Chapter 27

33 1 0
                                    

Devon's POV


"Hello, Devs? huy nakikinig ka ba?"

Natauhan ako sa pagkakatulala sa punong mangga na maraming ibon ang nakatambay. Napatingin naman ako sa phone ko at sa screen nito kung saan ka-video call ko si Bona.

"tulala ka dyan, anong nangyari sayo? may problema ba?" tuloy nyang tanong.

Napapikit na lang ako at napakamot sa ulo ko, gosh naalala ko na naman yung hindi na dapat alalahaning kabaliwang nangyari kahapon sa Library tsk.

"a-ah wala, excited lang ako sa Saturday" sagot ko na lang.

"ah yung Acquaintance Party? ang sad naman hindi ako nakaabot dun" nakita ko namang medyo nalungkot yung mukha ni Bona.

"sino nga pala partner mo? si Mark?" mapang-asar na tanong nya.

Hindi ko naman maiwasang mapa-iling ng maalala ko na naman yung nangyari sa amin ni Tuan kahapon waaaaaa mababaliw na ako.

"hindi, si Jackson ang partner ko" sagot ko.

"aaah pwede na, musta na pala yung loko na yun"

Medyo tahimik dito sa Soccer Field dahil walang nagpa-practice at wala ring estudyanteng natambay dahil abala ang lahat para sa nalalapit na Acquaintance Party ng School. Sayang wala na si Bona dito, wala tuloy akong kasama.

"teka lang pala, may gusto akong ichika sayo Devs" -Bona

"ano yun?" -me

"pinagtapat sakin ng parents ko na ipapa-arrange marriage nila ako" -Bona

"seryoso? ano, payag ka? kilala mo naman kung sino?" -me

"pumayag na lang ako para sa parents ko. Hindi pa nila pinapakilala sakin kasi darating din naman dito sa Canada next month ata? dito na lang daw nila ipapakilala, nandyan daw sa Pilipinas eh" -Bona

"hala talaga? akala ko sa pelikula lang nangyayari yan. Basta kung saan ka masaya Bona, support kita dyan. Ipakilala mo din sakin ha?" -me

"oo naman Devs. Ipakilala mo rin sakin kapag may jowa ka na dyan ah" tawa nya

"of course pero after 10 years pa ako magkakajowa" pareho kaming napatawa

"pero Devs, ginugulo ka pa ba ni JB?" pag-iiba ng tanong ni Bona. Nakaramdam naman ako ng kaba pag nababanggit yung pangalan ni JB. Hindi na sya nagpapakita sakin, tumigil na kaya sya?

"hindi na sya nagpapakita at hindi ko na rin sya nakikita" -me

"ah buti naman. Wag ka ng kabahan dyan, may magliligtas naman sayo ayiee. Oh sya, matutulog na ako ingat ka dyan"

Nagpaalam na kami sa isa't isa at in-end up call ko na. Ibinulsa ko na yung cellphone ko. Maaga pa naman para sa next class kaya napagdesisyunan kong tumambay muna sa Soccer Field.

Sakto namang nagsidatingan yung mga players ng school at nagpractice sila, nanood na lang ako. Medyo dumami na rin ang nanonood sa practice game siguro ay lunch break na rin ng ibang course.
Sa kabilang banda ay may nagpapractice din ng cheerdance para sa nalalapit na Sportsfest din ng school. Maraming activities ang nakaabang sa school namin kaya abala lahat ng estudyante, ako lang ata ang pa-chill chill lang. Ang lonely ko naman, wala na akong Bona.

Ano kayang trip ko bakit ako nag-pony tail? mainit kasi.

Hindi sinasadyang nahagip ng mata ko si Sana na nakalugay ang buhok at naglalakad papunta ata sa direksyon ko, may hawak hawak syang lunch box ata? basta box na lalagyan. Nakangiti sya nang magtugma yung mga mata namin. Ang ganda ganda nya talaga. Yung tipong kaya nyang mapalingon lahat ng makakasalubong nya dahil sa magandang kutis at ngiti niya, sana all.

Can I Be Yours? [ON GOING]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora