Phoexe
🌑🌑🌑
"Estudyante, basag ang bungo. Duguan ang ulo ng isang estudyanteng babae sa unang araw ng klase sa kolehiyo ng unibersidad-"
"Mga magulang, nagaalala."
"-Ang ilang mga estudyanteng nakasaksi nito ay nagkaroon ng maliliit na trauma dahil dito ay may pansamantalang suspendido sa naturang paaralan."
"Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng nangyari sa estudyante."
"-'Punong-puno po ng. . . dugo 'yung room. Nakita ko na po 'yung utak nung babae-"
Pinatay ko na ang T.V. dahil sa paulit-ulit na lang ang mga balita. Idinissmiss lahat ng klase noong mga oras na yon. Dumadami na ang mga tao kaya hindi ako nahirapang makaalis doon. Hindi naman ako kaduda-duda, dahil kasama ako sa mga taong nagtakbuhan palabas ng makita ang nangyare. Nakabalik ako sa unit ko ng ligtas at tahimik.
Ang akala ko, sa mga oras na ito, may kakatok na sa unit ko at imimbitahin ako sa presinto. Iniisip ko pa lang kung anong idadahilan ko kung bakit natrace ang fingerprints ko sa crime scene, o mga posibleng itatanong nila sa akin. And what worst, they will look for my sketch.
Hindi ko planong ipakita sa kanila 'yon, pero paano kung mangyari? Paano kung ipakulong ako at hatulan ng kamatayan? I can't imagine myself in my own death.
But I can feel that behind these mystery about my envolvement in every crime, there's one man who'll discover the truth.
K
umagat ako ng mansanas na nasa lamesa. Atsaka ko tinignan ang inisketch ko sa sketch book ko. Parang maliliit na piece of puzzle ang ulo nitong wasak. At halos makita ko na rin ang utak nito. Ilang segundo ko iyong tinitigan habang ngumunguya.
Kakagatin ko na sana ang mansanas na hawak ko sa pangalawang pagkakataon pero naramdamdaman ko na lang na tumulo na ang luha ko.
Nanginginig ang kamay kong pinunasan iyon. Napaupo ako sa upuan atsaka humagulgol.
Pinatay ko ba sya? Ako ba ang dahilan kung bakit sya namatay? Kung pinigilan ko ba sya, o iniwasan. Buhay pa kaya sya ngayon? Kung hindi ko ba pinakita ang ginagawa ko, hindi sana ako umiiyak? Ilang tao na ba ang namatay dahil wala akong ginawa kungdi idrawing ang katawan nilang patay? Ilang tao na ba ang umiyak dahil sa nawalan sila ng minamahal sa buhay? Ilang tao na ba ang pinahirapan ko?
"Kasalanan ko ba lahat?"
***
Nagising ako ng makarinig ako ng dalawang katok sa unit ko. Nakatulog pala ako sa sofa habang umiiyak at sinisi ang sarili. Madilim na rin sa labas at tanging liwanag lang ng buwan na nangagaling sa bintana ang nagsisilbing liwanag sa kwarto ko.
Pinunasan ko muna ang tuyong luha sa mata't pisngi ko bago tinignan ang pinto. Wala kasing kahit anong divider ang unit na ito, kaya pagbukas mo ng pinto, kita na agad ang laman ng kwarto mo.
Hindi ako sumagot dahil baka yung may-ari nanaman ng bahay ang kumakatok. Mahirap na, masyadong madaldal iyon. Kung ano-anong sinasabi, nagkwekwento pa nga ito ng kung ano-ano bago sabihin ang sadya nya kung bakit sya nakikipagusap. Nakakairita kaya.
Kitang-kita ko ang anino ng paa nito sa pagitan ng pinto at frame nito. Nakapagtaka lang dahil masyadong kalmado ang aninong taong 'yon. Kung yung may-ari ngbahay ang kumakatok, nagssway pa ito at magalaw. Sino ang kumakatok?
Lalapit na sana ako sa pinto ng makita kong may lumabas na envelope sa makipot na uwang ng pinto. It's a letter.
That's odd, if it is the mail deliverer. It should be in th main gate of this apartment, how could he/she entered the house without the permission of the guard. Kung magbibigay lang ng letter ito dapat binigay nya n lang sa guard.
Bigla akong kinabahan sa naisip ko kaya kinuha ko ang payong sa tabi ng pinto. Dahan-dahan ko ring nilock ang pinto. Kung sakaling sirain man nya ang pinto at makapasok, ihahampa ko sa kanya ang payong na hawak ko. Hinanda ko na ang payong na hawak ko at naging alerto sa bawat oras ngayon.
Ilang segundo akong naghintay bago mawala ang anino nito sa pinto. Nakahinga ako ng maluwag doon kaya binaba ko na ang payong na hawak ko. Baka naprapraning lang talaga ako. Baka naman yung guard lang 'yon. Ang tanga ko talaga, epekto siguro 'to ng kakaiyak ko. Kaya't lumuwang ang turnilyo ng utak ko. Tsk!
Kinuha ko na rin ang puting envelope sa sahig. Sinigurado ko munang para sa akin talaga ang sulat na 'to.
To: Phoexe Dwight Eren
From: Epiales"Epiales?" parang familiar sa akin ang pangalan na 'yon. Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig. Pero sigurado akong para sa akin ang letter na ito.
Binuksan ko na ang envelope at may nakita akong nakatuping yellow paper doon at isang picture. Hindi ko alam kung bakit ko unang tinignan ang picture.
Pero kinilabutan ako ng makita ko ang babaeng basag ang bungo na nakasandal sa pader, halos maligo sa sarili nitong dugo. Lahat ng balahibo ko ay nagtayuan ng makita ko ang picture. Parehas na parehas ang angulo ng pagkukuha sa pic at sa angulo ng inisketch ko kaganina.
"what the hell..."
I immediately unfolded the yellow paper and silently read its content.
Dear Dwight,
I am pretty sure that you already saw the picture that I gave to you. I am so amazed how you sketch that horrifying disgustingly scene on your sketch book. Isn't pretty? You know what, I am so dirty that time. I badly need to clean myself and Im sure that I didn't leave a trace in the crime. You should thank me, because I saved you this time. If I leave a trace there, you'll be in jail right now. Why? Because of that sketch book of yours. Kapag nakita ng mga pulis 'yon, iisipin nilang plinano mo. Hindi ba ang galing ko? That's a coincidence. Hindi ko naman talaga gustong patayin 'yon, kaso ikaw eh. Pinakita mo 'yung drawing mo. Masyado syang maganda para makita ng iba. Atsaka pwede ba Dwight? Ingatan mo nga yang drawing mo. Pinapahamak mo 'ko. Mag-ingat ka.
"She was killed by Epiales?"
🌑🌑🌑
BINABASA MO ANG
[1] Shades Of Black
FantasyLEAD #1 Have you ever had a dream ended up happening in real life? Or maybe the feeling of waking up and realizing it happened before, a deja vu. Was it just a simple scene? Are you anticipating to feel it again and to know everything about it? But...