Dagli Se1: Merry X-mas Prisoners

384 2 0
                                    


Title: Merry X-mas Prisoners
Genre: Flash Fiction
Author: PenpenDeSarapen06/Miss Maeliit

"Oi pare! Ganda nyang parol natin ah! Pwede nang ibenta!" Natatawang sabi ni Ingkong. Kasamahan ko sa bilangguan. Okey naman yung parol na gawa ko. May frame na kawayan ngunit plastic cellophane ngalang ang design. Pero nagmukha pa rin syang parol. Ngumiti lang ako kay Ingkong bilang tugon sa biro nito.

"Sayang o...ngayon mo lang natapos kung kailan besperas ng pasko. Maiba nga ako, sino nga pala dadalaw sayo ngayong pasko?"

Buntong hininga lang ang naisagot ko sa tanong ni Ingkong. Pano kasi, mukhang mas madali pang anseran ang 1+1 kesa sa tanong nya.

"Lalim nun ah. May pinanghuhugutan?" Tanong ni Ingkong.

"Wala naman Ingkong." Sagot ko sa kanya at ngumiti bago pinagpatuloy amg aking pagsasalita.

"Alam mo naman Ingkong na Walang dumadalaw sakin twing pasko. Nakalimutan na yata ako ng mga kamag-anak ko." Pagpapatuloy ko saka tumawa ng pagak.

"Tska nga pala. Advance Merry X-mas mga ka-preso" sigaw ko sa kanila bago bumalik sa ginagawa kong parol.

-Penpen-

Dagli SE1Where stories live. Discover now