Dagli SE1: Panaginip

937 3 1
                                    

Pambihira talaga! Late na ako dahil sa bagal na usad ng traffic.

Pumasok agad ako sa aking silid-aralan at dali daling umupo.

Buti nalang nga wala pa ang aming guro at hindi ako mapapagalitan.

Napansin kong abala ang lahat sa kanilang ginagawa kaya napagdesisyunan kong tanungin ang aking katabi.

"Bakit tila abalang-abala kayo?"

"Hindi mo ba alam? Foundation day na bukas at ito ang huling araw ng paghahanda!"

Oo nga pala nakalimutan ko. Nabaling naman ang aking atensyon sa lalaking papasok ng aming classroom.  Kapansin-pansin ang kanyang suot na costume. Wala syang suot na pang-itaas maliban sa kanyang blazer.

Pero ang kataka-taka ang pagtingin at paglalakad nito papunta sa direksyon ko.

Inalis ko ang tingin sa kanya at binaling ang aking atensyon sa pagtulong sa ibang mga gawain.

Sa hindi inaasahan ay tinawag nya ang aking atensyon. Iniharap ko sa kanya ang walang emosyon kong mukha.

"Ano?" Tanging natanong sa kanya.

"Ahh...ano kasi eh. Pwedeng magpa-ayos ng gitara. S-sintunado kasi eh"

Hindi ako gumalaw at matalim syang tinignan.

"S-sige na...p-please"

Tumango lang ako at sinundan sya.
Nang makarating aa upuan nya ay kanyang tinugtog ang gitara nyang talagang sintunado.

Habang inaayos ko ito, napapasin kong nakangiti sya habang tumitingin sa akin.

Maya-maya naramdaman ko ang paghawak nya sa aking kamay dahilan ng aking paghinto ng aking ginagawa.

Napakagwapo nya talaga. Ang malalaki nyang mata ay bumabagay sa matangos nya ilong ang mapula-pula nyang labi. Inaamin kong kinikilig ako pero hindi ko iyon pinahalata.

Mas lalong bumilis ang pintig ng aking puso ng ilapit nya ang kanyang mukha sa aking mukha.

"Ang ganda mo pala...lalo na pagmalapitan."

Nakaramdam ako ng malamig na tubig sa aking katawan.

" Hoy! Ano ba?! Anong oras ka babangon ha?!"

Takte na! Naalala ko hindi nga ako nag-aaral.

Pambihira panaginip lang pala.

Penpen

Dagli SE1Where stories live. Discover now