Kabanata 6

1.7K 41 1
                                    

     Kinagabihan gaya nga ng sabi ng ama ni Blanca dumating ang mga Archangel ngunit kakatwang hindi kasama ng mga ito si Markus. Pagpasok ng mga ito ay unang bumungad sa kanya si Lucas. Kinapa niya ang dibdib pero kakatwang wala siyang maradamang kilig o kaba.

"Kamusta na Blanca?" malumanay nitong sabi ngunit hindi nito maikakaila sa kanya ang lamig at galit sa tono lalo na nang makita nito si Barbie na katabi ng kanyang ama.

"Maayos naman ako Lucas. Hindi ba kapansin pansin?" sagot niya sa pormal na anyo. Nagpaskil siya ng ngiti sa labi at binati ang mga magulang nito.

"Buenos dias Seniora Lucia, Senior Marcos. Hindi ko po mamataan si Ginoong Markus at ang kaibigan kong si Consolacion. Nasaan po kaya sila?"

Sa sinabi niya ay biglang natahimik ang lahat. Unang tumikhim si Don Marcos na nakabawi.

"Si Consolacion ay namatay... sa isang insidente"

Natulala naman siya sa sinabi nito. Tila nawalan ng lakas ang kanyang tuhod, bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig ay kaagad siyang nasalo ni Lucas.

"H-Hindi..." marahas niyang bulong.

"Siguro ay nasabi na sa iyo Blanca hija ng iyong ama ang pakay namin dito", mahinang sabi ni Donya Lucia. Tumango siya at pilit na kumawala sa yakap ni Lucas.

"Nais namin panindigan ni Lucas ang pagkakamaling nagawa niya"

Muli siyang tumango bago sinalubong ang mga mata ng mga ito.

"Gusto namin na pakasalan ka ni Lucas"

Tumingin siya kay Lucas para maghanap ng pagtanggi ngunit iba ang ibinabadya ng mga mata nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Isang saloobin na pinangarap niya noong makita sa mga mata nito. Emosyong nakikita niya sa mga mata nito habang nakatitig kay Consolacion na ang mga mata'y na kay Markus.

Tumikhim siya at hinamig ang dibdib sa kakatwang init na humaplos sa kanyang puso. Natuto na siya kaya hindi na dapat siya magpaapekto pa.

"Paumanhin po ngunit hindi ko nais na makasal kay Lucas", aniya na ikinabigla ng lahat. Agad lumapit sa kanya ang kanyang ama ngunit hindi nito ganap na nagawa dahil sa tinging ibinigay niya. Puno ng sakit, pagsisi at galit.

"Kung may nasira man ay ako lang. Hindi na kailangang buksan pa ang pilat para gawing sugat muli. Ikakasal na ako at ang taong pakakasalan ko ay mahal ko at minahal din ako sa kabila ng dalahin ko sa buhay. Hindi na kailangan pang itali ako at ang anak ko sa isang pamilya na walang pag-ibig na nagbubuklod", litanya niya at yumukod bago iniwan ang mga ito para sumagap ng hangin.

Natilihan siya nang may malakas na pwersa ang humila sa kanya. Sumalubong sa kanya ang nag-aapoy na mga mata ni Lucas sa galit. Marahas siya nitong kinabig papalapit dito.

"Anong ibig mong sabihin Blanca na ikakasal ka na sa ibang lalaki?"

Pinanatili niya ang malumanay na anyo at pinagmasdan ang binata.

"Ano ba ang aasahan mo sa loob ng tatlong taon, Lucas?"

Natilihan naman ito at unti-unti siyang binitawan. Mabilis naman siyang tumalikod at humakbang papalayo ngunit hindi pa siya nakakalayo nang muli siyang hilahin ni Lucas. Agad sumalubong sa kanya ang mga labi nito. Pilit niyang itinulak ang lalaki ngunit mas malakas ito. Halos pangapusan na siya ng hininga ng pakawalan siya nito.

"B-Blanca?" anang boses sa likuran niya.

Nawalan ng kulay ang mukha niya nang makita ang mukha ng kasintahan na puno ng sakit at galit.

"Ga-Gabriel"

Sa isang iglap ay sinugod ng suntok ng lalaki si Lucas na ikinatili niya.

Present time... 2018

Blanca

"Aray ko! Grabe!" anas ko at pilit bumangon.

Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid.

Heeeeeeeeeh?

Paano? Bakit ako narito sa duyan? Di ba nakapasok na ako kanina doon sa secret room? Napatingin naman ako sa netbook na nakapatong sa hita ko.

Nasa chapter two na pala ako ng story ko nang hindi ko man lang namamalayan.

Sigh.

Kasi naman... Pocket book pa more Bea Blanca.

Napaangat naman ang tingin ko. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan pala ako ni Luke. Taranta akong napahawak sa aking bibig.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapuna kong basa iyon.

Shocks! Naglaway ako? Natigilan naman ako nang lumuhod sa harapan ko si Luke at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Ang cute mo palang matulog. Kahit naglalaway ka"

Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Anong cute sa babaing humihilik at naglalaway habang natutulog?

Napatingala naman ako nang tumayo siya at iabot sa akin ang isa niyang kamay.

"Tara na sa loob at maghapunan. Inasal na manok ang niluto ngayon ni manang",

Napalunok naman ako sa pagkakabanggit ng manok. Kahit ano pa ang luto, basta manok. Natawa naman si Luke nang marinig niya ang pagkalam ng tiyan ko.

Hindi ko napigilan ang pag-angat ng kilay ko. "May problema ba?"

Sa gulat ko ay ibinaba niya ang netbook ko sa isang malapit na mesa at binuhat ako.

"W-Wait! What are you doing?! Hoy Lucas Archangel ibaba mo ako kung hindi babatukan kita!"

Napatanga naman ako at napatitig sa kanyang mga mata bago sa kanyang labi.

Wahh...

Tigilan mo na iyan Bea Blanca! Baka kung saan ka dalhin ng imagination mo!

Napaangat naman ako ng tingin at katulad ko nakatingin din siya sa mga labi ko.

"Can I kiss you?"

Namilog naman ang mga mata ko kasabay nang pag-awang ng bibig ko. Hindi na siya nag-antay pa ng sagot ko at hinagkan na ang mga labi ko.

"Sir Luke nandito po si Ma'am Carla, gustong pumasok",

Ouch.

Napatingala naman ako kay Lucas at binigyan siya ng masamang tingin kasi matapos akong hagkan ay bitawan daw ba naman ako.

Napanganga na lang ako nang may pumasok na babae at hagkan sa labi si Luke.

What the....?!

El Que Se EscapóWhere stories live. Discover now