tagalog-love

1.5K 23 0
                                    

Ako'y sobrang saya
Dahil minahal kita
Ngunit ika'y nakita
Na may kasamang iba

Anong meron siya?
Ang seksing katawan niya ba?
Palibhasa ako'y mataba
Na sabi mo ay nakakasawa

Sinuyo kita,
Nagbabasakaling babalik ka,
Pero ako'y nabalisa
Ng sabihin mong :"ayaw na kitang makita"

Lumipas ang ilang buwan
Ika'y pinabayaan
Ika'y aking kinalimutan
At di nako umiyak ng ulan

Ngunit ako'y nabigla
Nung ika'y biglang nagpakita
At ikaw ay sobrang balisa
"Sinta,bumalik ka" ang iyong wika

Tama na!
Ako'y sumusuko na
Pagkat ako'y nakalimot na
Kaya kung pwede? Tama na!

When boredom strikes! Hahahah^^

ENGLISH-TAGALOG POETRYWhere stories live. Discover now