Chapter 27: Kiss

167 11 3
                                    

The following days remained the same. Patuloy akong inusisa nina Jayle at Maggy kung bakit ako blooming. Hindi ko talaga ma-gets kung anong ikinablooming ko. Konti na lang iisipin ko nang baka pangit ako noon at umaaliwalas na ang mukha ko ngayon. Pero wala namang nagbago sa mukha ko kung ako ang tatanungin kaya hindi ko masyadong maintindihan kung paano ako naging blooming.

"Nakangiti ka na naman," puna ni Maggy sa'kin sabay pukol ng malisyosang tingin.

"B-bawal ba?"

"May kung ano talaga sa ngiti mo eh. Sabihin mo nga sa'kin, may ka-chat ka bang poser account ng oppa mo at naniniwala kang siya talaga ang gumagamit n'on?"

Jayle chuckled at that. Natawa na rin ako. "Never again!" Ayaw ko nang maalala iyon. I hoped so much that time. I was so gullible.

Arisa, who's smiling knowingly, joined the conversation. "Bakit ba curious kayo masyado?" Amusement was evident in her eyes when she asked that kaya mas lalong nagtaka ang dalawa.

"May alam ka ba, Ari?" akusa ni Maggy.

"Alam tungkol saan?" pagmamaang-maangan niya.

"May alam ka, noh? Bakit ganyan ka makangiti?"

"Wala, ah. Porket nakangiti, may something na?"

"Oo nga. Normal lang naman sa tao ang ngumiti. It's an expression of happiness. I'm happy because I am with you three," I told them.

"Bola!" they jibed and I laughed.

"Lagot ka talaga sa'min, Percy, kapag may nalaman kaming sekreto mo na hindi sinasabi."

"Hindi naman talaga dapat sinasabi ang sekreto, di ba?" Arisa countered mockingly na nagpasimangot lalo sa dalawa. Sa mga mata nila'y mas nag-aalab ang determinasyong malaman kung anuman ang itinatago ko. Sa ngayon, kay Arisa ko na muna ipapaalam ang sikretong iyon saka na sila kapag sigurado na ako sa status namin ni Covenant. Ayokong usisahin nila ako't hindi ko alam kung ano ang isasagot.

Nagpatuloy ang mga araw kung saan hanggang text at tawag lang ang naging komunikasyon namin ni Covenant. He kept me updated with his activities kahit hindi naman ako nanghihingi ng impormasyon. In return, i'll tell him about my day as well, but I made sure not to mention my friends' speculations about us. Nakahihiya kung ako ang mauunang ungkatin ang tungkol doon. Baka isipin niya nagpaparinig ako.

Friday afternoon, right after lunch, nakatanggap muli ako ng text mula sa kanya. I read his message while I was walking towards our room.

From: Covenant
I don't have class this afternoon. Nagyaya sina Johann na magbasketball kalaban sina Gibb. Can I meet you after we're done?

To: Covenant
Hanggang 3 pm lang ako ngayon. Uuwi ako sa bahay pagkatapos.

From: Covenant
Can I at least drive you home?

To: Covenant
Baka late kayong matapos sa paglalaro. Ayos lang naman. I have my driver to fetch me.

From: Covenant
I want to see you. :(

Nagkagat ako ng labi. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

To: Covenant
Okay, fine.

From: Covenant
Wait for me at the exit. I'll fetch you at exactly three pm. I won't be late, I promise.

To: Covenant
Sige.

Sinikap ko talagang 'wag ipahalatang nae-excite akong makita siyang muli. But deep inside, nagwawala na ang mga paru-paro sa aking tiyan.

The excitement of seeing him never left me. Patingin-tingin ako sa orasan habang nagdi-discuss ang teacher. But when you are waiting for time to pass quickly, it slows down instead. The very irony that hit me until the end of the class.

Loving PersephoneWhere stories live. Discover now