Nineteen

3.5K 81 4
                                    

Chapter 19
Friendship

**

I talked to Eunice one night after a few days. Nakausap ko kasi si Angelo at nasabi niya sa aking nakausap na raw niya ang kaibigan niya noong college kami. Nang malaman ko iyon ay nagpasya akong sabihin iyon agad kay Eunice.

“Nakahanap na ako ng abogadong tutulong sa atin. Kapatid siya ng kaibigan ni Angelo noong college,” sabi ko nang papasukin ako ni Eunice sa kwarto niya.

Umaliwalas ang mukha niya pagkasabi ko no’n. Tumango siya pagkatapos ay agad ding natigilan. Tumingin siya sa akin.

“Ate, okay na kayo ni Kuya Angelo?” tanong niya. Saglit akong natigilan pero agad ding napangiti.

Ang totoo niyan, mula nang sabihin ko kay Angelo ang tungkol sa kalagayan ni Eunice, medyo naging maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi naman sa masama ang pakikitungo niya sa akin dati. I mean, hindi na siya masyadong umiiwas sa’kin hindi tulad dati. Iyon nga lang, pansin kong naiilang siya sa’kin.

“Well, hindi pa masyado. Pero napapansin kong mas okay na kami ngayon kaysa nitong mga huling araw. Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa kalagayan mo at ang tungkol sa plano natin. Pumayag naman siyang tumulong sa atin,” sagot ko.

She nodded. Hinawakan ko ang kamay niya at mas ngumiti pa.

“Thank you, Eunice. Dahil sa’yo, dahil sa inyo ni Niel, nabibigyan ako ng pag-asa na magiging okay rin ang relasyon namin ni Angelo. At kahit na hindi niya sabihin, nararamdaman kong masaya rin siya para sa inyo. Although alam kong mali pa rin ang ginawa ninyo ni Niel, may parte sa akin na ipinagpapasalamat ang nangyari sa inyo,” pagpapatuloy ko.

She smiled. “Magiging okay rin ang lahat, Ate. Magiging masaya rin tayong lahat.”

Napahinto kami sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto. Hindi pa man kami nakakatayo ay bumukas na iyon. Pumasok mula roon si Niel. Nagulat siya nang makita ako.

“Uh… pasensya na. Babalik na lang ako mamaya,” aniya. Pero bago pa man siya makaalis ay mabilis akong tumayo.

“Hindi. Ako na lang ang aalis. Tapos na rin naman kaming mag-usap,” sabi ko bago lumapit sa pintuan. Bago ako makalabas ay nilingon kong muli si Eunice. “Huwag kang masyadong magpupuyat, Eunice. Pagkatapos niyong mag-usap, matulog ka na rin.”

Tumango siya kaya tumalikod na ako. Pero bago iyon ay tinawag ako ni Niel.

“Uh… is it okay if I sleep here?” he asked.

Saglit akong nag-isip. Well, wala naman sigurong masama kung papayagan ko siya? Kailangan lang na hindi ito malaman nina Mommy.

“Hmm… okay lang naman. Pero siguraduhin mo lang na kapag lumabas ka, hindi ka makikita nina Mommy at Daddy. And make sure to lock the door para hindi sila basta-bastang papasok. I’ll lock the door to our room, too. Mabuti na ang sigurado,” sabi ko.

Wala namang ibang pumapasok sa kwarto namin kundi ako at si Niel pero mas maganda na ang sigurado.  Tumango naman si Niel. Nagpaalam na ako sa kanila pero bago ako lumabas ay biniro ko pa si Eunice.

**

Napagpasyahan naming kausapin ang abogadong kakilala ni Angelo sa araw ng day-off namin. Before that day, I asked Angelo the name of the lawyer we’re going to meet. He told me I know him.

The name of the lawyer is Atty. James Dela Cruz. Kapatid iyon ng kaibigan ni Angelo at classmate namin noong college. Of course, I know him. Paminsan-minsan namin siyang nakikita noon sa school kaya nakilala namin siya.

Nagkita-kita kami sa isang restaurant sa Makati sa araw ng Sabado. Kasabay kong pumunta doon sina Eunice at Niel at makalipas lang ang ilang sandali ay dumating na rin si Angelo kasama si Atty. James.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now