Eight

3.9K 96 12
                                    

Chapter 8
Close

**

"Bea, are you okay?"

Napakurap ako at napaangat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Jay. He looks worried. Ngumiti ako at tumango.

"Yes, I'm fine," I replied.

We're inside a fine-dining restaurant. Dito ako dinala ni Jay pagkagaling namin sa opisina kanina. Kanina pa kami nandito pero ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala siya masyadong kinakausap. Nag-uusap naman kami kanina pero saglit lang iyon.

I sighed. Alam kong kaya ako ganito ay dahil sa nakita ko kanina. I'm still curious why Lara went inside Angelo's car. Anong gagawin nila? Wala namang nasabi sa'kin si Angelo na may pupuntahan sila.

Or maybe he doesn't want to tell me. I felt a slight pain in my heart at the thought of that. Ang maisip na hindi niya ako sinabihan tungkol sa plano nila ni Lara ay masakit. Pakiramdam ko hindi niya ako pinagkakatiwalaan bilang best friend niya. Bakit naman ako? Sinabi ko naman sa kanya ang tungkol kay Jay, 'di ba?

Kaya lang, hindi naman dahil best friend niya ako ay kailangan niyang ipaalam ang lahat sa akin. Wala naman kaming relasyon na higit pa roon para mag-demand ako sa kanya. It's just not right.

"Are you really sure you're okay?" I heard Jay asked again.

At that moment, I suddenly feel guilty. Siya ang kasama ko pero si Angelo ang nasa isip ko. Parang mali tuloy na pumayag ako rito dahil nagmumukhang napilitan lang akong sumama sa kanya. Huminto ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Huminga ako nang malalim.

"I'm sorry, Jay. I'm just spacing out," I reasoned. Pero mukhang hindi siya naniwala dahil sa sunod niyang sinabi.

"Iniisip mo kung bakit magkasama sina Angelo at Lara kanina, 'di ba?" aniya na siyang ikinagulat ko.

"You knew?"

Tipid siyang ngumiti. "Hindi naman ako bulag para hindi ko makita. I also saw how hurt you are while looking at them."

Mas lalo naman akong na-guilty dahil doon. Dapat kasi ay ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at nag-focus na lang sa dinner namin ni Jay. Nakaka-guilty tuloy lalo na dahil kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Jay ngayon.

"I'm really sorry, Jay. I ruined our dinner. Um... mag-usap na lang tayo ng ibang bagay? Promise, makikinig na 'ko," sabi ko.

"It's okay. You don't have to force yourself. Alam kong pagkatapos ng nakita mo kanina, hindi mo mapipigilang mapatanong kung bakit sila magkasama. Mahal mo, eh," aniya. Ngumiti siya na para bang sinasabi niyang naiintindihan niya kung bakit ako ganito. "You don't have to apologize. I truly understand. Hindi bale. Sigurado naman ako na darating ang araw at mawawalan ka na rin ng pakialam sa kanila. I'm here to help."

Umiling ako. "I don't know, Jay. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang kalimutan."

"Of course, hindi mo siya magagawang makalimutan dahil best friend mo siya. Ang nararamdaman mo sa kanya na higit pa sa pagkakaibigan ang dapat mawala. That's why I'm here. Tutulungan kita. Kahit na hindi mo pa rin ako magustuhan sa huli pagkatapos mong makalimutan ang nararamdaman mo para sa kanya, okay lang. Isipin mo na lang, ginagawa ko 'to bilang kaibigan mo."

Napakunot-noo ako. "Hindi ba parang wala ring saysay kung hindi kita magugustuhan sa huli kapag nawala na ang feelings ko para sa kanya?"

Ngumiti siya at umiling.

"Nope. Sa oras na mawala ang feelings mo para sa kanya at hindi mo pa rin ako nagugustuhan, at least magkakaroon ka na ng pagkakataon para magustuhan ang iba. Nakukuha mo ba ang gusto kong sabihin? You can finally give others a chance to love you."

Label: Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon