Chapter 10

9.5K 233 7
                                    

"'YAN! 'YAN ang sinasabi ko sa 'yo. 'Yan ang tamang bihis!" sabi ni Carlo. "Pero teka, bakit nandito ka pa?"

Alas-sais na ng gabi.

"Nagpapahintay si Sir Wayne. May gagawin kami." Ngumiti si Betsy.

"Hoy, ha, mag-iingat ka. Baka mamaya, ma-in love ka kay Wayne. Brod ko 'yon at dapat kong kampihan, pero naaawa ako sa iyo. Isa lang ang gusto n'on sa babae. Yun lang," makahulugan nitong sabi.

"Anong 'yon?"

"Ang gusto lang niyang ma-satisfy, 'yong biological needs. 'Yong emotional at iba pang needs, wala n'on ang brod ko. Umamin ka na ba?"

Tumango siya. "Kaya nga nandito pa ako, eh. May kondisyon siyang hiningi para mapatawad ako."

Nanlaki ang mga mata nito. "At pumayag ka naman? Luka-luka!"

"Gusto ko, eh."

"Akala ko pa naman, matino kang babae—"

"Matino naman ako, eh. Ang ibig kong sabihing gusto ko ay ang magpanggap na misis niya."

Nangunot naman ang noo ni Carlo. "Magpanggap? Explain."

Ipinaliwanag ni Betsy ang kasunduan nila ni Wayne. Hindi makapaniwala si Carlo, pero wala naman itong choice kundi ang maniwala.

"Kukunin namin 'yong mga gamit ko sa boardinghouse. Sa apartment muna ako titira bilang wife niya."

"Bakit hindi na lang sabihin ni Wayne sa mama niya ang totoo?"

"Kasi nga, ayaw maniwala ng mama niya at napasubo pa roon sa papa n'ong babae na inakala nitong fiancée niya."

"Naguguluhan ako sa brod kong 'yon," amin nito.

"Ako rin. Bakit ayaw niyang magmahal?"

"Ayaw ba niya?"

"O-oo." Nagkibit-balikat siya. Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Carlo na kay Alyssa niya narinig iyon. "Baka nabigo siya sa pag-ibig, ayaw nang maulit."

Kunot ang noo habang naiiling si Carlo. "Ewan ko ba. Wala naman akong alam sa taong 'yan, eh. Matagal ko kasing hindi nakita. Nagulat nga ako nang makita ko rito, um-attend ng meeting at naglabas ng malaking pera para hindi na gaanong malaki ang utangin namin sa bangko at mabili namin 'yong katabi nitong lupa.

"Sabi ni Dick—you haven't met him—nabanggit daw niya kay Wayne isang beses ang tungkol sa balak nilang pagsosyo kina Vince dito sa farm, interesado raw agad si Wayne kaya pina-attend niya ng meeting. Pero hindi ko masyadong nakakausap ang taong 'yon. Parang ayaw naman ng kausap, eh."

"Kasi nga, broken-hearted siguro."

"Kaya nga mag-ingat ka. Baka kung saan mapunta ang pagpanggap-panggap mong 'yan. Magmahal ka na sa pangit, 'wag lang sa lalaking hindi nagsasalita."

"'Wag kang mag-alala, kaya ko 'to." Hindi niya masabi nang tahasan na hindi siya mai-in love kay Wayne dahil tinututulan iyon ng damdamin niya. Crush niya si Wayne, hindi lang dahil mukha itong diyos ng pag-ibig, kundi dahil sa misteryoso ito. He was like a puzzle; mahirap lutasin, pero challenging.

Mayamaya naman, sumungaw ang ulo ni Wayne sa pinto. "Let's go, Betsy," sabi nito.

"Brod, seryoso ka ba?" tanong ni Carlo. "Sigurado ka na itong babaeng ito ang gusto mong maging asawa?"

"She looks good enough," sabi nito.

Tinipon ni Betsy ang gamit niya. "Carlo, mauuna na kami sa iyo. Paki-lock na lang itong office."

"Okay. Ingat."

DUMAAN sila ni Wayne sa boardinghouse na tinutuluyan niya para hakutin ang kanyang mga gamit. Panay ang tanong sa kanya ng landlady niya pero hindi naman niya ito masagot nang diretso.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nag-asawa ka na pala?" tanong nito kay Betsy.

Nasa labas sila ng bahay, inilalagay ni Wayne sa likod ng RAV 4 ang mga bag niya.

Ang lalaki ang nagsalita. "Mag-asawa ho talaga kami. Nag-away lang kami at pinagtaguan ako. Kanina ko lang siya nahanap. Iuuwi ko na ho."

Napangiti siya at kinilig kahit alam niyang hindi naman iyon totoo.

"Kaya pala kakaiba ang hitsura nitong si Betsy nang dumating dine."

"Salamat ho sa pagpapatira n'yo rito sa misis ko," wika pa ni Wayne.

"Walang anuman, hijo."

Bud Brothers Series Book 2: My Golly, Wow Betsy! (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon