Kabanata 20

1.2K 22 3
                                    

Her Story
(Warning! This chapter contains violence)
8 years ago...

"Hay Blanca kailan kaya niya ako mapapansin?" buntong hininga ni Lucas sa kanya habang nag-aaral sila sa library ng school. Hindi nakapagsalita ang dalaga dahil sa labis na gulat sa pagsulpot ng binatilyo sa kanyang tabi at akbayan.

Pasimple niyang inayos ang salaming walang grado at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa kahit na sa gilid ng kanyang mga mata ay pilit iyang sinisilip ang binatilyo na ngayon ay nagpapabilis ng pintig kanyang puso.

"B-Baka, kulang ka lamang sa effort kaya ganoon. B-Bigyan mo kaya siya ng mga bagay na gusto niya", aniya na pilit ibinabaling ang paningin sa ginagawa kahit na aminado siyang mamaya rin ay mahihibang na naman siya at titigan ang maamong mukha ng lalaki.

Napaisip-isip ito at maya-maya pa ay sumilay ang mga ngiti sa labi. Sa gulat niya ay bigla na lamang siya nitong yinakap ng mahigpit."Tama ka! Salamat best friend! The best ka talaga!"

Kasabay ng pagkawala nito ay ang isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Napahawak siya sa tapat ng kanyang puso na parang aatakihin na sa ginawa ng lalaki. Tumingin siya sa bintana na unti-unti nang kumukulimlim at dahil sa kamalasan niya, naiwanan pa niya ang kanyang payong.

"Gatas, pampakalma sa pusong nagwawala", anang isang boses kasabay ng paglapag ng kartooon ng gatas. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi bago tinangala ang lalaking naglagay ng gatas. "Ang mahal nito ah, sigurado ka bang bigay mo na ito sa akin?"
Ngumisi naman ang lalaki at tumabi sa kanya. "Limited offer lang iyan, kaya i-grabbed mo na"

El Que Se EscapóWhere stories live. Discover now