Chapter 6 ♥ Condition

30K 409 23
                                    

*School*

Nandito kami ngayon sa room nag-uusap usap kami ng mga kaklase ko kasi may Sports Fest daw bukas dito sa school kami kasing Class A yung naka-assign sa decoration no'ng stage.

"Dapat lagyan natin ng flowers 'yong baba tapos 'yung pinaka background no'ng stage 'yung mga picture ng different kinds of sports tapos sa gitna no'n may nakasulat na 'Sports Fest'." suggest ko. Ako yung president dito sa room namin at kapag president ka minsan ikaw talaga pinagde-desisyon nila.

"Oo nga lagyan natin ng picture ni Elize na tulo laway." sabi ni Thunder/Bebong namumuro na talaga sya ha.

"Hahahaha." nagtawanan 'yung iba naming classmates.

Hinila ko si Thunder palabas ng room dahil sobrang naba-badtrip na 'ko sakanya.

"Hoy! Thunder A.K.A Bebong the Bullylord. Anong pinagsasabi mo dyan nakakainis ka na namumuro ka na sabi mo hindi mo ipagkakalat!" sigaw ko sakanya nandito kami ngayon sa may bandang likod ng school walang masyadong nakakarinig samin dito.

"Hindi ko naman pinakita yung picture mo ah. 'Wag kang O.A. dyan sabi ko lang naman 'Picture ni Elize na tulo laway' " sabi nya. Nakakainis talaga siya sobrang pinapainit n'ya ulo ko.

"Kahit na basta ayoko ng nagsasalita ka tungkol sa picture na 'yon." sabi ko nang medyo naiinis na.

"Oo na basta sa isang kondisyon." sabi nya.
ano naman kayang kondisyon 'yon.Oo na nga lang ako kesa naman kumalat yung picture ko.

"Ano namang kondisyon 'yon?" tanong ko.

"Gusto ko panoorin mo yung laro namin ng tennis bukas at tawagin mo kong 'bebs' at dapat sa tuwing lalabas tayo ng room at pati narin sa labas ng school dapat holding hands tayo lagi."

"Ah yun lang pa–Ano?! Tawagin kang 'Bebs' at makipagholding hands sayo? No way! Over my dead hot sexy body hinding hindi kita tatawaging 'Bebs' at makikipagholding hands sayo no!" sigaw ko sakanya. Yung manonood ng laro nya bukas pwede pa e, pero yung Argghh No way!

"Okay ayaw mo pala e. Sige madali lang naman akong kausap e *evil smile*." sabi nya sabay naglakad na sya palayo.

"Wait, teka lang!" hinabol ko sya.

"Oh ano payag ka na?" tanong nya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko papayag nga ba ako?

Hindi ko alam kung anong isasagot ko bahala na nga.

"Bigyan mo ko kahit hanggang 9pm lang please? Pwede?" sabi ko

"Sige pagbibigyan kita dapat saktong 9pm ha pag lumagpas 9pm alam mo na *evil smile*."

"Tsk. Oo na." kailangan kong mag isip mabuti mamaya.

"Akin na yang phone mo." Huh? bakit naman kaya nya kinukuha phone ko?

My Bullylord Boyfriend (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon