tagalog- titibo-tibo (inspired)

2K 37 6
                                    

Poetry inspired by titibo-tibo ❤❤

Ako'y isang babae
Na palaging sinasantabi
Tinatawag na bibinibini
Pero gustong maging lalake

Para di masaktan
Umaaktong palaban
Pero sarili ko'y kalaban
At palaging talo sa laban

Ako'y may nagustuhan
Pero ako'y nasusugatan
Sa tuwing siya'y sunggaban
Ng kanyang kasintahan

Ako'y umaaktong siga
Na walang pake sa balita
Pero sayong balita ay mahalaga
Lalo na pag ito'y masama

Ako'y laging sinasawalang bahala
Na umaasa sa maling akala
Ngunit ako'y nagkasala
Ito'y mahalin ka na lalong lumalala

Pagod na ako!
Ngayon ako'y magbabago
Ilalabas ang tinatagong anyo
Magiging babae ang isip ginoo

Ngayo'y katulad na niya ako
Gusto mo ba ang aking pagbabago?
Ako'y magiging matatag sa harap mo,
Pero ang sakit ay itatago.

I am a self proclaimed poetry writer. 😂

You can leave topics or suggestions on the comment section and I am willing to make poems for you ^^
Also comment if you want your poetry english or tagalog. Thank you

ENGLISH-TAGALOG POETRYWhere stories live. Discover now