Mumu-o ng buhay mo! Yieee!

247 2 0
                                    


"Hi Leo"

Napalingon ako ng may biglang bumati sakin.

"Hi Berenecies. Ayos ka lang ba? Mukhang maputla ka ata" tanong ko sa kanya.

"Hehe! Mumu na ko Leo. Nakakakita ka na ng mumu" malumanay na sagot ni Berenecies sakin.

"Anong mumu ka dyan? Eh kung mumu ka malamang nahimatay nako. Alam mo namang may phobia ako sa mga multo. " 

"Pero alam mo, ako mumu din!"

"Talaga! mumu ka na rin?"

"Oo, mumu. Mumu-o ng buhay mo yieee!"

"Ikaw talaga! Di ka parin nagbabago. Mag-ingat ka ah" bilin nya sakin. Kakatakot naman tong si Berenecies, kung makapagbilin parang mamamata-


"Leo! Leo! Alam mo na ba? Malamang di mo pa alam"


"Ano na naman bang chismis yan? Nag-uusap pa kami ni-"


Nagulat ako ng biglang mawala si Berenecies sa harapan ko. Saglit lang akong nalingat nawala na?


"Si, s-si B-berenecies...patay na. Nasagasaan ng truck habang papunta sa school"


"Joke ba yan? Eh kausap ko lang sya kanina eh. Di mo ba nakita?" tanong ko sa kaklase ko.


"Wala ka naman kasama ah, mag-isa ka lang sa corridor kanina eh."


'Leo, mumu nako'


Jusko, mumu nga!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dagli SE1Where stories live. Discover now