Chapter 20

61 6 8
                                    

Mark Tuan's POV

3:26 na ng madaling araw yet I'm still awake at hindi pa ako dinadalaw ng antok. Mabuti na lang at wala akong klase bukas ng maaga kaya hindi ako aantukin sa school.

binabagabag pa rin ako sa nangyari kanina.

habang naghihintay ako sa Rooftop sa pagdating ng dalawa ay hinawakan ko ng mahigpit ang isang bouquet ng Red Roses. Nakadungaw ako sa langit at palubog na ang araw, unti-unti na ring dumidilim. Mabuti na lang at naka-bukas na yung mga ilaw dito sa rooftop kaya maliwanag pa rin.

Biglang tumunog yung gate, napalingon ako agad at nakita ko si Devon na inaalalayan si Sana sa paglalakad dahil nakapiring ito.

Ang weird kasi silang dalawa yung nakikita ko pero kay negra lang ako nakatingin, parang sya lang yung naglalakad at wala syang kasama. Ewan ko pero bigla na lang akong napangiti at napahawak ng mahigpit sa bulaklak na hawak ko.

Nakatingin lang ako kay Devon ng bigla syang napaangat ng ulo at tumingin din sakin. Seryoso sya pero kakaiba yung mata nya, may something sa mata nya para bang puno ng kalungkutan... bakit?

"MAAAARK!!" natauhan ako nang biglang may kumalabog sa pintuan ng kwarto ko. Agad akong napabangon at binuksan ang pintuan, bumungad sakin si Manang Lita na halatang nag-aalala

"Manang bakit? may nangyari bang masama?" tanong ko kay Manang at hinawakan ko ang nanginginig nyang kamay

"hindi kasi ako makatulog iho kaya lumabas ako ng bahay para i-check ang gate pero bigla na lang may tumutok ng baril sa akin" natatakot na sabi ni Manang

"HA? na saan na sya? nakilala nyo po ba yung mukha nya?" -ako

"nakatakip ng itim ang mukha nya iho akala ko nga ay papatayin nya ako pero may inabot syang sulat at sinabi nya sakin na papatayin ka daw nya. May kaaway ka ba Mark? jusko namang bata ka" halos mangiyak na si Manang habang inaabot sakin yung papel

hindi ko muna binasa yung papel, inihatid ko si Manang Lita sa kwarto nya. Sana makatulog sya ng maayos.

Bumaba ako sa salas para icheck yung mga pintuan, sinilip ko din ang labas, naka-lock naman yung gate. Agad akong umakyat, pumasok ako sa kwarto ko at humiga. Binasa ko yung laman ng papel

Layuan mo si Devon, kung hindi papatayin kita

Wala akong ideya kung kanino 'to galing. Sino naman kaya ang nagpadala nito? Tsk, ano naman ang kinalaman nya kay Devon?

Can I Be Yours? [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon