Chapter 4: Subtleties

37.3K 266 2
                                    

Chapter 4: Subtleties

Yuwan

She stopped kissing me and we parted before we locked gazes. I almost hit myself as soon as I laid my eyes on this woman entirely. Her hair in disarray over a round pillow, her lipstick smudged with too much kissing, her cheeks flushed, and her pretty mouth delicately parted. My breathing hitched and I had to close my eyes to suppress my awe.

She cocked her head and beautifully blinked her lashes at me. Bakit ang ganda ng babaeng 'to? Napaka-unfair sa ibang babaeng nakilala ko.

"I'll strip tease." She gently pushed me to sit down and hurriedly sat astride my lap before she placed her hands on my shoulders. I tensed up a little at the immediate contact. Napalunok din ako dahil sobrang lapit niya.

This woman is driving me insane with her crazy antics.

Dazed, umupo ako nang maayos para mas komportable siya at tinignan ang bawat galaw niya. Dahan-dahan niyang inangat ang puti niyang pang-itaas. I saw her black brassiere and I suddenly grew conscious for an unknown reason. I covered my eyes with both of my hands as I stoop my head down, feeling my whole body shake.

"A-ano bang g-ginagawa mo? T-tigilan mo 'yan!" I panicked. Hindi ako sanay na may nakikitang babaeng naghuhubad sa harapan ko. It's very awkward and disquieting for me.

"Hoy! Bakit mo ba tinatakpan mga mata mo d'yan? Kasama 'to sa kailangan mong matutunan, ano ka ba?" Nakatakip pa rin ang mga mata ko. Niyuyugyog naman niya ang balikat ko at tinatapik ang mga kamay ko. Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri ko para makita kung nakahubad pa ba siya o ano. And I've never been so thankful nang makita ko na nakasuot pa rin 'yung shirt niya sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag bago ko inalis ang mga kamay ko sa mata ko.

"P-pasensya na. H-hindi kasi ako s-sanay na–"

"Alam ko, alam ko. Sorry kung nabigla kita. Na-excite lang talaga ako." She bit her lower lip as she blushed.

Hindi ako sumagot. Hindi rin siya umimik. Walang nagsalita sa amin. Binalot kami ng katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Nahihiya akong magsalita. Nahihiya ako sa kanya. Nagpapakahirap siyang tulungan ako tapos 'di naman ako nakikipag-cooperate nang maayos. I'm such a spineless dork.

"Yuwan," Nilingon ko siya at nakita ko na nakayuko siya at kasalukuyan pa ring nakaupo sa mga hita ko.

"B-bakit?"

"Mahal na mahal mo ba talaga 'yung ex mo? Gusto mo ba talagang gawin natin 'tong setup natin o napilitan ka lang?"

Nablangko ang utak ko sa sinabi niya. Bakit nga ba ako pumayag? Bakit ko hinayaang mangyari 'to? Mali ba ang ginawa ko? 'Di ba nga ginagawa namin 'to para makaganti kay Railee? Para ipamukha sa kanya ang naging kawalan niya? Mali ba 'yun? Na kahit minsan manlang, siya naman 'yung masaktan? Mali ba na gawin ko 'to para naman kahit papaano, makalimutan ko siya?

Mahal ko siya. Mahal na mahal. But I'm in too much anguish to think even think about it.

"Minahal ko si Railee. Gusto ko na gawin natin 'to. Hindi ako napipilitan o anuman. Ginusto ko 'to para makalimutan ko s'ya. Ayokong magpakalugmok nang kakaisip sa taong sa una pa lang ay 'di naman pala talaga ako totoong gusto."

Tumingin ako sa kanya at nagtaka ako nang magulat siya. Napa-atras siya ng kaunti at tinitigan ako na parang may ginawa akong kakaiba sa paningin niya.

"Yu-Yuwan..."

"B-bakit?"

"Hindi ka. . .nautal nang magsalita ka. . ." She trailed off and I noticed her dilated pupils for her eyes were widened with astonishment.

Risqué Interchange (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon