Kabanata 5

1.8K 41 0
                                    

1896

"Meme, wake up. Meme! Wake up! Wake up! Aunt Mariana said we're here!", untag kay Blanca ng kanyang anak na si Barbara. Nagsalubong naman ang kilay niya at iginala ang paningin sa buong lugar.

Tama ang kanyang anak, nakabalik na nga sila sa bayan ng Sta. Barbara. Biglaan ang naging pag-uwi nila dahil na rin sa liham ng kanyang ama na nakapagpakabog ng kanyang puso.

Ano ang mahalagang bagay na nais ipaalam ng kanyang ama at nais nito ang agaran niyang pag-uwi? Nawala ang pagkabog sa kanyang dibdib ng makita ang kanyang ama na nag-aantay sa kanila. Sa mga mata nito ay ang walang kapantay na pangungulila para sa anak na nawalay sa loob ng tatlong taon.

Napasinghap si Blanca nang ikulong siya ng kanyang ama sa mga bisig nito.

"Anak ko! Patawarin mo ako! Patawarin ang iyong papa dahil inabandona kita sa panahon na mas kailangan mo ako"

Hindi na napigilan ni Blanca ang mapaluha at gumanti ng yakap sa kanyang ama.

"Papa, nangulila rin po ako sa inyo",

Natawa naman sila ng yumakap sa kanila ang anak niya.

"Meme, who is he?"

Nangislap naman ang mga mata ng kanyang ama habang nakatitig sa kanyang anak.
"Siya na ba yan, Blanca?"

Tumango siya kasabay ng pamumuo ng mga luha sa mga mata. Nakita naman niya ang pagtulo ng luha ng kanyang ama at yinakap ang bata.

"Hello there, What's your name darling?"

Nagpout naman ang kanyang anak. "I'm Barbara but Meme called me Barbie. And you are?"

"I-I'm your grandfather",

Sa isang saglit ay nangislap ang mata ng kanyang anak at kusa nang yumukod sa kanyang ama.

"Yehey! Barbie has grandfather! Meme! I have a grandfather!" ngingiting ngiti nitong baling sa kanya. Tumango lang siya at ginulo ang buhok ng anak.

Pagpasok ng bahay ay pinapasok muna niya ang kanyang anak sa magiging silid nito kasama si Nanay Sylvia para makausap niya ang kanyang ama.

"Papa ano po ang mahalagang bagay na nais niyong sabihin at daglian pa ninyo akong pinauwi?" aniya.

Sumeryoso naman ang kanyang ninong at matiim siyang tinitigan.

"Alam ko na Blanca ang buong katotohanan. Kilala ko na kung ano ang taong dumungis sa iyong puri", tiim bagang nitong saad.

Bigla ay lumukob ang walang kapantay na takot sa dibdib ni Blanca.

"Po? Ano po ang ibig ninyong sabihin papa?"

"Inamin na sa amin ni Lucas ang nagawa niya", mapait nitong sabi at kinabig siya patungo sa dibdib nito.

"Anak! Bakit hindi mo inamin sa akin ang kalapastanganang ginawa niya sa iyo?! Bakit hindi mo inaming ginahasa ka niya?"

Nanlamig naman siya sa sinabi ng kanyang ama. Sa isang iglap ay tila nagbalik siya sa nakaraan.

"Lucas, anong ginagawa mo rito, masyadong malalim na ang gabi para gumala ka pa?" kunot noong tanong ni Blanca. Kasalukuyan siyang nakaupo sa duyan habang nilalasap ang talutot na pag-ihip ng hanging amihan. Malapit na ang pagdiriwang ng pasko at naging abala na ang ama ni Blanca dahil sa nalalapit na pagdating ng bagong gobernador heneral.

El Que Se EscapóWhere stories live. Discover now