Chapter 5: Meridian

41K 336 12
                                    



Chapter 5: Meridians

Erin


"Para kang timang d'yan. Umayos ka nga, Del Valle!" Mahina ko siyang hinampas sa balikat niya pero wala pa rin. Nanginginig pa rin siya sa kaba. Parang anumang oras, mahihimatay at bubulagta na lang siya sa sahig, e.

 "E-eh kasi naman. . ." Patuloy pa rin sa pagnginig ang mga shopping bags. Akala mo naman sinunggaban siya. Ano ba 'tong may sayad na 'to. 

"Diretso muna tayo sa office tapos sa unit ko, okay?" Tumango lang siya na parang wala siya sa sarili. Jusko. Nagmadali pa akong maglakad at nang nasa harap na kami ng kotse niya, I stretched my hand to him.

"Give me the car keys. Ako na ang magd-drive. Mamaya mabangga pa tayo n'yan nang dahil sa'yo, e," I said roughly and rolled my eyes. Kanina pa ako nafu-frustrate sa lalaking 'to.

Binaba niya muna ang ilang shopping bags na nasa kanang kamay niya. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang susi ng kotse at ibinigay ito sa akin. Pumasok na siya sa front seat at inilagay ang mga shopping bags sa backseat. Sinara ko na ang pinto pagkasakay ko sa driver's seat at pinihit ang susi pagkasaksak ko rito.

Sumisilip pa rin ako sa kanya at patuloy pa rin niyang ginagawa ang mannerism niya 'pag sobra-sobra ang kaba niya. Hindi pa rin niya itinitigil na kagat-kagatin ng madiin ang ibabang parte ng kanyang labi at pagkalikot sa sarili niyang mga daliri. Sobrang pula na ng labi niya sa kakakagat niya rito. I stopped the engine, I made him face me as I cupped his face and thoroughly kissed him on his lips.

Dahan-dahan siyang huminahon at nararamdaman kong unti-unti nang nawawala ang panginginig niya.

Sa lahat ba ng ganitong circumstances, kiss lang ang katapat ng taong 'to? Edi sana kanina ko pa siya hinalikan para hindi siya nagmukhang tanga.

"Okay ka na?" I annoyingly asked as I pulled myself. 

"O-oo. A-alis na tayo."

 Pero hindi niya ako tinignan.

I started the engine and controlled the steering wheel. Napapa-isip tuloy ako. Sobrang laki pa rin ng epekto niya kay Yuwan. Well, kung sabagay, hindi naman talaga ganun kadaling mag-move on. I wonder, 'pag hinahalikan niya ba ko, iniisip niya bang ako 'yung ex niya?
 
That's not impossible.

"Y-yung nangyari k-kanina. . ."

"Shut up. I'm thinking."

Tumahimik naman siya. Naiinis ako, e. Hindi ko alam kung bakit. I stepped on it as our acceleration increased. I tried to peek at him. He was staring outside the window. I looked at the time. It's 1 in the afternoon. I hope Drew would let me skip out 'till later. Mago-overtime na lang ako bukas. Good thing walang kailangang i-rush na report ngayon at halos lahat ng deadline four days from now pa.

"S-sorry sa nangyari. . ." I saw in my peripheral vision na tinignan niya ako. I deeply sighed.

"This is not the right time para makita ka niya sa ganitong state. Hindi pa ngayon ang tamang oras. Sorry. I know that–"

"Erin, thank you," Nagulat ako pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. I just locked my eyes on the road. My expression soften hanggang sa unti-unti, binabagalan ko na ang pagd-drive.
 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kanina, kung bakit iyon ang nasabi ko sa ex niya. Hindi ako nakapag-isip agad. It just came out from my tactless potty mouth. I just said those words without any hesitations. Pero mabuti na lang hindi siya nakahalata. When she called his name, nagpantig ang tenga ko at sinabing nagkakamali siya ng taong tinawag. Sinabi niya na akala niya si Yuwan 'yung ex niya, but I confirmed na hindi. She uttered her apologies for she knew she was mistaken. Sinabi pa niya na, "Yeah. Hindi nga siya 'yan. Hindi ganyan ang pananamit niya. Baduy kasi 'yung abnormal na 'yon. I'm really mistaken. Sorry, Miss."

Risqué Interchange (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon