Chapter 10 ♥ Stress

26.1K 335 4
                                    

"Kyaaaa!" mahina lang yung pagkakasigaw ko parang bulong lang walang boses medyo kinabahan kasi ako e may nakita akong nakaputi sa tabi ko nakapatay pa naman lahat ng ilaw sisigaw na sana uli ako ng takpan nya yung bibig ko at dinala nya ko sa kwarto ni Thunder? Walang nakapansin samin kasi lahat sila nakafocus sa pinapanood nila at yung katabi ko namang si Rain kanina ay nakatulog na.

Sino ba 'to? At dinala pa ko sa kwarto ng Thunder na yon.Hindi ko kasi sya makilala nakatakip ng mask yung bibig nya.

Binuksan nya yung ilaw dito sa kwarto at tinangggal nya yung mask nya, bumungad sakin yung muka ni...

"Thunder?!"

"Ano ba bebs makasigaw ka naman sakit sa eardrums buti nalang sound proof 'tong kwarto ko."

"Ewan ko sayo! Bakit mo ba ko dinala dito at nag ala kidnaper ka pa hah?!"

"Wala lang gusto lang kasi kitang makausap" biglang sumeryoso muka nya. My golly! Bakit ba pag lagi silang may sasabihin sakin laging sumeseryoso muka nila?

"At tungkol saan naman yon aber?!"

"Tungkol satin"

"Huh? Anong tungkol satin? na lagi mo kong binubully? Kanina alam kong ikaw ang may kasalanan non, Nakakarami ka na! Alam mo bang ikaw Ang pinakakainisan ko sa buong buhay ko?Psh Ewan ko sayo! Alam kong hindi mo naman talaga ako kakausapin kasi ang totoo pagtitripan mo na naman ako no? Bahala ka sa buhay mo! Ikaskas mo sa pader yang ulo mo para matauhan ka sa mga ginagawa mo sakin!"

Hindi sya nakapagsalita dahil lumabas na ko sa kwartong 'yon. Alam kong pagtitripan nya lang ako alam ko na style nya kunwari seryoso pero ang totoo mantitrip na naman yon.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga na ko don bigla kasing sumakit ulo ko . Ewan ko ba basta nalang nasakit .

Biglang tumunog phone ko. Hindi ko na tinignan kung sino at sinagot na yon agad.

"Hello?" bungad ko.

[Bespren!] ay si bespren pala to.

"Oh hello bespren . Ano kamusta?"

[Okay lang naman . Ikaw ba?]

"Hay nako bespren hindi okay. Pano ba naman kasi yung si Thunder kasama ko pala sya dito sa Resort anak pala sya ni tita alam mo ba sobrang sakit nya sa ulo nakakainis--" napatigil ako sa pagsasalita biglang sumakit na naman ulo ko .

[Anyare sayo bespren? Bakit bigla kang napatigil?]

"Ah wala wala bigla kasi sumama pakiramdam ko. Sige bespren pagbalik ko nalang tsaka tayo mag usap "

*toot toot*

-

*Kinabukasan*

Nakatulog na pala ako kagabi hindi na pala ako nakapagpalit ng damit. Napakainit makaligo kaya ng maaga. Last day na namin dito.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Paglabas ko, nakita ko si Rain nakaupo sa kama ko.

"Unnie! Our breakfast is ready! bumaba ka na daw po sabi ni Mommy"

"Sige Baby Rain papunta na ko magbibihis lang ako"

"Sige po Bye Unnie!"

Ayun lumabas na sya. Nagbihis na ko at nag ayos tsaka bumaba .

-

*Breakfast*

"Baby, diba nanonood tayo ng movie kahapon bakit bigla kang nawala? tanong sakin ni mama.

"Ano po kasi Mama natulog na po agad ako kagabi sobrang antok na po kasi ako" pagsisinungaling ko ayoko na kasi isipin yung kagabi nakakasakit lang ng ulo.

"Ah ganun ba"

Patuloy ako sa pagkain, napatingin ako kay Thunder tahimik lang sya mukang walang plano ngayon ah.

Tumayo ako dahil tapos na ko kumain dumiretso ako sa kwarto ko at napalit ng maikling shorts at naka-tube lang ako ,pumunta ako sa pool umupo ako sa gilid non. Naalala ko sabi ni Mama Resort 'to ang ineexpect ko kasi yung mags-swimming kami maghapon pero parang hindi ganon ang nangyari parang resthouse lang 'tong pinuntahan namin. Akala ko hindi ko makakasama si Thunder dito, kaya ako sumama kila Mama kaso kasama pala sya at mas malala pa yung mga nangyari sakin dito kesa sa mga ginagawa nya sakin sa school.

Hay nako makapag swimming na nga lang para mabawasan pagka stress ko .

**
THUNDER'S POV

Dinala ko si Elize sa kwarto kagabi, gusto ko lang naman kasi mag sorry sakanya kasi parang masyado nang malala yung ginawa ko sakanya kasi pansin ko sakanya masakit katawan nya, Tapos yon binungangaan lang naman nya ko parang wala lang naman ata sakanya yung sakit ng katawan nya, e Tapos natawa pa ko nung sinabi nyang ikaskas ko daw yung ulo ko sa pader.

Nakita ko sya kanina nagpalit sya ng damit mags-swimming ata, Kaya nagpalit din ako ng damit. Mapagtripan nga.

Habang naglalakad ako papuntang pool natalapid ako.

Kamalasan ko na siguro 'to, buti nalang di ako nakita ni Elize baka pagtawanan ako non.

Nakita ko si Elize mag isa lang sya don palangoy langoy.

Umahon sya parang hinihimas nya sentido nya bigla atang sumakit ulo nya tapos non

Natumba sya. Tumakbo ako papalapit sakanya at binuhat ko sya tsaka tinawag si tita Franceska.

"Tita! Tita!"

"Bakit Thunder?-- Anong nangyari sa anak ko?!" nag aalalang tanong ni Tita.

"Tita mamaya ko na po iku-kwento dalhin po muna natin sya sa hospital"

Sinakay ko si elize sa kotse ko at mabilis na pinaandar yon at dumiretso kami sa Hospital.

-
ELIZE'S POV

Nagising ako at si Mama bumungad sakin .Teka bakit ako nasa Hospital bed?

"Mama ano pong nangyari? Bakit ako nandito?"tanong ko.

"Kasi Baby bigla ka nalang daw nahimatay kanina buti nalang nakita ka kaagad ni Thunder at dinala ka kaagad dito, sabi ng doctor masyado ka daw stress kaya ka daw nahimatay. Ano ba kasing mga ginagawa mo at nas-stress ka?"

"W-wala naman po Ma, siguro po dahil lang sa homeworks sa school atsaka pag laging nasakit ulo ko" pagtanggi ko pero ang totoo na s-stress ako dahil kay Thunder lagi nya kong pineperwisyo.

"Wag ka na masyado magpaka stress baby hah? Uuwi na tayo sa bahay, napadala ko na sa Papa mo yung mga gamit natin at pwede ka na din daw lumabas.

Hay salamat naman at hindi ko na makakasama sa iisang mansyon yang si Thunder.

-

*Bahay*

Salamat naman at nakauwi narin. Bakit kaya hindi ko nakita si Thunder kanina sa Hospital? Siguro umuwi na sya.

May photoshoot nga pala ako.Makapagpahinga na nga para ready na ko bukas.

-

My Bullylord Boyfriend (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon