Chapter One • Unfair World

34 7 0
                                    

 Maxine's POV

Diniinan ko ang pagtakip ng unan sa ulo ko nang marinig ang pagputak ng alarm clock para naman kahit papaano ay mabawasan ang ingay na pumapasok sa tenga ko.

"Aaargh!"  Ungol ko dahil sa pagkainis. Napilitan akong tumayo at umalis sa malambot na kamang navy blue ang kulay ng bed sheet saka dumiretso sa wooden study table sa kanan para gawin ang mission ko sa pagpatay sa kanya! 

Mission successed. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at talukbong ng kumot.

Heaven!

Ang layo kasi ng study table na pinaglagyan ni Mama ng alarm clock eh! Para daw bumangon muna ako bago ma-turn off at sa ganoon ay magigising na. Pero nagkakamali siya, antok na antok pa rin kasi talaga ako.

Papatulog na ako nang may kumatok sa pinto mula sa labas.

"Male-late ka na Max!"  Si Kuya Hayden, boses pa lang alam ko na kung sino dahil siya lang naman ang may napakalaking boses na nakakadagdag points para raw makahakot siya ng chicks kuno.

"Oo!" Sigaw ko pero wala pa rin kilos bukod sa pagbabalot sa sarili ng kumot kong pagkabango-bango, nakakatamad lang talaga. Papatulog na ulit ako nang magulat ako dahil may kung sinong sira ulong humila ng kumot ko.

"Say cheese!" Tang-- 

Bumungad sa akin ang napakaraming flash na nanggagaling sa smartphone ng kuya kong si Jayson na parang baliw sa pagkakangisi. Agad kong hinarangan mukha ko gamit ang magkabilang kamay. Paano nakapasok 'to nang hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto?!

"Smile ka naman sa camera oh."

"ANO BA KUYA HUMANAP KA NG IBANG PEPESTEHIN MO!"

Tang juice naman oh!


~♢~


"Hi Max!" Masayang bungad sa akin ng putak-ngerang kaibigan ko sabay hawi sa mahaba at diretsong itim niyang buhok pagkapasok ko ng classroom.  Agad akong dumiretso sa upuan ko sa second row, fourth column. Hindi ko siya pinansin at yumuko na lang para umidlip. Walang paki sa mga kaklase kong nagdadaldalan at naghaharutan sa kani-kanilang mga puwesto.

"Max, oh Max~ come on! Cheer up! Ang aga-aga snoob-era ka!" Mas lumakas ang boses niya kaya nasisigurado kong tumabi sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin at nakapikit pa rin.

"Max! Isnabera mo talaga!" Tumingala ako para tingnan siya. Medyo napakunot ako ng noo nang makita siya, natatakpan ng full bangs ang kanyang mga kilay kaya nagmukha siyang Dora. Magandang Dora.

"Ikaw naman ang aga-aga, para 'kang manok. Putak nang putak" Walang buhay na bigkas ko, sumimangot naman ito. Napalingon kami sa pinto nang pumasok ang isang babaeng may malamang pisngi na bumagay naman sa katawan nitong plus size, hanggang leeg ang medyo kulot na itim na buhok. Ngumiti ito nang makita kami.

"Betty~ good morning!" Sa kanya naman nanggulo si Minerva. Umupo ito sa kanan ko habang si Minerva naman ang nasa kaliwa.

"Good morning sa inyo." Masiglang bati ni Betty pagkaupo nito.

Ang Mahiwagang Kuwintas Ni LoloDove le storie prendono vita. Scoprilo ora