Prologue (Edited)

2.4K 22 0
                                    

Ang buhay natin ay parang isang libro. Oo, libro. Bakit libro? Dahil puno ito ng story dahil may mga bagay na hindi natin ine-expect na dumating. Mga taong hindi natin ine-expect na mamahalin ka pabalik. Ang masakit ay iiwan ka din.

May mga tao talagang hindi para sa isa't isa, ang masakit pa ay pinagtagpo pa sila.

May mga bagay na kailangan nating tanggapin lalo na ang UMASA. May mga taong PAASA pagkatapos kang pakiligin ayun mauuwi din sa wala

Natauha nalang ako nang bigla ako batukan ni Elora sabay sigaw sa tenga ko "Hoy skye! Ano? Tutunganga ka nalanv diyan?!" nyetaaaa nagulat ako dun ah?

"Sorry naman po, may naalala lang ako" sabay kuha na ng mga papers ko. Nandito nga pala kami ngayon sa isang napakagandang school malaki siya at halata namang puro mayayaman tao dito. Mag e-enroll kami ngayon 1st year high school.

"Skye, pila na tayo dun para makapag pa I.D. picture na tayo" sumunod nalang ako sa sinabi niya kaya ayun nakapila na kami dito, konti lang naman ang mga kasama naming naka pila e siguro panlima na ako. Ako kasi pinauna nila dalawahan naman kada mag tetake ng picture e.

*First day of school*

Hindi ko kasabay sila Elora ngayon dahil nga mabagal akong kumilos nauna na ata sila saakin.
Nandito na kami ni kuya sa parking lot sa tapat ng school. Nakita ko na din ang mga kaibigan ko na kanina pa nag hihintay saakin. Sinalubong nila ako ng yakap sabay nakipag beso-beso din sila sakin. Humarap ako kay kuya na nasa likod ko

"Hmm. Kuya sige na puntahan mo na mga kaibigan mo sigurado akong kanina kapa hinihintay nung mga yun" sabi ko kay kuya sabay gulo niya ng buhok ko

"Sige na. Alis nako sabay tayo uuwi ha?"

"Sige po kuya." sabi ko at umalis na din si kuya. Niyaya nako ng mga kaibigan ko upang hanapin ang room namin.

-

Nahiwalay ako kila Elora ngayon dahil may bibilhin daw sila. Habang hinahanap ko yung mga kaibigan kong sila Elora ay naisipan ko munang mag libot libot sa school na 'to. Malaki din naman pala siya. Habang naglalakad ako ay may nakabanggaan akong lalake

"Ay! Sorry po!" sabi ko nung tinignan ko siya shet! Ang guwapo! Mabait ba? Tsk! -____-

"Minsan kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" sigaw niya saakin sinamaan ko siya ng tingin

"AKO NA NGA 'TONG NAGSO-SORRY! IKAW PA GALIT? KALA MO NAMAN NAPAKA GUWAPO MO! TSE!" sabi ko sabay alis. Uhm, guwapo naman siya kaso ANG YABANG! crush ko pa naman na siya! Huhuhubells ang sama naman nung lalaking yun! Habang naglalakad ako ay nakita ko na sila Elora tumatakbo papunta saakin

"SKYYYYYYYYYYYYE!" sigaw ni Priscilla saakin habang tumatakbo, pagkarating nila saakin ay hingal na hingal sila

"Whoooh! Kanina ka pa namin hinahanap! Hay! Kapagod! San kaba kasi nag pupupunta? Ha?!" - Elora

"Mag pahinga nga muna kayo! Hingal na hingal pa kayo e! Hahahahaha. Tsaka habang wala pa kasi kayo nagikot-ikot muna ako tapos yun may nakabanggaan akong lalake guwapo nga ang sama naman ng ugali! Huhuh. Crush ko pa naman na siya!" sabi ko sakanila kaya naglakad na kami papuntang classroom namin

Nag tungo kami sa bulletin board ng school at dun namin nakita ang room number at section namin pati nadin schedule namin. So mag kakaklase pala kami sa tatlong subject

"YEEES!" sabi naman ni naman ni elora. Napatingin naman kami sakanya

"Bakit?" tanong naman ni twyla kay elora

"Biruin niyo yun mag kakakaklase tayo sa tatlong subject" sabi ni elora kaya naman napakunot noo nalang si twyla. Mayamaya pa ay tumunog na ang bell kaya naman ay pumasok na kami

Campus Officers (On Going)Where stories live. Discover now