Appetizer

123 15 20
                                    


"Last call for main! Tatlong rib eye steak - 2 medium well, 1 medium rare for table 17." sigaw ng isang waiter.

"3 rib eye steak, 2 medium well, 1 medium rare!" ulit ni chef.

"Raffy!" sigaw niya at agad naman akong sumagot. Hindi ko kasi pwedeng iwan yung sauce na ginagawa ko kundi masusunog ito.

"Ikaw ang magluto nung steak." napanganga naman ako sa sinabi niya. Paanong ako ang paglulutuin eh saucier ako. Tsaka merong mas mataas ang posisyon sa akin dito.

"Ryan! Ikaw na magtapos ng ginagawa ni Raffy. Raffy, dito tayo sa station ko." nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa bago kinuha ni Ryan ang hawak kong sandok at tinulak ako palapit kay chef Henry.

"Sige na bes! Chance mo na ito!" bulong niya habang tinutulak ako kaya halos masubsob ako kay chef. Buti na lang at naharang ko yung kamay ko. Ang kaso lang eh, sakto naman sa matigas niyang dibdib.

Tiningnan ko muna siya ng masama bago naglakad papunta sa station ni chef Henry. Ang loka naman ay tawa ng tawa. Lagot ka sa akin mamaya.

"Ano yung order?" tanong ni chef Henry.

"Tatlong rib eye steak. 2 medium well at 1 medium rare." ulit ko sa order.

"Okay. Start now!"

Nakaprepare na sa harapan ko lahat ng kailangan ko. Buti na lang na nakahiwa na lahat ng mga gulay.

Kinuha ko ang cast iron pan at pinainit muna ito. While waiting, I seasoned the steak with salt and pepper. Best ang cut ng steak na ito with salt and pepper lang dahil sobrang lambot nito.

Nang masiguro kong sobrang init na ng kawali, saka ko sinalang ang unang steak. Medium well. Ibig sabihin thorough cooking, wala na masyadong pink sa loob. To achieve this, 4-5 minutes sa pan sa isang side para magkaroon ng crust.

Nakatuon lang ang buong atensyon ko sa steak for 5 minutes. Pagkatapos ay binaligtad ko ito. I smiled seeing the perfect crust I created.

Agad kong nilagyan ng isang slice ng butter, 2 crush cloves of garlic and a sprig of thyme. Then, I basted the steak with butter. I slightly tilted the pan and used the butter para paliguan ang buong steak. This ensure the steak to be juicy.

Tinanggal ko yung thyme at garlic pagkatapos ay pinasok ko ito sa oven. Medium well is 7-8 minutes kaya may time pa ako para iprepare ang sides.

Agad akong kumuha ng separate pan at nilagyan ito ng olive oil at butter. Since nakaprepare na ang mga gulay, at is-saute ko na lang ito.

Mabilisan ang dapat na kilos dito dahil hindi ako pwedeng magkamali sa pagluluto nito. I want to move up. I want to cook mains as well. Hindi sa sinasabi kong boring ang gumawa ng sauce ah! I take pride in my sauces. Para sa akin, ito ang nagcocombine sa main at sa sides. Isa din ito sa nag-eenhance ng lasa ng mains. Pero syempre, gusto ko din maging chef one day.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang tumunog ang timer. It's time to remove the steak sa oven. Agad ko itong tinanggal sa pan at inilagay muna sa isang plato. It needs to rest for 5 minutes para bumalik yung mga natural juice niya sa laman at hindi maging dry paghiniwa.

I repeated the same steps for the other steaks. Except sa last na medium rare. I only have to cook the steak for a total of 10 minutes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hungry Hearts | KN FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon