Chapter 64 ❤ Big Event

7.4K 121 4
                                    


-
MICH'S POV

Kinausap ako ni Thunder kahapon at sobrang nasaktan ako sa mga sinabi nya.

Hindi nya ba talaga ako kayang mahalin?

Mahal na mahal ko si Thunder at kahit makasira ako ng relasyon gagawin ko para lang makuha sya.

Medyo matauhan naman ako sa sinabi nya kahapon. Oo, tanggap ko na na hindi niya talaga ako kayang mahalin pero kahit na gusto ko parin sya makuha, gagawin ko ang lahat para lang sakanya.

Gusto ko parin siya kahit alam ko na maraming iba dyan pero kahit anong gawin ko sya at sya parin ang gusto ko.

Andito ako ngayon sa kwarto ko hindi ako nalabas. Umiiyak lang ako maghapon dito.

"Mich, Stop na girl. Tanggapin mo na ang katotoohanan na hindi na talaga siya mapapasayo" sabi ng friend ko mula sa labas ng kwarto ko.

Alam niya yung tungkol sa pag-uusap namin ni Thunder. Kakadating lang niya at kanina pa siya katok ng katok pero hindi ko 'yon binubuksan. Tumayo ako sa kama ko at binuksan ang pinto.

"Leave me alone" sabi ko at sinara ko na uli yung pinto.

Alam kong medyo bastos na pagsaraduhan ko siya ng pinto pero sanay naman siya pag galit ako ganto ako lagi. Magkaugali kami kaya kami nagkakasundo. Hindi naman talaga ako ganito dati, pero siguro nabulag na din ako dahil sa pagmamahal ko kay Thunder.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero kahit siguro magpakamatay ako hindi parin ako mamahalin ni Thunder. Siguro maghahanap nalang ako ng iba na mas worth it para sakin.

-
ELIZE'S POV

Nandito kami ni Thunder sa isang event na Mom at Dad ni Thunder ang nag-organize. Ako daw yung date niya ngayon dahil baka kung sino daw ang magka-gusto sakanya dito sa event dahil hindi lang daw relatives nila yung invited may mga guests din daw, napaka-assumming nya talaga no? Haha.

Simple lang yung suot ko ngayon naka-cocktail dress lang ako na hanggang tuhod at kapartner nito ay stilettos at isang maliit na pouch, sky blue syempre yung kulay dahil iyon ang favorite color ko. Simple  lang din yung make up  ko at nakalugay lang ang buhok ko na curly yung dulo. Si Thunder naman naka tuxedo na white gwapo niya nga,e para kaming pupunta sa Prom Haha.

Nandito kami ni Thunder sa pinaka-gitnang table. May mga tables kasi dito at dun sa ibang table ay yung mga guests nila Thunder at nandito din yung ibang relatives nila.

"Bebs, Bakit mo ba kasi ako sinama dito?" tanong ko.

"Wala lang gusto lang kitang kasama kasi baka ma-bored lang ako dito" sagot niya.

"Ah okay. So, ano bang gagawin natin ngayon  dito?" tanong ko.

"Siguro maghahalikan tayo dito sa gitna Hahaha joke. Basta kainan naman 'to enjoyin mo nalang" sabi niya.

"Okay ako basta kainan Haha" sabi ko.

"Puro ka talaga katakawan pag ikaw tumaba" sabi niya.

"Ano ngayon kung tumaba ako? Hindi mo na ko mamahalin ganon?"

"Hindi na." sagot nya.

"Grabe ka Bebs ang s--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil hinalikan nya ko pero saglit lang at buti nalang walang nakakita.

"Hindi na. Hindi na kita papakawalan pa mahal kita kahit kasing taba mo na si majimboo" sagot nya.

Jusme! Kinikilig na naman ako hindi ako makapagsalita. He never fail to make me smile.

"Kinikilig ka na naman Haha. Pa-kiss nalang" sabi niya.

"Heh! Tumigil ka Haha." sabi ko.

"Wait lang" sabi niya tapos tumayo sya at hinila ako.

"Bakit saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta" sabi niya at hindi ko namamalayan na nandito na pala kami sa may unahan at hawak na ni Thunder yung mic.

"Uhm. Hello?" sabi ni Thunder sa mic at nagtinginan naman yung mga tao dito sa unahan na kanina ay busy sa pagkain.

"Ipapakilala ko nga po pala sainyo yung babaeng papakasalan ko, My Mom and Dad created this event to invite all of you to our wedding Haha biro lang po masyado pa pong maaga para doon." sabi niya at nagtawanan naman yung iba nilang guests. Nagpatuloy si Thunder sa pagsasalita habang  hawak lang ni Thunder yung kamay ko at hindi niya binibitwan para akong estatwa na nakatayo dito.

"Gusto ko lang po na malaman nyo na may girlfriend na ako. Minsan kasi kapag sa may mga kumpanya arranged marriage yung nangyayari pero hindi, Hinayaan lang ako ni Mom at Dad sa gusto ko at kung sino yung gusto ko. Sa lahat ng nandito sa mga relatives, at sa mga guests pinapakilala ko po sainyo ang girlfriend ko si Princess Elize Cortez" sabi niya at nagpunta pa kami sa gitna medyo madilim kasi at samin nakatapat ang spot light nakangiti lang ako at nginingitian din naman ako nung ibang relatives nila Thunder.

Pagkatapos non, bumalik na kami sa pwesto namon kanina. Binabati kami nung bawat madadaanan namin ni Thunder at pinupuri pa ko ang ganda daw. Tsk inborn na 'to Haha.

Naupo na ulit kami ni Thunder kung saan kami nakaupo kanina. Nandito pala sila Mama at Papa nakaupo dun at kausap yung Mom at Dad ni Thunder.Umuwi pa talaga galing Korea yung Dad ni Thunder para lang sa big event na 'to. Hindi ko kasi alam na naandito si Mama at Papa kasi sinundo ako ni Thunder at paggising ko akala ko nasa company sila yun pala nag mas nauna pa sila sakin dito.

Maya maya lumapit samin si Rain at umupo sa tabi ko.

"Unnie you're pretty!" sabi niya nang nakangiti.

"Thank you baby! You're pretty too" sabi ko at biglang may lumapit na isang bata dito sa pwesto namin at hinila si Rain tapos nakipaglaro.

***

Gabi na rin at hindi pa din tapos 'tong event nakakaramdam na din ako ng antok.

"Bebs inaantok na ko" sabi ko.

"Uwi na tayo? Dun ka nalang muna samin matulog medyo malayo pa kasi dito yung subdivision niyo" sabi niya at tumango nalang ako.

Nagpaalam na ko kay Mama at Papa na dun muna ako kila Thunder matutulog at pumayag naman sila.

Nandito na kami sa kotse ngayon ni Thunder at si Butler ang nagda-drive nakaaakbay sakin si Thunder at nakasandal naman yung ulo ko sa braso nya.

"Bebs malapit na tayo wag ka ng matulog" sabi nya nakatingin kasi sya sakin at papikit pikit na ko.

"Oo na" sabi ko at umayos ako ng upo para hindi ako antukin.

Maya maya nakarating na din kami sa bahay nila Thunder at dumiretso kami sa guest room.

"May damit naman dito kaya magpalit ka na" sabi niya at umupo sya sa kama dito.

Papasok sana ako sa CR nang bigla syang magsalita.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Sa CR magbibihis" sagot ko.

"Dito ka magbihis sa harap ko" sabi nya at nilapitan ko siya.

"Gusto mo dito ako magbihis? Kung inuupakan kaya kita dyan shushu lamabas ka na nga dito" sabi ko sakanya at hinila ko sya palabas.

"Joke lang naman 'to talaga dali magbihis ka na magbibihis na rin ako" sabi nya at umalis na magbibihis ata sa kwarto niya.

**

Nakapagbihis na ko at nakapaghilamos narin ako. Nahiga ako sa kama. Hay nakakapagod kahit nakaupo lang kami don at nagkwentuhan. Tawa lang ako ng tawa kanina gawa ni Thunder laging patawa, e.

Maya maya pumasok si Thunder dito sa kwarto at diretsong higa din dito sa kama sabi ko kasi sakanya na samahan nya ko dito matatakutin nga kasi ako.

"Sabi ko samahan mo ko hindi ko sinabing humiga ka din dito" sabi ko.

"Gusto kong humiga, e bakit bawal ba?" sabi niya.

"Oo" sagot ko.

"Wag kang mag-alala bebs wala naman akong gagawing masama sayo sasamahan lang naman kita dito. Matulog ka na. I love you goodnight" sabi niya. He kiss me on my forehead.

"I love you too. Goodnight" sagot ko.

My Bullylord Boyfriend (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon