Chapter 15

110 4 1
                                    


   [ Next Day ]

Maaga akong pumasok sa School dahil may quiz kami ngayon sa Filipino. Medyo marami na rin nareview ko kasi puro terminologies lang naman kaya nakapasa naman ako kahit papaano. And ngayon naman ay kasalukuyang nagdi-discuss ulit yung Prof

kinopya ko lang yung mga sinulat nya sa white board habang nagdadaldal sya. Napansin kong nakatulala naman si Bona kaya kinausap ko sya

"anyare sayo?" tanong ko. Walang reaksyon naman syang napatingin sakin

"wala, kulang lang ako sa tulog" sabi nya at binalik ulit yung tingin nya sa harap

nagkibit balikat na lang ako at nakinig muli sa Prof. Nakinig akong mabuti sa Prof ko dahil ang tinuturo nya ay kung paano gumawa ng tula.

naging interesado ako sa bawat salitang binibitawan ng Prof ko dahil love na love ko ang tula. Mahilig akong magbasa ng tula at marunong din akong gumawa ng tula.

"okay. Malamang hindi na bago sa inyo ang tula kung kaya't kailangan nyong gumawa ng tula ngayon din" sabi ni Prof Cynthia

"Ma'am tungkol saan naman po ang tema na gagawin?" tanong ng isa kong classmate

"about sa pag-ibig. Sa hinahangaan nyo, boyfriend or asawa nyo basta tungkol sa pag-ibig. Wala na palang oras, project nyo na lang yan. Bibigkasin nyo yan dito sa harapan" sabi ni Prof Cynthia habang inaayos yung mga gamit nya

"halaaaa" rinig kong reaksyon ng mga classmate ko

at tuluyan na ngang lumabas ng room si Prof Cynthia. Napayuko naman ako sa desk ko. Feeling ko inaantok na din ako hala.

pero biglang pumasok sa isip ko yung plano kong gagawin ngayong araw kaya napaangat ako sa pagkakayuko at tumayo.

"Bona punta lang ako sa Rest Room" paalam ko kay Bona na nagse-cellphone, tumango lang sya bilang pagsang-ayon kaya kinuha ko din cp ko sa bag ko at lumabas na ng room.

naglalakad ako sa corridor ng building namin ng makasalubong ko si JB. OMG sya na naman?! hanggang kailan ba ako titigilan ng tadhana na makita sya? hays

Bnilisan ko yung hakbang ko ng magkakasalubong na kami pero tsk, kinausap na naman nya ako


"Devon kamusta ka na?" bati nya ng nakangiti

"buhay pa naman, naglalakad pa nga oh sige bye!" sabi ko at akmang tatakbo na pero bigla nya akong hinawakan sa braso ko, napa- 'aray' naman ako

"bitawan mo ko naiihi na ako" sabi ko pero nakatingin pa rin sya sakin

"canteen naman tayo oh, treat ko" sabi nya

"ayoko JB, tigilan mo na nga ako" sabi ko pero ang seryoso pa din ng mukha nya

"kakain lang naman tayo, treat ko naman eh" sabi niya

"ayoko nga, iba na lang ayain mo JB.." sabi ko

"treat ko naman Devon, sumama ka n---"

"ayaw nga nya pre, bakit ba mapilit ka?" biglang sabi ng lalaking sumulpot sa gilid ko

nanlaki ang mata ko ng malaman kong si Mark payat pala yun. Inalis nya yung kamay ni JB na naka hawak sa braso ko at hinawakan naman nya ang wrist ko. Teka bakit parang nakuryente ata ako? sheez

Can I Be Yours? [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon