CHAPTER 12.2

26.3K 258 1
                                    

"WAG NA SABI EH! BA'T BA ANG KULIT MO!" nagulat naman si gery dahil sa pag sigaw ni mira sakanya.

Ngayon niya lang kasi nakita na iritang-irita ito at sinigawan siya.

Dati naman ay mahinahon lang itong nakikipag usap sakanya. Maski si mira ay nagulat dahil sa pag sigaw niya. Bigla na lang kasing sumabog ang inis at galit sa puso niya.

Nakagat ni mira ang kanyang pang ibabang labi dahil sa lungkot na pumaskil sa buong mukha ni gery.

Kusang tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigil na wag tumulo. Halos ilang araw na din siyang umiiyak. Napapagod na siyang umiyak ng dahil kay gery.

Gusto naman niyang bumalik ang dating mira. Yung pala ngiti at pala tawa kahit na may problema. Tumalikod na lang siya at nag lakad ng napaka bilis, alam niya kasing susundan lang siya ni gery lalo na't alam niya na nakita ni gery ang luhang pumatak sa pisngi niya.

Ayaw kasi ni gery na jakikita siyang umiyak.

Nag lalakad na si mira sa grocery. Wala ito sa sarili dahil sa nangyari kanina. Kumukuha na siya ng karne ng biglang may maka sagi sakanya.

Napa lingon naman siya dahil sa inis. Sisigawan na dapat niya ito ng makilala ang lalaking naka bangga niya.

"Carl?!/mira?!" sabay na sabi nila.

"Ba't nandito ka? Di ba nasa pampangga ka?" sabi ni mira ng nag tataka.

Ang alam kasi nito ay nandoon ang company nito kaya hindi na siya nakakabisita sa VILLA WIDISTONE VILLAGE.

"Ano....... Kasi.......... Ahhhmmm.......... Dito na kasi ako mag sstay kasama ko si jason. May company kasi si daddy dito. Ako mo na daw ang bahala aalis kasi sila ni mom for their 38anniversary ng kanilang kasal" sabi nito sabay kamot sa batok nito.

Napa ngiti naman si mira. Ang cute kasi nito kapag ginagawa ni carl iyon.

"Ahhhh.. Ganun" sabi na lang nito.

Matapos mag grocery ay niyaya muna siya ni carl na kumain. Sakto naman na nagugutom na siya kaya sumama na din siya. Napag usapan nila na doon na lang sila kumain sa mga nag titinda ng mga street foods.

My Husband Is A Maniac [✔]Where stories live. Discover now