Chapter 21

17.3K 442 43
                                    

NAG-AALALA na si Betsy. Gusto na niyang pagsisihan ang ginawang pang-aaway kay Wayne dahil kagabi pa hindi umuuwi ang lalaki. Ni hindi ito tumatawag, inabandona na yata siya.

Kahit anong tawag ang gawin niya, hindi niya ito ma-contact dahil naka-off ang cellphone nito. Tinawagan na niya lahat ng miyembro ng Bud Brothers. Wala sa mga ito ang nakakaalam kung nasaan si Wayne. Inalam na rin niya ang numero ng firm nito sa Ortigas, wala ring nakatulong sa kanya roon.

She was becoming desperate. Baka sa sobrang sama ng loob nito sa kanya ay naglasing pagkatapos ay naaksidente. Baka naman na-holdup.

Sumulyap siya sa wall clock. Pasado alas-nuwebe na ng gabi.

"Nasaan ka, Wayne? Utang-na-loob, tawagan mo ako." She was pacing back and forth. Habang-buhay siyang magdadalamhati kung may nangyari ngang masama rito.

Nangako siya sa sarili na bumalik lang si Wayne na walang galos ang katawan at buung-buo, hindi na niya ito aawayin. Hindi na niya uungkatin dito si Cathy kahit kailan. Gagawin na lang niya ang gusto nito. She would just learn to enjoy his company and not ask for anything else.

That was when she heard the sound of a car engine. Mabilis niyang binuksan ang pinto. Kabababa lang ni Wayne sa sasakyan at binubuksan ang gate.

He looked huge and imposing as ever. Walang bakas na may nangyaring hindi maganda rito. Lumipad ang pangako niya sa sari­li. She felt like a parent who had just learned her child wasn't in danger pagkatapos siyang takasan at maglakwatsa kung saan.

Nagmartsa siya palapit sa gate. "Saan ka nanggaling lalaki ka? Magdamag at maghapon akong nag-alala sa iyo, kahit kapirasong tawag wala akong natanggap—"

"Easy," awat ni Wayne na nabuksan na ang gate at inakbayan siya. "I just needed time to be alone. Sinusubukan ko lang sa sarili ko kung kaya ko pa—"

Napatda sila pareho dahil may isang van na huminto sa labas ng gate. Iniluwa niyon si Carlo, pagkatapos ay si Dick, kasunod ng mga iyon ay ang mistulang manyikang si Alyssa.

Nakita agad nito na nakaakbay sa kanya si Wayne. "Betsy!" sigaw nito. Her eyes were mad—mad as in insane.

"Ma'am..." anas niya.

Nakapasok na sa gate si Alyssa. "Ano'ng ibig sabihin nito, Betsy? I trusted you!"

"Paano nakarating dito ito?" tanong naman ni Wayne sa dala­wang lalaki.

"Nagpunta sa farm, nagpasama rito. Ano ba'ng problema?" tanong ni Dick.

"Ma'am magpapaliwanag ako," wika naman niya kay Alyssa.

"Are you his wife, Betsy?" tanong nito, nagbabaga ang mga mata.

Bago pa siya makasagot ay nagsalita si Wayne. "She is my wife. Go home, Alyssa."

Pagkarinig niyon ay sinugod na siya ni Alyssa, akmang dadaklutin ang buhok niya; ngunit maagap si Wayne, nasalo ang kamay ni Alyssa. "Don't you dare, lady!" sigaw nito. "Huwag mong kakantiin si Betsy, ako ang makakalaban mo. Go home!"

Hindi naman nanlaban si Alyssa, sa halip ay biglang umiyak. "How could you do this to me, Betsy? I trusted you. You're the only friend that I have. Why do you have to hurt me, too?"

Wala siyang maisagot. She was guilty. At nasasaktan din siya sa nakikita rito. Mahal pa rin niya ito at gusto niyang matu­lungan.

"Umuwi ka na, Alyssa," wika ni Wayne sa mahinahon na ring tinig, tila naawa rin dito.

Bud Brothers Series Book 2: My Golly, Wow Betsy! (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon