa mata. Ramdam ko na may sasabihin siyang hindi maganda

"Briohny, alam mo naman na kung gaano kita kamahal diba?"at tumango lang ako parang tutulo na ata luha ko

"Kung mawawala m-man a-ako, sana kayanin mo" sabi niya.

'Ito na nga ba ang sinasabi ko'

"A-anong ibig mong sabihin. Iiwan mo ta-talaga ako"halos mapiyok kung sabi

"Hi-hindi pa naman sa ngayon. Ma-may tatlong linggo pa ako" sabi niya na ikinabagsak ng luha ko. Alam ko rin na nahihirapan ang kalooban niya.

"Huhuhu bakit ngayon mo lang sinabi? Ano ba ang dahilan mo? " iyak kong tanong at umiling lang siya sabay pahid ng luha ko.

"Aalis ako kasi gusto ko na maging pwede na tayong dalawa. Gusto ko na maging kaluluwa ulit at mareincarnate para sa susunod nating buhay ay maaari na nating simulan ulit ang naudlot nating pagmamahalan" sabi niya

"Dati akong kaluluwa noon at nakatadhana na maging tagasundo. Isinaad ng matanda na maging kaluluwa ulit ako pagnahanap ko na ang kabiyak ng puso ko at ikaw yun Briohny"siya

"Wala akong naalala sa nakaraang buhay ko dahil nawala na ito ng naging tagasundo na ako"sabi niya. Sobrang sakit ng puso ko. Iisipin ko palang ay parang sinaksak ang puso ko na paulit-ulit.

"Kung yan ang gusto mo. Kakayanin ko" iyak kong sabi. Tulo parin ng tulo ang luha ko kahit pinapahiran na niya ito.

"Ipinapangako ko Briohny na makikita parin tayong muli, ipagtatagpo ulit tayo ng mga puso natin. Ikaw kaya ang soulmate ko. Magkikita tayo sa ibang katauhan, mawawala man ang alaala natin sa isat-isa alam ko na ang puso ko ay mananatiling protektahan ang mga alaala natin, ang pagmamahalan ng puso natin ay di mawawala o mabubura" sabi niya

"Pa-papaano kung hindi? " iyak kong tanong at nakayakap na ako sa kanya. Hinihimas niya lang ang likod ko

"Shh, huwag ka nang umiyak, ang puso natin ang maging tulay upang tayo ay magkita muli at maaalala ka" sabi niya at hinalikan ako sa ulo

'Mamimiss kita'

Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa at sa paghintay. Busy si Author niyo eh.
Sorry sa typos
Kindly vote and comment
Author

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now